Chapter Three

45 4 0
                                    

"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."
                                       – Lao Tzu

Chapter Three

***Mark's POV

"Ano pare, natauhan kana ba?" Mahinang tanong ni Joseph habang tinatapik-tapik 'yung balikat ko.

Pero ako, nanatili lang na tahimik.

"Hindi ko alam kung ano bang nagustuhan mo kay Sarah eh."

Hindi ko rin talaga alam.

"Oo maganda s'ya,"

Exactly, anghel nga kasi s'ya ng buhay ko.

"Pero hindi mo naman kailangang magkaganyan para sa iisang babae lang."

Isang babae, Natatanging babae na bumihag ng puso ko.

"Gwapo ka, matalino at mabait."

Ugh, exactly. Alam ko na lahat 'yan.

"Nakakabakla kana nga pare eh."

Pero this time tumingin na ako sa kan'ya ng 'kadiri-ka-pare' look.

"Wag mo akong tignan ng gan'yan, hindi tulad mo ang mga tipo ko." He sighs hardly. "Pero pare seryoso. Baka naman pwede mo na s'yang kalimutan. Ang linaw-linaw na nung mga narinig mo kanina, na 'yung jowa lang n'ya, eh sapat na sa kan'ya. Mukha ngang mahal na mahal n'ya eh. Parang kahit makilala ka n'ya hindi ka manlang titignan non---." Pero bigla nalang s'yang natigilan nang makita n'yang tahimik nalang ako na nakatingin sa kan'ya. Na parang sinasabi ko na 'Pare-manahimik-kana-kung-gusto-mo-pang-mabuhay'

"Okay okay fine, tatahimik na. Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh." Then he's pouting like a girl. Seriously?

Pero hindi ko nalang s'ya pinansin at tumingin nalang ako sa malayo.

Alam ko namang totoo lahat ng mga sinasabi n'ya eh. Na kahit kailan, Never akong magugustuhan ni Sarah. Tanggap ko na eh. Pero ang marinig mismo sa mga labi n'ya na

"At feeling ko, kahit sino pa ang makita at makilala kong lalake, walang wala ng papantay pa kay Michael."

Hindi pa naman n'ya ako kilala ah. Feeling ko nga mas better ako d'on sa Michael na'yon na walang ginawa kundi buntutan si Sarah.

Pano nga kaya kung makilala n'ya ako?

Pwede kaya 'yon?

"Magpakilala na kaya ako sa kan'ya." Simple at mahinang sabi ko sa sarili ko.

"Yan, 'yan ang sinasabi ko sa'yo." Bulyaw naman sa'kin ni Joseph.

Great, just great.

"Pero hindi pa ngayon, merong tamang panahon." Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko at diretsong naglakad papunta sa kotse ko.

"Seriously, pare, tamang panahon! Hello, June na graduation natin, anong petsa na!" Habol naman na bulyaw n'ya sa'kin habang naglalakad na kasunod ko. Pero hindi ko nalang s'ya pinansin at naglakad nalang ng naglakad.

Kailangan ko gumawa ng paraan.

Gusto kong makilala na n'ya ako.

Gusto ko ng magkaroon manlang ng kahit maliit na papel sa mundo n'ya.

Pero pa'no?

Pano ba magpakilala?

Pano n'ya ako makikilala?

Ano'ng dapat kong gawin?

Isip, Mark, isip

"Alam ko na!" Sigaw ko habang nakasakay na kame sa loob ng kotse.

"Ano nanaman ba 'yan pare. Bigla bigla ka nalang sumisigaw d'yan. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa'yo." Sabi ni Joseph na nasa passenger seat habang nakahawak sa dibdib n'ya na kunwari parang aatakihin.

"Alam ko na kasi kung pano ako magpapakilala kay Sarah." Masayang sabi ko habang pinapaandar 'yung engine ng kotse.

Tama, sa ganong paraan n'ya ako makikilala. Susulitin ko na, bago kame tuluyang maghiwalay.

"Pano? Share mo naman 'yung plano mo."

"Ganito kase pare......"

At tuluyan ko na ngang ikinwento kay Joseph 'yung buong plano ko.

Hindi pa naman ako gan'ong kasigurado sa gagawin ko. Pero ang kailangan ko ngayon ay lakas ng loob.

Hindi ako maghahangad ng kahit ano, makilala lang n'ya ako sa araw na'yon, okay na.

"Great, ang ganda ng plano mo, tunog nababaliw." Nakangiti sabay seryosong sabi n'ya.

"Dapat pala hindi ko nalang sinabi sa'yo." Sabi ko sabay paandar na ng kotse.

Oo na, alam kong medyo insane 'yung plano ko. Pero wala namang mangyayari kung hindi ako susugal diba? Walang mangyayari kung hindi ako susubok ng paraan. Layuan man n'ya ako after non, okay lang, wala naman ng bago don sa'kin. Dahil never naman s'yang naging malapit sakin.

****

Thank you sa support guys!!

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon