Chapter 39

87.6K 2.2K 425
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.

Game of Love

-PrfctlyStbbrn

Stalker

I wanted to run after crying on his shoulder just to save face. Noong mahimasmasan ako, doon lang rumihistro sa aking utak ang aking ginawa, iyong naging posisyon namin.

Halos hindi ako makatingin sa kanya at namumula pa ang aking pisngi habang nasa labas ng bintana ang tingin. Nagmamaneho na siya ngayon, iritado.

"Binasa mo ang suot ko." reklamo niya na ikinakagat ko sa aking pang-ibabang labi. Imbes na balewalain niya nalang iyon, ngayon ay pinapaalala pa talaga. Na hindi siya ganoon ka gentleman at mabait.

Nilingon ko siya at sinipat ng tingin ang suot. Nagusot ko ang kanyang polo. Supladong suplado lalo ang kanyang mukha at tila naiinis pero kalmado lang naman ang ekspresyon. I can't understand him.

"Sorry..." daing ko na ikinalingon niya sakin. Umangat ang kanyang kilay.

"Namumulang pisngi, namumulang ilong, kahit ang labi at mga mata mo. Are you a tomato?"

Ngumuso ako at nag-iwas ulit ng tingin. Idagdag pa ang pagkakayapos ng buhok kong naging buhaghag na.

"Ngayon lang ulit ako nakaiyak simula noong namatay si Mommy... sorry kung naparami ang luha ko." bulong ko.

"Don't do that again next time."

Tumango ako. Iyon narin ang gusto kong huling iyak ko. Kaya ko na ulit. Ngingiti na ulit ako.

"Thank you," I smiled at him pero ang supladong si Tres hindi man lang lumingon kaya hinayaan ko nalang.

Kinalkal ko ang harapan ng kanyang kotse. May mga cd's siya roon.

"Can I play it?" paghingi ko ng permiso at ipinasok na iyong CD.

"Nagpaalam ka pa eh napasok mo na." sabi niya na ikinangisi ko.

Tiningnan ko ang playlist. Iyong mga favorite songs niya masyadong makaluma.

"Sad movie... always makes me cry..." kanta noong babae.

"Napakamakaluma mo naman." Natawa ako sa kanya. "Wala kang modern song?"

Umiling siya. Pati sa music opposite parin pala kami. But old songs were not that bad huh. Ang ganda noong lyrics.

Binuksan ko ang bintana ng kanyang kotse at napangiti nang dumampi sa aking mukha ang malamig na hangin. Napapikit ako at isinandal ang aking ulo roon. The music feels good kahit na hindi ko kabisado ang tono at hindi ako makasabay sa pagkanta. I'm relaxed for at least a couple of hours.

"Jimmy, Jimmy, please don't cry... You'll forget me by and by..." Kanta na naman noong babae sa malamyang boses. Iyong mga kanta parang mga babaeng nasasaktan. Iyong kinukwento nila ang naging karanasan sa pamamagitan ng kanta.

Simula noong umiyak ako sa kay Tres, naging komportable na ulit ako sa kanya. Medyo naibsan na iyong ilang na nararamdaman ko. Nakakatawa at nakakangiti na ulit ako sa kanyang harapan. Bumabalik ang dating ako, ang dating pakikitungo, pero sa pagkakataong ito ay may pag-iingat na. Yes, I still love him but it doesn't mean I'm going to let him hurt me again. Ayokong malunod na naman ako sa sariling nararamdaman ko at hindi na makaahon. Lalo na't may girlfriend siya.

Gusto kong magtanong kung ano nang nangyayari sa kanilang relasyon. Kung ba't ako palagi itong pinupuntahan niya. Nag-away ba sila? What if awayin ako ni Addison? I know that girl...

Pero wala naman akong ginagawang masama ah? I can label our relationship as close friend! Ganito naman kami nila Klint noon. So there's nothing to bigdeal. Yeah...

Game Of Love (Buenaventura Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon