Chapter One

236 4 2
                                    

"Mamahalin ko s'ya kahit sa malayo."

"Kaya mo kahit may iba s'yang mahal?"

"Kaya ko, kakayanin ko, para lang sa mahal ko, kahit na wala ako sa kan'yang mundo."



Chapter One

Dati hindi ko alam kung ano ba ang kahulugan ng salitang 'Pagmamahal'.

Tingin ko nga doon puro kabaduyan lang eh. 'Yung tipong 'Bakit pa magsasayang ka ng oras, pera at efforts mo para lang sa isang tao, na sa bandang huli, eh sasaktan karin naman.

Ewan, basta hindi ko lang talaga sila maintindihan, lalo na 'yung mga lalakeng mas cheesy pa kesa sa mga babae kapag bumanat ng mga linyahan nila. Tapos maglalasing kapag iniwan at nasaktan na.

Tapos sasabihin nila, 'Ala eh, Mahal ko eh'. Tapos magtatanong ako sa sarili ko, 'Ganon ba talaga 'yon?'

Pero noon 'yon.

Noong hindi ko pa nakikilala 'yung babaeng babago ng buong buhay ko.

Kahit ako, hindi naman nag e-exist sa mundo n'ya.

Dahil ngayon, natuto na akong maging cheesy, ginugugol ko 'yung buong oras ko makita ko lang s'ya, naguubos ako ng pera mabigyan lang s'ya ng mga regalo, at lahat ng efforts ginagawa ko, kahit hindi naman n'ya ako napapansin.

Nang matutunan ko ang salitang 'Pagmamahal' madaming nabago sa buhay ko.

Kahit na alam kong masasaktan lang ako, okay lang, isusugal ko na 'to.

Pakiramdam ko nga ako na ang pinaka cheesy na lalake sa buong mundo eh. Kung meron mang iba, saludo ako sa kanila.

Dahil tulad ko, handa nilang gawin lahat, para lang sa taong Sobrang Mahal nila, kahit wala naman silang pag-asa.





***Mark's POV



"Good morning sir, ano pong order?" Magalang na tanong ng lalake sa counter ng isang cafeteria.

"Two cappuccino please." I answered.

Saan naman kaya pumwesto 'yung magaling kong kaibigan?

"Pre, dito." Mahinang tawag sakin ni Joseph ng makita n'ya sigurong hinahanap ko na s'ya.

Si Joseph ang natatanging pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay. Well, madami naman akong kaibigan, pero iba lang talaga ang samahan naming dalawa. Bilang magkaibigan ah, walang nagaganap na bro-mance.

Talagang sanggang dikit lang kame.

Siguro dahil simula grade school magkasama na kame kaya para narin kaming magkapatid.

Ang Secrets ko, Secrets narin n'ya.

Walang laglagan, puro takipan.

"Oh, order n'yo po, sir!" Birong abot ko ng cappuccino na pinaorder n'ya sa'kin.

"Pare naman, kulang pa nga 'tong bayad sa mga pang uutos mo sa'kin." Naka ngisi naman n'yang balik sa'kin.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon