Chapter 15

73.8K 1.9K 180
                                    

Game of Love

Birthday wish

"Ayoko."

Iyon agad ang sagot ni Tres sa akin nang madatnan ko siya ulit rito sa library.

"Pero it's my birthday! Pwede ka namang umalis right away if you want. Magpakita ka lang sa mga bisita. Sa parents ko," sabi ko sa kanya, pilit itong kinukumbinsi.

"Ba't ako pupunta?" Tumaas ang kanyang kilay, nakatingala na ngayon sa akin. Nakaupo lang siya roon sa sahig, katulad ng nakasanayan niyang pwesto.

"Please?" I said softly.

"Hindi."

Bumusangot na ang mukha ko. Paano ko ba siya kukumbisihin? Nakapagbitaw na ako ng salita sa kanila. At isa pa, pag hindi ko siya napapunta edi talo na ako! Ayoko! I don't want to lose! Kung meron mang matatalo rito, iyon ay si Leeland at mapapaamo ko ang lalakeng ito.

"Kung pumunta ka sa birthday ko promise titigilan na kita."

Natigilan siya roon sandali pero nagpatuloy rin sa paglipat ng pahina.

"Diba gusto mo naman 'yon? You want me to stop right? Then I can stop after you do me a favor." I smiled.

"Wala rin naman akong pakialam." Kibit niya ng balikat na ikinalaglag ng panga ko.

Seryoso ba talaga siya? Kahit kulitin ko siya o kahit tumigil man ako, wala siyang pakialam roon! Anong klaseng puso ba ang binigay sa kanya ng Panginoon at ganyan siya kabato!

"Tres! Please..." Yumuko na ako para makalebel lamang siya. I am still holding a featherdust. At hindi pa ako nakakalinis ng shelf dahil mas inuna ko ang pagkumbinsi sa kanya.

Imbes na sagutin ako, tumayo lamang siya. Napatingala ako sa kanya. Akala ko ay may sasabihin pa ito pero nalaglag nalang ang panga ko nang naglakad na ito paalis. Mukhang hindi ko talaga ito makukumbinsi.

Sa tuwing namamataan ko siya sa library ay iyon agad ang itinatopic ko pero katulad ng nakagawian niya tuwing dumadaldal na ako ay nagwawalk-out na. It's like he's really not interested at all. It's going to be a big party kaya malamang maraming tao! Hindi naman pwedeng magbawas ako ng bisita just to please him. I can't do that. Mas marami, mas masaya!

"Happy birthday, Christienne Red." Bati sa akin ng lalakeng sobrang miss ko na.

It was midnight. Katulad noong birthday ko, nagpupuyat ako para lang makausap itong kababata ko. Siya kasi palagi ang nauunang bumati sa akin.

"Thank you Marco! I miss you! Sana man lang birthday gift mo sakin ang pag-uwi mo." Sumimangot ako sa camera. He chuckled, looking good with his brownish messy hair, topless.

"I would love to baby but I can't." He said while his eyes were sparkling, a bit sorry.

"Hay, busy ka lang diyan sa mga blonde girl eh. I'm really jealous." Ngumuso ako na nagpahalakhak ulit sa kanya.

Pinasunod na siya ng parents niya sa ibang bansa noong highschool na ako. Nasa states kasi ang parents niya at minsan lang sila rito sa Pilipinas. Marco continued his studies there. Sayang nga at dalawang taon na kaming hindi nagkikita. Puro kami video call tuwing gabi.

"Busy ka rin naman diyan sa tatlo mong lalake ah?" Nag-acting siyang nagtatampo.

"Pero mas mahal parin naman kita because you're my childhood friend and bestfriend at the same time!"

"Pero hindi lang ako ang lalake sa buhay mo. Apat kaming pinagsisiksikan mo diyan sa puso mo."

I laughed hard. Gosh! Simula elementary ganyan na silang apat e. Palagi silang nagcocompete sa akin. Kung sino ang mas matimbang.

Game Of Love (Buenaventura Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon