Chapter 49

88.5K 2.1K 486
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.

Game of Love

-PrfctlyStbbrn

Damage

Sobrang hirap pag buntis ka. Nandiyan iyong pakiramdam mo lahat ng bagay ay nakakaiyak. Iyong mga masasarap na pagkain pero para sa'yo ay nakakadiri kaya naduduwal ka. Iyong pagsusuka na akala mo pati ang iyong lamangloob ay halos mailabas mo na. Iyong damdamin mong palaging sumasabog at minsan ay naiirita ka pa sa ibang bagay. Mga normal na bagay sa isang buntis na kagaya ko.

Tita Macy, Marco's Mom, was there to guide me. Akala niya pa noong una kong pagdating roon ay nabuntis ako ni Marco lalo na't sobrang malapit kami sa isa't isa. They really think na kami raw magkakatuluyan in the end. Sinabi niya lang na kahit mahal na mahal niya ako ay hindi niya kayang maging asawa ko lalo na't hindi niya raw kayang ihandle ang kakulitan ko.

Malapit na magkakaibigan ang parents namin. Wala kami gaanong relatives lalo na't mga nag-iisang anak lang si Mommy at Daddy. Kung meron man, hindi ko rin alam kung nasaan. Noong umusbong ang kaso ni Dad, isa isa rin silang lumayo, natatakot atang masali.

Si Marco ang nanatili sa aking tabi sa bawat yugto ng pagbubuntis ko. Minsan nga ay napagkakamalan na siyang daddy ng malaki kong tiyan pag pumupunta kami roon sa mga pampublikong lugar. Ni isa ata ay walang nakakakilala sa akin at walang pakialam sa presensya ko. Kung titingin man sa akin, kadalasan lalake at malagkit pa. Nakakamiss pala iyong panghuhsga 'no? Naging parte na pala talaga iyon ng buhay ko.

"I don't like the smell of your perfume Marco!" I wrinkled my nose as I covered it.

"What? Ikaw lang ang babaeng nagreklamo sa pabango ko," he went closer enough na halos ikaduwal ko na. Mabilis siyang nagulat at umatras dahil sa reaksyon ko.

"H-Hey... don't tell me the baby hates it?"

Tumango ako, naduduwal parin.

"Alright, alright. I'll take a bath!" Nailing siya at pumunta rin sa banyo.

Wala akong balita sa Pilipinas. Hindi ako active sa social media at tutok na tutok lang sa aking pagbubuntis.

"Tara, Red! Maligo tayo! Nagdala ako ng swimsuit!" excited na sabi sa akin ni Troye nang bumisita sila rito noong New Year. Nagyayang magbeach si Tita Macy since iyon ang hilig niya.

"Kung pahihiyain mo lang naman ang sarili mo Troye, huwag mo na akong isali."

Bumusangot ang kanyang mukha at napatingin sa malaki kong tiyan. Tanging mahabang dress na nakaribbons ang laces sa bawat gilid ng aking balikat ang aking suot. Bawal na ako sa mga masisikip dahil sa tiyan ko.

"Baby... maligo tayo gusto mo?" tanong niya, ngumingiti pa na akala mo naman sasagot.

"Ang sabi ni baby lubayan mo daw siya. Ayaw niya daw sa'yo," sabi ko naman na mas ikinabusangot ng kanyang mukha.

"Just wait and see, Red! I'm going to train him! Isasama ko iyan sa pagbaBar ko at magiging katulad ko iyan!" pagmamalaki niya kahit hindi pa talaga alam kung ano ang kasarian nito.

Binato ko siya ng kung ano at natatawa sa kanyang pag-ilag.

"Ngayon palang Troy lumayo-layo kana sa amin ng anak ko!"

Ngumisi lang siya at nagtatakbo na papunta sa beach. He was topless while holding a surfing board. Nagpanggap pa itong nadapa sa harapan ng mga nakabikining mga babae at tumingala siya roon. Humagalpak agad ako ng tawa nang sinampal siya noong isa sa mga babae.

"Buti nga!" sigaw ko at halos hindi na matigil sa kakatawa. Kung hindi lang lumapit si Klint dito sa inuupuan ko ay hindi ko maiaalis kay Troy ang atensyon ko.

Game Of Love (Buenaventura Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon