Suzy
This day was so perfect.
Because
I'm spending my day with the person I love. Pumunta kaming star city and we have fun, sumakay kami ng ibat ibang rides, we bought souvenirs and luckily Jb won a human size bear na binigay naman niya sa akin. Ang sweet di ba? hihihi kinikilig parin ako haha. Napagod kami kaya nandito kami sa sea side ng MOA habang hinihintay ang sunset..
Yumuko ako para tignan ang napaka gwapo niyang mukha na kasalukuyang nakahiga sa lap ko.
I'ts been Ten years since I met him.
Naaalala ko tuloy ung panahon na una ko siyang nakilala, hindi naman siya ganito ka gwapo eh he's a nerd na paboritong binubully sa classroom. Wala akong paki alam sa kaniya noon, isa pa nga ako sa nakikitawa, saan ka nakakita ng lalaki na nag papabully? diba dapat lumaban ka?
Araw araw ganoon ang scenario sa classroom at wala akong ginawa para tulungan siya, alam nyo ba ung three kinds of bully? I'm the third type. I am a by stander. Not until that time came..
Flashback five years ago.....
Dahil alam kong nag aaway na naman si Mama at Papa hindi muna ako umuwi ng bahay. Humanap muna ako ng pwede kong pag kakitaan, ang motto ko kasi sa buhay nang mga panahon na yan "Pera muna bago laro".
Hindi ko namalayan ang oras,maghahating gabi na pala. Habang naglalakad ako pauwi may nakasalubong akong grupo ng mga kabataan na naka inom ata
"pare tignan mo napaka gandang bata oh"
"taena pare ang kinis"
tumakbo ako dahil sa takot. Hinahabol nila ako kaya mas binilisan ko pa ang pag takbo ko.
"Naman!! bakit ngayon pa!!!" nabutas ang plastic na pinaglagyan ko sa pera na naipon ko sa pagtitinda at kung sinuswerte ka puro pa barya
"Miss wag ka na kasing pakipot! Malapit na kami!! bwahahaha"
"Grabe talaga ang puti mo Nene, ilang taon ka na? sigurado akong bata ka pa sariwang sariwa!"
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. "Jan lang kayo ha! 'wag kayong aalis jan babalikan ko kayo" sabi ko sa mga barya na nagkalat sa sahig
Tumakbo ako ng tumakbo pero dahil mga lalaki sila mas malaki ang hakbang nila kesa sa akin. Naiiyak na ako, takot na takot ako sa mga oras na 'yan. I was so helpless.
Lumingon ako at nakita kong may lumitaw bigla na bato sa ere. Teka saan galing ung mga bato? Wala na akong panahon para alamin kung saang lupalop galing ang mga bato.
"Here" sabi ng hindi ko kilalang lalaki at pinasok ako sa hindi ko alam na building at sinara nang lalaki ang pintuan tapos Sumilip siya sa maliit na butas.