Chapter Two

68 4 0
                                    

"Love is not only something you feel, it is something you do."
                                 – David Wilkerson

Chapter Two



***Mark's POV

"Ano na pare, ilagay mo na kasi 'yan. Mamaya mahuli kapa eh."

"Ito na, ito na. Hindi ko pa nga mabuksan eh."

Ito nanaman ako, nagpapaka tanga. Nagpapakabaliw.

"Napakatagal mo naman, bilisan mo na."

"Doon ka nga muna para mag look out."

Nandito kame ngayon sa tapat ng locker ng babaeng kinababaliwan ko para maglagay ng maliit na bear, chocolates at three roses.

Bakit?

Wala lang, gusto ko lang.

Alam ko, iisipin n'yo na pang mental na ako. Pero hindi eh, matino parin pag iisip ko.

Stalker.

Sige, tawagin nyo na akong stalker. Pero hindi naman ako tulad nila na gagawan ng masama 'yung gusto nila, or gumagawa ng mga desperadong moves.

Dahil ako, makita ko lang s'ya kahit sa malayo na safe at masaya, enough na sa'kin yon. Hindi ko na kailangang magpakilala.

"Alright, bukas na!" Tuwang tuwang sabi ko.

"Saka ka na mag party, ilagay mo na 'yang ilalagay. Dahil pag tayo nahuli dito, baka sa kulungan tayo pareho pulutin." Tarantang sabi ni Joseph.

"Okay, okay, relax. Nailagay ko na."

"Tara na, bilis." Sabay hila sakin ng matatakutin kong kaibigan.

"Alam mo ang maton maton mo, pero ang duwag duwag mo."

"Hindi mo ako masisisi noh. Alam mo naman kung gaano ka strikto 'yung daddy ko. At pagnalaman n'yang nasa kulungan ako dahil sa pagtulong ko sa'yo, yari nanaman ako don." Nakangiting paliwanag lang n'ya habang naglalakad.

Tama naman s'ya. Dahil 'yung huling natagpuan namin s'ya sa kulungan dahil sa reckless driving nung nagbreak sila ng latest ex-girlfriend n'ya, eh talaga namang bugbog sarado s'ya. At one week s'yang hindi nakapasok dahil sa dami n'yang pasa sa mukha n'ya. Kaya kung ako man s'ya, matatakot din talaga akong gumawa ng kahit anong kalokohan.

Swerte ko lang talaga.

"Oo na. Tara lunch na tayo. Treat ko."

Huminto s'ya at hinawakan 'yung noo ko. "Tama ba 'yung narinig ko? Nag volunteer kang ilibre ako ng lunch?"

"Sira!" Sabay hawi ko ng kamay n'ya. "Bayad 'yan sa pag-alam ng password ng locker ni Sarah."

"Kung lagi kang ganyan, eh never akong magrereklamo. Tara na. Gutom na ako."



***Sarah's POV

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon