Chapter 7

71K 1.8K 366
                                    

Game of Love

This chapter is dedicated to Allyza Aquino. Happy reading!
---------

Right

Halos masamid ako sa sinabi ni Leeland. Nauubo kong tinanggap ang tubig na inilahad niya sa akin. Ininom ko iyon at kulang nalang ay iligo ko sa aking sarili para lang mahimasmasan sa narinig.

Inilapag ko ang baso saka siya pinandilatan ng mata.

"You what?!" I almost screamed at the top of my lungs.

May mga customer na napatingin sa akin pero hindi ko na iyon prinoblema dahil sa sinabi ni Leeland na kumuha ng buo kong atensyon.

"Ikaw. Gusto kitang maging girlfriend. Pero seryoso. Iyong hindi laro."

Mas nanlaki ang mga mata ko dahil sa linaw ng kanyang pagkakasabi. Oh my gosh! Nababaliw na itong si Leeland!

"You're inlove with me Leeland?" I almost panicked. Nakakagulantang kasi! I mean... hindi ko lang talaga maiproseso sa utak ko.

"Kung ayaw mo naman, pwede mong ipagpatuloy iyong kay Tres hanggang sa mapaamo mo siya sa'yo. I am giving you the most challenging game, Red. If you don't want to end up being my girlfriend, then tame that heartless Buenaventura. Paibigan mo sa'yo." Ngising aso na ito sa akin. Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Sumandal ako sa upuan at humalukipkip roon. Mariin kong tiningnan ang kaibigan kong may malapad nang ngiti.

"Seems like you're not serious naman ah? You looked like playing..."

He laughed. "I am, Red. Ano game ka ba?"

Ngumuso ako. He's not serious pero pag natalo ako ay gusto niyang maging girlfriend niya ako in a serious way. What's with Leeland? May pagkaabnoy rin pala ang lalakeng ito.

Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Tiningnan ko iyon kaya tiningnan niya rin iyon na para bang sinesenyasan niya akong tanggapin ang alok niya. Nailing ako at nakipagkamay rin sa huli.

"Game," sabi ko palabang boses na ikinakurba lalo ng labi niya.

"May the best player win, Red," makahulugan niyang sabi.

I don't know why he wants to push this kind of game. Sa una ay parang parte lang naman ng kasiyahan ito pero sa pagkakataong ito, parang may isinusugal na. Isang laro na pag natalo ang isa, siguradong may masasaktan.

I don't want to get serious with this game pero ayoko rin namang mahulog na girlfriend ni Leeland! Tapos gusto niya iyong seryoso pa! Ganoon kalaki ang kompyansa niya na hinding hindi ako mananalo kay Tres. Well, I already gave up kung hindi ko lang nalaman ang hinihingi niyang kapalit. He's my closest friend and I don't want to ruin that friendship we build. At isa pa! I am not yet ready for serious relationships! That's very toxic for me.

Inilihim namin ang deal namin ni Leeland sa mga kaibigan namin. Ayoko ring malaman nila na kamuntik ko nang sinukuan si Tres. Like hell! This time, sisiguraduhin ko na talagang si Tres ang susuko sa pagkakataong ito.

It was raining hard. Tinitingala ko ang makulimlim na langit rito sa waiting shed na kinatatayuan ko. Mukhang walang balak tumila ng ulan. Para itong nagluluksa sa kung ano kaya ganito nalang kalakas ang buhos.

Akma ko na sanang bubuksan ang dala kong payong nang mapansin ko si Tres na kakalabas lamang sa malaking gate ng eskwelahan. His longsleeve polo were rolled till his arms, showing his luxurious rolex watch. Nakabulsa ang isang kamay habang ang isa naman ay hawak ang itim na payong. Swabe ang bawat paghakbang nito na tila lumulutang lamang sa ere.

Game Of Love (Buenaventura Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon