"Truth din" sagot nito
"Ay ako na magtatanong kahit hindi sa akin nakatutok!" agaw eksenang sabi ni Fifi
"Anong ideal type mo Engr. Harvey" malanding sabi nito
"Ay bet ko iyan!" bakla-baklaang sabi ni Bryan
"Nako bro mahipan ka ng hangin ah" natatawang sabi ni Billy kaya nakatikim ito ng suntok sa braso.
"Huwag kayo magulo diyan!" sabi ni Tricia na naghihintay din ng sagot ni Engr. Harvey
"Ideal type ko sa babae basta mabait, maalalahanin, mapagmahal and responsable" sagot nito at napatingin sa aming lahat.
"Ideal type daw sa babae Fifi, doon pa lang bagsak ka na" natatawang sabi ni Bryan kaya natuktukan siya ng kutsara sa ulo ni Fifi.
"Epal ka!"
Pagkatapos maglaro ay nagsaya lang kami at nag-inuman doon sa table. Itong baklang Fifi na ito hindi naman lasing pero mukhang lasing kung umasta. Ginawa ba naman club ang lugar at nagsasayaw sa gitna.
"Sira-ulo talaga" natatawang bulong ko habang pinanonood siya.
"Close talaga kayong lahat no?" tumabi pala sa akin si Engineer.
"Ah yes Engr. Medyo matagal na din kasi kaming magkakasama dito sa company" sagot ko
"Ang formal naman ng Engr. call me Harvey na lang" sabi nito
"Naku nakakahiya naman sabihin nila ang feeling close ko. Pamangkin ka pa naman nila bossing"
"Oy hindi ah, kahit naman pamangkin nila ako ayaw ko naman na may gap sa mga makakatrabaho ko no." sagot nito
"Actually same. Sige call me Aubrey na lang din" nakakahiya naman kung tatanggihan ko kaya um-oo na lang ako.
"Galing kasi akong America kaya hindi na ako masyadong sanay sa ingay ng Pinas. Alam mo naman doon masyadong liberated at cold ang mga tao" panimulang kwento nito.
"Buti at naisipan mong bumalik?"
"Oo kailangan kasi ng tulong nila tita eh, Saka isa pa dito ko talaga gusto mag work"
"Mabuti naman pala kung gano'n" tango kong sabi. Wala na din naman kasi akong masabi pa.
"I think hinahanap ka ni Fifi sa harapan" natatawa niyang baling sa akin. Pagkalingon ko sa sinasabi niya ay nakita ko si Fifi na sinesenyasan ako sa harap. Umiling naman ako dito kaya napasimangot ito at tumalikod.
"Fifi really makes the atmosphere lively" natutuwang sabi nito
"Yeah right, sobrang kulit niyan makita mo lang. Times 10 pa diyan pag lasing na iyan"
"Really? Naku lagot na" hindi makapaniwalang sabi niya
"So you're an Interior designer? Actually iyong ate ko din kaya kasundo ko iyon kasi nasa iisang field lang kami" nagk-kwentuhan lang kami ni Harvey kanina pa habang umiinom ng kaunti. Madaldal din pala ang isang ito dahil kanina pa siya hindi nauubusan ng sasabihin.
"Buti ka pa may kapatid, ako kasi only child eh" sagot ko
"Oh really? Kaya pala" tangong sabi nito
"Kaya pala ano?" takang tanong ko
"Kaya pala you're fond of kids kasi only child ka" ngiti niya
"Actually tama ka, saka kasi ang cu-cute nila" masayang sabi ko dahil naisip ko ulit ang mga bata sa orphanage.
"They're lucky to have an ate figure to you" ngiting sabi nito
Natigil ang paguusap namin dahil bigla na lang akong hinila ni Fifi.
BINABASA MO ANG
Segundo
RomanceHindi ko alam pero simula pa lang noon, naniniwala na ako na maraming misteryo sa mundo at buhay ng isang tao. Hindi ko nga lang alam na makakaranas din ako ng ganun. Isang misteryo na alam kong buong buhay ko ay hinding-hindi ko malilimutan. Kaya b...