Masyado nang matagal si Mark sa labas kaya naisip ko na hanapin na lang sya. Nilibot ko ang tingin ko, di ko maiwasan hindi mamangha sa ganda ng lugar kung saan tinigil ni Mark ang sasakyan niya. Napangiti ako nang makita ko syang nakasandal sa puno with his hands on his pocket and with his eyes close. Ang sarap niyang pagmasdan bago pa nya maramdaman ang presence ko, inayos ko na ang camera ko and capture that moment.
"Baby girl"
eeeh, hindi ko alam pero bigla na lang ako nagtago sa likod ng puno
"Baby giiirl"
Dahan dahan akong sumilip para tignan kung anong ginagawa niya . Ganon parin naman nakasandal parin siya sa puno.
sheeet
Ginulo niya ang buhok niya nang nakapikit!!! alam nyo ung ay grabe kung kayo lang ang nasa posisyon ko baka kanina pa kayo nahimatay.
Inayos ko ulit ang camera ko. Finocus ko sa kanya ang lens.
*Click*
*Click*
*Click*
Nang makarami na ako ng shots sumandal ako ulit sa puno para tignan ang mga kuha ko. Paano kaya kung ibenta ko itong mga stolen shots nya sa mga fans siguradong pagkakaguluhan ito pero dahil madamot akong girlfriend akin lang ito.
"What are you doing baby girl"
Napaangat ako ng ulo at nakita ko siya sa harap ko gulo gulo ang buhok, Mukhang pagod at inaantok pero bakit ganon dapat magmumukha siyang pangit sa paningin ko, hindi e ang Hot pa niyang tignan idagdag mo pa medyo bukas niyang polo.
napalunok ako
Oh Lord mukhang sa itsura ni Mark ngayon parang magkakasala ata ako. Ang dumi ng isip ko. Ang hot kasi niya ang sarap niya sigurong....
waaaah
ayoko na ang dumi ng isip ko
"Baby girl ok ka lang? Parang wala ka sa sarili mo?"
Lalapitan sana niya ako pero tumakbo ako palayo
"Wag kang lalapit!!"
"hey what's wrong?" at humakbang ulit sya palapit sa akin
"Sabi kong wag kang lalapit e!! Please baby boy wag kang lumapit utang na loob"
