STMT1: Sold

5.7K 175 36
                                    

Suzy Lee POV

       Ang sarap mangarap, 'yong tipong walang problema, maganda ang bahay, may magandang kotse, kumakain ng masasarap na pagkain at higit sa lahat kumpleto ang pamilya pero gaya nga ng sabi nila walang perpektong buhay. If you're life doesn't have ups and downs meaning you were dead.

*blag blag blag blag*

halos mapatalon ako sa kama nang may narinig akong kumakatok sa galit. Umagang umaga naninira ng mood.

"Hoy! mga salot kayo!! mag simula na kayong magempake!! ilang buwan na kayong hindi naka-kabayad ng renta!!!!"

holy men, si Aling Marta!! iyong may ari ng bahay na inuupahan namin

"Ate ate! si Aling Marta nasa pinto galit na galit anong gagawin natin?" 

tumayo ako at pinagbuksan si Aling Marta "Good Morning Aling Marta. Umagang umaga po nagagalit na kayo aba masisira po ang ganda nyo" sabi ko with full smile pa kahit alam kong walang epekto. Apat na buwan na kaming hindi nakakabayad ng renta. Alam ko na kung bakit nandito siya dahil papalayasin na kami, iniisip ko palang nasasaktan na ako.

"Huwag na huwag mo akong maloloko Suzy, ang usapan ay usapan" tumingin sya sa likod niya at nakita kong may mga maskoladong lalaki at kung titignan ko mukhang mga wrestler sa laki ng katawan. "Alam nyo na ang gagawin" 

nataranta ako, bigla na lang pumasok ang mga maskolados sa bahay at pinagkukuha ang mga gamit "A- aling Marta teka lang po. Baka naman po pwede nating pag usapan? wala po kaming mapupuntahan at maawa po kayo sa mga kapatid ko"

"Ilang beses ko na kayong inintindi, pero wala eh.. umalis na kayo dito dahil darating ang bagong titira"

naglakad na siya palayo pero hinabolko pa rin "Aling Marta naman magbabayad po ako mamaya, pangako po dodoblehin ko po ang bayad pangako po" sabi ko at halos lumuhod na sa harapan niya 

tinignan lang niya ako at nakita ko sa mukha niya na medyo lumambot ng kaunti " fourty thousand, kung wala pa mamayang alas nuebe ng gabi magsimula na kayong mag-empake"

kusang bumagsak ang luha sa mata ko, fourty thousand saan naman ako kukuha? ang laking pera, sobrang hirap kitain. Tumingin ako sa mga kapatid ko, umiiyak sila at mas lalo akong nasaktan "si- sige po. fourty thousand alas nuebe ng gabi"

Umalis na si Aling Marta kasama ang mga maskolados. Lumapit ako sa mga kapatid ko at niyakap sila "ok lang ba kayo? hindi ba kayo nasaktan?"

"Ate ang laking pera saan naman tayo kukuha niyan?" tanong ni Michelle ang pangatlo sa amin

"Paano na tayo ate? saan tayo titira?" tanong ng bunso naman na si Katrina

"Ate paano kung, tumigil na lang kami sa pag aral at tulungan ka na lang namin?"  sabi naman ni Troy ang pangalawa sa amin

Sold to Mark Tuan (Got7) (TWICE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon