Chap. 4> Forbidden Room

17 2 1
                                    

-Ken Zou POV-

"MAHAL NA REYNA, ANDITO NA PO ANG PRINSEPE KEN ZOU." sigaw ng bantay ng kwarto ng inang reyna.

"PAPASUKIN MO NA SYA." sagot ng inang reyna. At pumasok na ako. Lumuhod ako bago umupo.

"Pinatawag kita dahil may kaylangan kang malaman." wika ng inang rayna.

"Kaylangan mong magtungo sa palasyo ng mahal na Haring Lin Bok at Reyna Jin Ha at ibigay mo ito sa tig isa sa kanila. Eto ang kay Haring Lin Bok at eto ang para kay Reyna Jin Ha." sabay abot ng dalawang scroll na may magkaibang kulay ng yaso.

"Sige po mahal na reyna. Masusunod po." at tumayo na ako para lumabas ng silid ng inang reyna.

Habang naglalakad ako patungo ulit ng aking silid ay nakaramdam ako ng kakaiba. Naalala ko ulit ang silid na nakita kong umiilaw kanina. Muli kong tingungo yung silid. Pagdating ko sa daan kung saan ko nakita yung silid ay hindi na ito naliwanag. Ngunit may awang na ito ng kaonti hindi katulad kanina na nakasarado. Nilapitan ko ulit yung silid. At nakita kong may dumaang kawal. Agad akong nagtago sa gilid ng isang kwarto. Habang nakamasid ako sa silid na may liwanag, may naramdaman akong tumabi sa aken. Humarap ako paharap.

"Bakit po kayo nagtatago?" tanong ng aking mahal na tagapaglingkod.

"Wag kang maingay!" pabulong na sabi ko.

At nang wala na akong nakitang tao sa may silid na aking minamasid, pumunta na ulit ako doon.

"Mahal na prinsepe, saan po kayo tutungo?" pabulong na tanong ni Shin She na aking tagapaglingkod.

"Pupuntahan ko lang ang silid na nasa dulo ng daan." sagot ko.

"Ang tinutukoy nyo po bang silid ay yung pinagbabawal na silid?" napahinto ako sa sinabi nya. Pinagbabawal na silid?

"Anong ibig mong sabihin?" muli kong tanong.

"Ayon po sa usap usapan, ang kwarto pong yan ay matagal ng ipinagbawal ng mahal na hari." sagot nito. Lalo akong kinabahan.

"S-sa anong k-kadahilanan raw?" tanong ko.

"Yun lang po ang hindi ko alam." sagot nito.

"Sige, tutungo na ako sa aking silid." at muli kong sinulyapan ang silid na ipinagbabawal. At napansin kong umiilaw nanaman ito, ngunit binalewala ko na lang iyon.

-Aime POV-

"Ang cute cute cute cute cute cute cuttttttttte mo talaga." sabi ko habang hinahawakan ang pisngi nya. Napansin kong may iba sa sitwasyon naming dalawa. Sya yung nakatulog at hindi ako. Pero ok lang yun dahil nakuhaan ko sya ng maraming maraming litrato. Lahat ng anggulo nya. Kapag sinabi kong madami. As in, madami na hindi mo mabilang.

-'KINABUKASAN'-

"Are you ready?" tanong ni Dante saken. Gusto ko sanang itanong kung saan ready. Pero syempre, nahihiya nanaman ako. Hindi naman makapal ang muka ko. Hindi ako katulad ng mga malalanding bashers ko sa twitter na nagsasabing malandi daw ako. THE HELL I CARE. :D

Paglabas namin ng ospital, nagtungo kami sa isang kotse. Sa tingin ko ay kay Dante itong car nato. Ang ganda.

Pumunta sya sa may tapat ng pinto ng kotse sa may tabi ng driver's seat at pinauna ako.

"Lady's First!" sabi nya. Sana sinabi na lang nyang 'VIRGIN'S FIRST', pero JOKE LANG YON.

"Thanks." mahinhin kong sagot. At nagtungo na sya sa driver's seat at umuwi na.

-'Pagdating sa Bahay'-

"Nagugutom na ako. Meron bang makakain?" tanong ko dun sa maid na naencounter ko before ako maaccident.

"Ahmm, meron po ma'am. Sinigang pong bangus." sagot nya.

"WHAT?" pasigaw na tanong ko. Gusto ko sanang makita ulit yung reaksyon nya nung last time na nakita ko sya sa hagdan.

"A-ahh.."

"Joke lang ulit!" sabi ko with matching devilish smile. Biglang nagpout yung lips nya the way na nakita ko sya last time. I Love It. Anlakas talaga ng tama ko.

"Eto na ulam mo." biglang sulpot ni Lola sabay hawak ng isang transparent bowl na may lamang sinigang na bangus.

"My favorite." sabi ko.

"Nga pala iha." dagdag ni lola.

"Po?"

"Nilipat namin ang kwarto mo sa may second floors, 3rd room." sabi ni lola.

"Ok!" Matipid na sagot ko.

"Ahh..Dante, sabayan mo na ako. Plith..!" I requested.

"No ma'am, mamaya na lang po." nahihiyang pagtanggi ng binata.

"Sige na please..." I said with matching puppy eyes sabay lapit sa kanya at hinila sya.

Muli ko nanamang nahawakan ang malambot nyang kamay. Soft and moisturize skin.

"A-ahh. Oh sige po." he said. At syempre, hindi nya pwedeng tanggihan ang dyosa. Isusumpa ko sya. :D

"Miis, ikuha mo nga sya ng plato." I requested.

"Yes ma'am!" then umalis sya para ikuha ng baso at plato ang lovable prince charming of my precious, wonderful, prettiful life. Ang haba no? Ganyan kahaba ang hair ko.

-*Pagkatapos kong kumain*-

Tinungo ko amg kwarto na sinabi ni lola.

"3rd room." in fairness naman. Mga 60 seconds lang ay narating ko na ang kwarto ko. Talagang inorasan ko.

Pumunta na ako sa kwarto ko. Pagpasok ko. Mas malaki kaysa sa dati kong room. Ganon din ang ayos. Pero may nadagdag.

BLAGG...

"What the.." nagulat ako sa narinig kong tunog. Tinunton ko ang labas ng kwarto at sinilip ang kabilang kwarto. Tinigna ko pero hindi galing doon ang tunog na narinig ko. Hanggang sa inisa isa ko ang mga kwarto at nakita kong sa may panglimang kwarto galing yung tunog. Isang nakatumbang salamin pala ang narinig ko. Pero bakit parang anlakas ata? Paano nakaabot sa kwarto ko yung tunog.

I was observing the mirror then suddenly...

My Closet PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon