Chapter 11

73.9K 2K 399
                                    

Game of Love

Including You

Kabado ako sa pagpasok. Mom was crossing her arms when I went inside.

"Oh my God, Christienne!" She hurriedly stood up and went to me.

"Mom I'm--"You made me worried!" Natakpan na ang aking boses at halos hindi makahinga dahil sa mahigpit niyang yakap.

"Mommy, nasa bahay lang po ako nila Hannan--" Mabilis niya akong pinaharap sa kanya, tumataas ang isang kilay. "Don't lie to me."

Ngumuso ako. "Uh, sa kapitbahay po ako nila Hannan..." Sabi ko sa maliit na boses.

Nanliit ang kanyang mga mata, agad akong umiling.

"It's not what you think Mommy!" I said, calming her.

"You even know what I'm thinking!" Nasapo niya ang kanyang noo at naging madrama na. "You're just turning 16, Christienne!"

I laughed hard. Gosh, ang oa ni Mommy!

"Paranoid mo, Mommy."

Hindi na ako nito pinakinggan. Naroon na siya sa may bintana at sumisilip roon sa mahahaba naming curtains.

"Is that your boyfriend?" Nilingon niya ako, may tinuturo. "Hindi Mommy--"

"Model ba iyan?" Tanong niya, hindi na pinapansin ang sagot ko.

Nakisilip narin ako. My Dad was talking to him seriously. Dahil sa kyuryusidad, lumabas ako ng bahay at umikot sa likod para lamang marinig ko ang kanilang usapan sa veranda.

Nagtago ako roon sa malalaki naming halaman.

"Anong ibig mong sabihin sa hindi mo gusto ang anak ko?"

Di ko alam kung maiinsulto ba ako o maiinis. Alam ko naman na hindi niya ako gusto at hindi ko rin siya gusto pero iyong sabihin niya iyon ng direkta kay Daddy, baka isipin niyan na nababaliw na ako sa kanya!

"Siya itong sunod nang sunod sa akin. Umuulan at hindi ko siya mapauwi kaya nanatili muna siya sa bahay, Sir." Sabi ni Tres sa baritono niyang boses.

"So you're telling me that my daughter is crazy over you kaya ka niya hinahabol-habol?"

"Yes, Sir."

Nalaglag ang aking panga. Dad chuckled. Ang kapal rin ha! Ang kapal kapal!

"Are you insulting my unica hija infront of me hijo? She likes you. Mabait ang anak ko, maganda, at wala akong nakikitang mali sa kanya para hindi mo siya gustuhin. What's the matter?"

Oh God. I want to hug my Daddy right now. Kahit na may kasalanan ako sa kanya pero nagagawa niya parin talaga akong ipagtanggol sa iba.

"Ayoko lang po sa anak niyo. Hindi ko siya gusto, Sir."

Ouch. He said it directly without even thinking na nasa harapan siya ng Daddy ko, ng isang kagalang galang na senador. Seriously, Buenaventura! You're the heartless man I know!

I know Tres is very hard to please. Akala ko noong pinatuloy niya na ako sa kanyang kwarto ay may level-up na sa aming dalawa. Maybe as friends pero mukhang ako lang talaga ang nag-aassume. At least he cares a little. Ang hirap pala talagang paamuhin ang lalakeng wala namang puso.

It was Sunday. Naalala ko ang aso ko na naiwan sa kanilang bahay kaya gusto ko ulit bumalik roon. Ni hindi na sumagi sa aking utak noong araw na iyon kung paano nila nalaman na nandoon ako sa bahay nila Tres. Connections palang ni Dad parang hindi na ako makakalusot.

Game Of Love (Buenaventura Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon