7 Segundo

29 1 0
                                    

Nasilaw ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti-unti akong bumangon dahil ang sakit ng ulo ko. Shit! Ano bang nangyari kagabi? Paano ako nakauwi?

Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. Gano'n pa din ang suot ko simula kagabi. Nawala na lang iyong blazer at heels ko pero kumikirot ang ulo ko! Bumalik ako sa kama pagkatapos para maupo at mag isip. Natutulala pa ako.

Nagulat ako dahil biglang bumukas ang kwarto ko at pumasok si Gael.

"How are you feeling bbq? Nahihilo pa?" lumapit siya sa pwesto ko at umupo sa gilid ng kama. Kinapa niya ang sintido ko at hinilot ng bahagya.

"What are you doing here?" takang tanong ko dahil ang aga naman niya ata dito sa bahay.

"You don't remember a thing?" pinaningkitan niya ako ng mata. Patay, hindi ko alam. Ano ba nangyari?

"Why ano ba nangyari?" takang tanong ko sa kaniya

"Aray naman barbeque!" napahawak ako sa noo ko dahil bigla niya akong pinitik sa noo. Hindi naman masakit pero inartehan ko lang para hindi na ako pagalitan.

"Sabi ng huwag kang iinom kapag wala ako sa tabi mo eh. Hindi mo maalala? Paano kung may mangyari sa iyong hindi maganda edi hindi mo din maaalala?" Iyan na nagsisimula na siyang manermon!

"Kasama ko naman si Fifi?" mahinang sabi ko

"Maski na kasama mo si Fifi o kahit na sino pa iyan. Hindi ka naman lagi nilang mababantayan if ever na malalasing ka eh" diretsong tingin na sabi niya.

"Fine! oo na hindi na mauulit! kasalan mo rin naman eh" irap ko dito

Totoo naman na kasalan niya eh, or dahil sa Maddison na iyon? Ay ewan! Ang immature ko na!

"What? Paano ko naman naging kasalanan aber?" taas kilay niyang sabi

"Basta"

"Iyan tayo eh pag kasalan mo ako pa din may kasalanan" naka pout na sabi niya. Okay may point.

"Eh kasi ikaw! Bakit kasama iyong Dra. na iyon kahapon sa celebration niyo! For sure nilandi ka na naman niya!" sinipa ko iyong kumot na katabi ko at hinampas ko siya ng unan. Naiinis ako sa kaniya pati sa sarili ko. Ang immature ko at ayaw ko nito pero hindi ko talaga mapigilan!

"Aray--wait! Baby masakit!" Natatawa niyang sinasagi ang bawat hampas ko at mas lalo akong naiinis kasi ang lakas pa ng tawa niya!

"Bakit ka natatawa? Gustong-gusto mo pa? Sige doon ka sa kaniya! Wala akong pake! Magsama kayong dalawa!"

"Eh kasi nagseselos ka na naman" Aba ayaw talaga tumigil sa pag tawa. Masinok ka sana! Hinawakan niya ang kamay ko kaya hindi ko na natuloy ang balak kong ipulupot sa leeg niya iyong kumot. Tss

"I told you there's nothing to be jealous about right? I love you and it's only you Aubrey." naka smile niyang pag a-assure.

"Akin ka lang" simangot ko dito

"Yes baby yours only. Puso, isip, kaluluwa pati katawan" natawa na naman siya ng malakas sa sinabi ko at malokong kinindatan ako.

Napatili ako ng bigla niya akong ihiga sa kama at pinakubabawan.

"H-hoy! umalis ka diyan! Anong ginagawa mo"

"You're too cute. Dapat pinaparusahan ka eh" nakangising sabi nya

"Sige subukan mo tatamaan ka--"

Nagulat ako dahil bigla niya akong hinalikan. Hindi ako naka pag shield doon ah!

"Sabi mo subukan ko" sabay halik ulit sa akin ng mas malalim. My gosh marupok ka ghorl.

Ilang sandali pa ay tumayo na siya at hinila ako palabas ng kwarto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SegundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon