Chapter 25

78.7K 2.1K 375
                                    

Game of Love

Rumors

The next day, we rent a boatman para mag-island hopping. Balita ko kasi marami pang magagandang beach roon so hindi muna kami umuwi para makita narin iyong iba pa.

Our first stop was in Tikling Island. It is one of those islands that has pinkish sand beach. Ilang minuto rin kaming nanatili roon. Naging busy ako kakakuha ng pictures pagkatapos ay pumunta narin kami sa sunod na island.

Our second stop was in Juag Lagoon. There were no entrance fee but they will let you buy a cup of fish food for 100 pesos. Noon raw, hinahayaan nila ang mga bisita na lumangoy kasama ang mga isda pero hindi na ngayon. Pinakain lamang iyong mga isda roon lalo na't 20 minutes ka lang dapat manatili roon.

Iyong iba ay hindi ko na nasaulo. It was very tiring pero worth it naman dahil napakaganda noong mga isla. It's really more fun in the Philippines!

Buong araw akong natulog pag-uwi ko. I am so exhausted. Namumula pa ang aking mukha. Ang plano kong pumunta agad sa bahay nila Tres pagkauwi ay hindi ko na naituloy dahil sa sobrang pagod. Imbes na tatlong araw lamang iyong escapade namin ay naging isang linggo na ata. Sa dami ba naman ng pinuntahan namin. Hindi naman nagalit ang parents ko dahil may kasama rin naman akong bodyguards.

Bukas na ang Chritsmas day kaya katulad ng nakagawian ng aking magulang, pumupunta kami roon sa bahay nila lola at lolo, Mom's parents. Doon kami magnonoche-buena. Patay na kasi ang parents ni Dad. Matatanda na raw kasi iyon.

Ang bahay ng kanilang sahig ay gawa sa pinakintab na kahoy. May mga malalaking frames sa dingding at parang sa sinauna pa. Masasabi mo talagang matanda na ang nakatira sa malaking bahay. Tuwing nandito ako, gustong gusto kong dinidiligan iyong magagandang bulaklak ni Lola sa kanilang bakuran. May mga dumadapo pa ngang butterfly roon na nagagawa ko pang habulin noong bata ako.

"Ang laki-laki mo na hija, ang ganda ganda pa," ani Lola at hinaplos ang aking malambot na buhok.

"Salamat po, La!"

Kulubot na ang kanyang mukha ganoon rin ang kanyang braso. Nag-iisang anak lamang si Mommy kaya ganoon sila nastrikto noon sa kanya noong kaedad ako ni Mommy.

"May boyfriend kana, Christienne?" tanong bigla ni Lolo nang mapalingon narin siya sa amin rito sa balkonahe.

Umiling ako. "Wala pa po, Lolo."

"Pero may crush na. Papalit-palit ng crush, Pa!" sigaw ni Mommy roon sa kusina. She was helping the maids to cook for our noche-buena later.

"Aba'y h'wag ganyan, apo." Gulat na sabi sa akin ni Lola, nag-aalala ang mukha. "Ang bata bata mo pa para mabuntis."

Natawa ako. "Crush lang naman, la."

"Kahit na! Iiyak ka lang sa mga lalake."

Tama ka nga Lola. Iyong nagugustuhan ko ngayon, ilang beses na akong pinaiyak. And he's even planning to break my heart! Napakacruel!

"Halika sa kwarto, may mga itinahi akong magandang dress sa'yo." Hinila niya rin ako papasok ng bahay. Iyon ang gusto ko sa t'wing bumibisita ako rito. Marami siyang gawang damit para sa akin. Paborito niya kasi akong apo, at nag-iisa pa.

Umupo ako sa kanilang malambot na kama habang pinapanood si Lola na ilabas iyong malaking box na kulay puti. Pumasok naman si Lolo, nakikiusyuso narin.

"Ba't namumula iyang pisngi mo, apo? Nasobrahan ka ata sa make-up." Puna ni Lolo sa akin at tinabihan na ako rito.

"Hindi po, Lolo. Gumala po kasi kami ng mga friends ko tapos nasobrahan ako sa pagligo."

Game Of Love (Buenaventura Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon