"You can never plan the future by the past."
– Edmund BurkeChapter Five
***Mark's POV
"Bakit ba ang daming puso sa paligid pag Valentines? Hindi ba pwedeng simple nalang ang lahat ng bagay. Ugh. Ang sakit na sa mata ah." Maktol na sabi ni Joseph habang inis na inis na naglalakad sa hallway.
"Palibhasa every Valentines natatapat na kung hindi single ka, eh broken hearted ka." Sabi ko sabay tawa sa kan'ya.
"Walang nakakatawa bro." Then he rolled his eyes like a girl. "Dapat kasi ginawa nalang na official holiday ang araw na'to eh. Para nasa loob lang ako ng bahay, nakahiga, nanonood ng movie at hindi tulad ngayon na naglalakad ako sa school na puno ng puso. Ugh."
"Ewan ko sa'yo. Para kang babae. Pwede bang bilisan mo d'yan."
Pero bigla nalang kaming napahinto ng may humarang saming isang babae "Happy Valentines." Nakangiti n'yang sabi, sabay abot ng heart shape candy.
"Seriously?" Yeah, seryoso s'ya sa part na'to. "What's with that heart custume?" Nawi-wirduhang tanong pa n'ya.
"Relax. Ikaw lang naman kasi ang may ayaw ng valentines noh." I patted him in his shoulder. "Wag ka nalang mandamay, okay." Then I laugh. 'Yung nakakabwisit na tawa.
Huminto si Joseph sa paglalakad, kaya syempre huminto rin ako at tumingin sa kan'ya.
"Na eenjoy mo talaga ang valentines ah." This time s'ya naman ang nakangiti, "Bakit kaya hindi ka magpakilala ngayon d'on sa Sarah mo." At saka s'ya naglakad palapit sa'kin. "Para naman matigil na 'yang pag sunod sunod mo sa kan'ya."
"Bro naman, masyado ng below the belt 'yan ah."
"Bilisan mo nalang. Dahil kapag dumami pa 'yung tao dito, lalo mong hindi mailalagay sa locker n'ya 'yang mga paandar mo para sa 'One and only mo'." Nag-make-face s'ya sa part na 'one-and-only' para mas lalo akong asarin.
"Ewan ko sa'yo. Para kang batang babae."
Pero bigla nalang s'yang huminto sa paglalakad habang nakatingin lang sa entrance ng building ng school.
"Oops, we're late." Tumingin ako sa direksyon kung saan nakanguso si Joseph.
Heartache. Heartache. Heartache
Sarah is with him. Again. In valentines.
Sobrang laki ng mga ngiti n'ya, holding with the same flower na ilalagay ko dapat sa locker n'ya.
"Ibalik mo nalang kaya 'yan d'on sa flower shop na binilan mo. Baka sakaling makakuha kapa ng refund."
Tumingin ako kay Joseph na bakas sa mga mukha ko 'yung sobrang lungkot, sakit at sakit, at saka ko ulit ibinaling 'yung mga tingin ko kay Sarah.
Hindi manlang n'ya ako napapansin. Hindi manlang n'ya alam na nandito ako. Ni hindi manlang n'ya ako kilala.
"Sorry na. Gusto ko lang naman pagaangin 'yang loob mo eh." He patted my back, but with full force.
"Tingin mo, 'yan ang kailangan ko?" Seryosong sabi ko lang sa kan'ya.
"Okay, sorry. Gusto ko lang naman kasing matauhan ka eh." He raise both of his arms. "Bakit kaya hindi ka lumapit d'on sa kanila ngayon, iabot mo 'yang red roses sa kan'ya, at saka ka magpakilala. Edi tapos na. Hindi 'yang nagpapaka-emo ka d'yan habang nakatanaw sa malayo."
"She already had one. Sure ako na hindi na n'ya papansinin 'yung bigay ng isang total stranger." I sigh.
"Eh ano naman. Diba sabi mo favorite n'ya 'yan? Mas matutuwa 'yon makatanggap ng madaming red roses 'no."
