Suzy's POV
Nagising ako nang may naramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Oo nga pala, nandito ako sa condo ni Mark. Tumagilid ako at nakita ko ang mala adonis na mukha. Ang payapa ng mukha niya kapag tulog pero kapag gising laging kunot ang noo na parang pasan ang mundo. Lumingon ako sa orasan alas singko pa lang ng umaga. Tumayo ako para pumunta ng banyo at inayos ang sarili. Pagkatapos dumiretso ako ng kitchen para ipaghanda ng almusal si Mark. Sigurado akong may hangover siya kaya kelangan niya ng pampatanggal ng sakit ulo.
Binuksan ko ang ref pero tanging repolyo, evaporated milk lang ang naroon.Binuksan ko ang mga cabinet puro noodles. Napailing ako. Seriously puro instant ang kinakain niya? mabuti na lang at may nakita akong macaroni, pwede na ang sopas. Nang maluto ko na ang sopas at mag aalas sais narin ng umaga pinuntahan ko na siya sa kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama at eksakto namang napalingon ako sa side table niya, nakita ko ang picture ng Signature Band kasama si Jiyeon. Nakita kong magkatabi sila ni Jiyeon, naka akbay sa isa't isa.
"Anong ginagawa mo?"
halos mabitawan ko na ang picture frame nang marinig ko siyang magsalita buti na lang at nailapag ko kaagad "Ahm. wala tinitignan ko lang 'yong picture" at tinuro ko sa kanya 'yong picture nila. Walang siyang sinabi, tumayo lang siya at naglakad patungong banyo "Good Morning ugly red hair!" masaya kong bati pero snob lang. tsk tsk tsk.
Sumunod ako sa kanya ehem hindi ako pumasok sa banyo ha doon lang ako sa tapat ng pintuan "Nagluto pala ako ng sopas baka sakaling gutom ka o may hang over mainit pa 'yon magandang pampatanggal ng hangover" hinintay ko siyang sumagot pero wala akong napala. Kaya pumunta na lang ako ng sala at umupo doon.
Lumabas na siya ng kwarto at sakto namang nagkatinginan kami "Nagluto ka?" sabi niya habang papunta sa dinning table
"ah oo. maganda yan pampatanggal ng hangover"
"ano ito?" parang nadismaya siya sa niluto ko lumapit ako sa kanya
"Sopas. Hindi mo alam ang sopas?"
Umiling siya. Totoo ba ito hindi niya alam ang sopas? ang sarap kaya lalo na kung bagong luto
"ngayon ko lang yan narinig ikaw na lang kakain niyan coffee is fine with me" iniusod niya ang upuan at umupo doon. kinuha nya ang tinimpla kong kape at sa ikalawang pagkakataon parang hindi niya nagustuhan "I don't like brown coffee mas prefer ko ang Black Coffee" umalis siya sa inuupuan at nagtungo sa counter
Suzy hinga ng malalim. Ok lang yan note to yourself Huwag ipaghahanda ng pagkain si Mark madidismaya ka lang
"Ayaw mo ba talaga ng niluto ko? hindi mo pa naman natitikman eh paborito nga yan ng mga kapatid ko "
"May kapatid ka?"
tumango ako "Meron, panganay ako. Hoy Ugly red hair tikman mo na kasi 'yong niluto ko tignan mo oh nagkapasa tuloy ako" pinakita ko sa kanya ang daliri kong may band aid
