Chapter Four

43 4 0
                                        

"God gave us the gift of life; it is up to us to give ourselves the gift of living well."
- Voltaire

-x-

Chapter Four



***Sarah's POV

"Frenny, alam mo, medyo creepy na 'yan ah." Sabi ni Magie sa'kin habang tinitignan 'yung maliit na teddybear, three roses at chocolates na nakita namin na nasa loob ng locker ko.

"Creepy agad!? Baka naman si Michael lang may pakana nito noh."

"Huyyy, Sarah, gising!!!" Sabay tapik n'ya sa mukha ko. "Okay ka lang? Si Michael maglalagay ng ganyan sa locker mo? Eh para saan pa? Tuwing nagkikita kayo non binibigyan kana ng gan'yan sa personal. Duhh" Then she rolled her eyes.

Well, I get Magie's point. Tama naman kasi s'ya. Imposibleng si Michael 'to.

Pero sino naman kaya 'yung maglalagay nito dito?

Hindi lang kasi ito ang first time. Sobrang dalas na nito.

Simula nang mag-college ako, every birthday ko nakakakuha ako ng iba't ibang gift galing sa taong hindi ko kilala.

Even, Christmas, New Year, valentines day, independence day, Nutrition month, buwan ng wika, mother's day, pati father's day, at higit sa lahat, all souls day at all saints day.

Creepy na bang matatawag 'yon?

Hindi parin siguro.

"At ito pa girl, pa'no n'ya nalaman ang passcode ng locker mo. Oh diba sobrang creepy. Gosh! Frenny mag iingat ka lagi okay, baka mamaya lagi s'yang nakabuntot sa'yo tapos hinihintay ka lang maging mag-isa, tapos doon ka n'ya aatakihin. Tapos-----"

"Magie, stop" I snap her. "Nagpanic ka nanaman. Relax okay, walang mangyayaring gan'yan. At saka, kung masama ang intension n'ya sa'kin, edi dapat dati pa n'yang ginawa yang 'creepy things' na naiisip mo noh, duhh."

"Bahala ka. Minsan 'yang pagiging positive mo ang magpapahamak sa'yo." She simply stated before she left.

"Mapapahamak agad, hindi ba pwedeng maganda lang talaga ako." Tumatawa ko namang habol sa kan'ya.

Hindi ako mabilis mang-judge ng tao or kahit pa situation.

Pwede namang admirer lang diba or baka si Michael lang talaga tapos may mga pakulo lang na ganito.

Pero syempre hindi parin maalis sa'kin 'yung matakot.

Kung si Michael 'to, sure ako babanggitin n'ya sa'kin once na magkita kame.

Pero never n'yang nababanggit 'yung mga ganitong bagay. Ibig bang sabihin nito, may stalker talaga ako?

"No, no, no." Mahinang sabi ko lang sa sarili ko habang iiling-iling. "Imposible"

"Hoy! Ano na, baliw lang te?" Batok na sabi naman sa'kin ni Magie. "Ano nanaman ba 'yang iniisip mo?"

"Sure ako si Michael lang talaga lahat ang may pakana ng mga 'to." Sabay turo sa mga bagay na nakita namin sa loob ng locker ko. "100%, si Michael 'yon."

"Talaga lang ha. Eh bakit hindi mo tawagan ngayon 'yang labidabs mo para magkaalaman tayo."

"Okay, fine." I sigh

Agad kong kinuha 'yung cellphone ko at agad na tinawagan si Michael, na agad naman n'yang sinagot.

"Hey!" I started when he picked my call.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon