Chapter 45

92.8K 2K 361
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.
Game of Love.
-PrfctlyStbbrn

Issues

It's clearer to me now. I am his girlfriend and we're dating! Iyon na 'yon. Sapat na ang mga salitang iyon para lagyan lahat ng kahulugan ang mga kilos niya.

Nag-enroll ako ulit para sa Law school na kailangan kong ipasa sa mahigit tatlong taon para makuha ko ang lisensya ng pagiging Lawyer ko. Alam kong magulo ang politika at ang mga kasong hahawakan mo. Kaya kung hindi ko iyon pag-aaralan ng mabuti ay baka mabigo lang ako sa kagustuhan kong ilabas si Daddy.

Tres, as a boyfriend, is very supportive. Iyon nga lang di ako dinidate dahil lang ayaw niyang maging distraction siya sa akin. He's helping me with my studies at mas strict pa sa mga nagiging prof ko! Minsan nga naiisip ko nalang kung boyfriend ko ba talaga siya o mahigpit na ama.

"It's summer again! Yehey! Makakapagdate na tayo ng matino! Yehey!" Nagtatalon ako sa tuwa pagkatapos ng first year law school ko. Two more years!

"Ano bang kinakain mo at masyado kang hyper?" Tres pulled me closer to him. Nakalingkis na ang kanyang beywang sa akin habang naglalakad kami palabas sa school. Sinundo niya ako eh since this is the last day of my first year. No more terror Tres! Boyfriend ko na ulit siya!

"Let's date! Itreat mo ako since nakasurvive ako ng one year sa pagiging strict mo!" Niyakap ko ang kanyang beywang.

"Akala ko ba ayaw mo sa pampublikong mga lugar?"

Umiling ako. "Ang tagal tagal na ng issue! I'm sure nakalimutan na nila iyon."

"Still, you know I hate crowded places. Let's just watch a movie in your apartment."

Ngumuso ako. "No! I want a real date! Sige na... Since wala na akong aatupagin na mga lessons! At matataas grades ko! Please!"

"Fine, fine. Stop pouting. It's annoying." Tinakpan niya ang aking mukha kaya umiling-iling ako para matanggal ang kamay niya at humagalpak ng tawa.

"Liar!" I shout at him.

Tiningnan niya ako kaya mas tumawa ako. Nailing siya at nakagat nalang ang pang-ibabang labi, may pinipigilan.

I was so excited. Ang ingay ingay ko sa drivers seat. Panay pa ako video roon at dumadaldal na idadate niya ako. Kinukuhanan ko siya kaso umiismid lang kaya matatawa nalang ako.

Doon lang ako natigil noong nagpop-out ang chathead ni Klint. Medyo active na ulit ako sa social media pero hindi gaano. Since ito palagi ang ikinaiinis ni Tres. Ayaw niyang bumababad ako sa mga social media apps! Namimiss ko sana kaso iniisip ko nalang na kaya niya ako pinagbabawalan dahil alam kong may mga nambabash parin sa akin roon pati na kay Daddy.

Mabilis ang paglingon ni Tres sa akin nang tumunog ang chathead. Kahit ako ay napalingon. Kahit ako ay dahan dahan naring napalingon sa kanya.

"It's Klint and I just want to see his message. Di ako magrereply." sabi ko agad lalo na't umaangat na ang kanyang isang kilay.

"Hindi na siya nagsalita pa at ibinalik nalang sa daan ang tingin kaya tiningnan ko agad ang mensahe nito sa akin. Siguro mamimilit na naman itong magparty. Eh sa pagiging busy ko sa school, natatanggihan ko talaga sila.

Klint
H'wag ka munang magfacebook. Magdeact ka muna.

I was about to type a message and ask him why when Tres glanced at me again. Nagpanggap nalang akong walang pakialam doon at hindi na nag-abalang magreply pa kaso sunod sunod na iyong pagpapop out ng mga chatheads nila. Kahit iyong gc ay lumabas narin.

Naging curious ako kaya nagseen ako sa gc.

Klint:
Tayo lang magkakaibigan ang nakakaalam noon pero ba't kumalat?

Game Of Love (Buenaventura Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon