Chap. 1>Hanbu Dynasty

23 3 0
                                    

"Opo kamahalan. Masusunod po." sabay luhod ng kawal sa harap ng kamahalang Ken Zou.

"Kailangan nyong mahuli ang magnanakawa na 'yon sa lalong madaling panahon." pagalit na sabi ng prinsepe sa kaharap nitong ministro.

"Kaylangan pa naten ng mas marami pang sundalo." sabi ng ministro.

"Ako na ang bahalang magsabi sa amang hari." sabi ng prinsepe.

"Mahal na prinsepe... "

"Ano?" walang lingon na sabi ng kamahalan habang nakatingin sa mga papel sa kanyang mesa.

"Pupuntahan ko muna ang puno ng mga kawal para paggalitan sila." nakangiting sabi ng ministro.

"Wag ka ng magabala pa. Napagsabihan ko na sila kanina." sabi ng Prinsepe.

"Mauna na ako." sagot ng ministro sa prinsepe.

"Sige.." sagot ng prinsepe.

Paglabas ng ministro ay biglang pumasok ang tagapagbalita ng hari at kinausap ang prinsepe.

-Aime POV-

Nagising na lang ako sa nakabubulahawa na ingay ng alarm clock ko.

"6:38 na pala.." basa ko sa oras sa alarm clock.

Kinuha ko yun at tinggal ang battery para hindi na tumunog. Nakakarindi kaya.

"Iha...gumising ka na, handa na ang agahan mo."sigaw ni Lola Tonnette sa labas ng kwarto ko.

"I'm coming..." yun lang ang nasagot ko. Sa katunayan, tinatamad pa akong bumaba. Kaya nagpalipas pa ako ng mga sampung minuto sa kwarto ko.

"Hayy...makababa na nga." sabay hanap ng slippers ko. Nahanap ko yung sa kaliwa pero yung sa kanan hindi.

"BAKIT BA KASE ANG LAKI NG KWARTO KO?" sigaw ko sa sobrang inis.

Tinanawa ko ang labas ng kwarto ko. Nagbabakasakaling makikita ko yung hinahanap ko.

"HINAYUPAK NA TSINELAS 'TO." yun lang ang nasabi ko mg makita ko yung tsinelas ko sa labas ng kwarto ko. Pano kaya 'to napunta dito?

Bumaba na ako dahil kanina pa ako may naamoy na masarap. MALAKAS PA NAMAN PANGAMOY KO :))....

Pagbaba ko. Tamang hinala nanaman si ako. Isang Pork Lechon ang ulam ko. MY FAVORITE...!!

"Oh iha, pinabibigay sayo ng nanay mo." sabay abot ng sobre. Siguro, isa itong letter. Palage kaseng nagiiwan ng letter si mama kapag may iportante syang lakad or gagawen.

"Ano nakalagay?" tanong ni lola.

"Isa pang sobre?" nabigkas ko. Pagkabukas ko kase ng sobre, may isa pang maliit na sobre sa loob. Ano to? Sulat sa loob ng Sulat?

"Buksan mo ulit." utos ni Lola. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Anong kalokohan kaya 'to?

"Ano 'to? Cheke?" tanong ko. Isang 5'000 check ang nakita ko pagbukas ko ng huling sobre.

"Sigurado kayong para saken 'to?" tanong ko. Bihira lang naman ako bigyan ni mother ng ganito kalaking pera kung hindi ako hihingi. Or else. Eto yung reward ko. Pano ako nagkaroon ng reward? Baka reward 'to sa kagandahan ko?

"Malay ko." sagot ni lola.

"Baka para sa inyo 'to?" tanong ko ulit.

"Basahin mo kaya kung para kanino." utos ni lola. Agad kong tinitigan ulit yung cheke.

'THIS 5'000 CASH WAS GIVEN TO AIME JANE SANTIAGO.

SIGNED BY: ELYSSA MAE SANTIAGO.(With matching signature.)'

"Pangngalan mo yung nakalagay eh." sabi ni lola.

"OK..." mataray na sagot ko. Akalain mo yun. INSTANT MONEY...!!

"Ahh...ma'am Aime, pinabibigay po ni Madam para sa inyo." sabay abot nung kasamabahay namin ng isa pang sobre nanaman.

"Sana cheke." I wished.

Pagbukas ko. Eto nakalagay..

Anak...

Natanggap mo na ba yung cheke. Kung OO.

WAG MONG ILUSTAY YAN SA WALANG KATUTURANG LUHO MO YAN. Ipambibili mo yan ng bagong dress na babagay para sayo. Kaylangan ang bibilhin mong damit ay yung bonggang bongga. Pangdate na damit ang kaylangan ha. Hindi pang PokPok..

-Love, Madam Elyssa

"Ano nakalagay?" tanong ni lola na nakaambang nakadungaw sa sulat.

"WALA..MAHAL AKO NI MAMA..YUN LANG..!!" sabi ko.

Date nanaman? Pangilan na 'to ahh. Una dun sa pangit na anak ng CEO. Tapos, yung anak ng kaibigan ni Mama na model daw ng kung ano man 'yun. Tapos ngayon, may bagong date nanaman. KAAZHAR..

PAgkatapos na pagkatapos kong kumain ay dumirecho ako sa kwarto at kumuha ng magandang damit pang-shopping.

-Ken Zou POV-

"Mahal na ama." bungad ko kay amang hari.

"Maupo ka anak." at naupo ako.

"Ano ang iyong pakay rito?" tanong ng mahal na hari.

"Panigurado akong nabalitaan nyo na ang tungkol sa pagnanakaw noong isang gabi?" tanong ko.

"Oo..!"

"Nais ko sanang humingi ng dagdag na kawal sa inyo. Kung hindi nyo po mamasamain?" Tanong ko.

"KAMAHALAN, NANDITO NA PO ANG KAMAHALANG JIN HA." sigaw ng bantay ng hari sa labas ng silid. Biglang bumukas ang pinto. Agad akong tumayo at lumuhod sa harap ng kamahalan.

"At nandito rin pala ang anak ng mahal na hari." sabi nito.

"Naparito sya up-"

"Naparito lang po ako upang alamin kung maayos ang kalagayan ng mahal na hari, 'yun lang po." sabay luhod sa harap nya.

"Mauna na po ako ama." sabay luhod. Tapos tuluyan na akong lumiban. Ayokong malaman nila ang suliranin ng kaharian.

My Closet PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon