Chap. 5> The Other Dimension

11 1 0
                                    

-Aime POV-

"....IPISSS...!!!" napasigaw ako sa nakita kong nagtutumpukang ipis.

"WAG KA LALAPIT...WAG KA LALAPIT.. PAPATAYIN KITA." banta ko dun sa ipis na papalapit saken. Habang papalapit yung ipis ay umaatras ako ng umaatras. Hanggang sa nabunggo ko ang isang malaking closet. Puno ng alikabok at sapot ng gagamba. Muli akong tumingin doon sa ipis.

"Hay salamat..!" wala na yung ipis. Muli kong tiningnan yung closet. Pinumasan ko yung ng basahan na nakapatong sa lamesa. Mukang luma na ang closet na to.

"Hmmm...may laman pa kaya itong damit?" tanong ko. I try to open the closet. Malapit na ang kamay ko ng biglang...

"Aime...are you alright?" biglang bungad ni Dante. Hinihingal ang prince charming ko. Hinahabol ang prinsesa nya. ^_^

"Sa ngayon? Okay lang." sabi ko.

"Mabuti naman." at nilapitan nya ako. Sabay hinawakan nya ang braso ko.

"Halika muna sa baba." sabi nya.

"Ahh...wait lang, may titignan lang ako." then muli akong humakbang pabalik sa closet.

"Uh..Uh... Anong meron dito? Bakit ang hirap buksan?" sabi ko habang hinahatak ang pinto ng closet.

"Let me help you." sabi ni Dante at tumabi saken para tulungan ako hatakin yung pinto ng closet. Kahit ganon kalaki ang katawan ng Dante ko, hindi pa rin bumukas ang closet.

"Baba na muna tayo." aya ni Dante.

"A-ahh...S-sige..!" nakakapagod magbukas nun ahh.

Habang palabas kami ng kwarto, nakita kong umilaw ang closet. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o tama ang nakita ko.

"Nakita mo ba yun?" tanong ko kay Dante.

"Ang alin?" tanong nya hbang tinatanaw nya ang tinitignan ko.

"Alin po jan?" tanong ulit nya.

"Ahh...wala." namamalikmata lang siguro ako. Pagbaba namin. Humingi ako ng tubig sa isang maid at naupo muna tsaka nagnilay nilay. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Nakita ko talagang umilaw ang pinto ng closet...

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Lola.

"Ahh..may alam po ba kayo tungkol doon sa-"

"Tungkol saan?" tanong ni Lola.

"Ahh..wala po!" sabi ko sabay tungo.

"Sige...may pupuntahan lang ako." sabi ni Lola.

"Sige po..." sabi ko.

"Ba't 'di mo sinabi yung tungkol doon?" tanong ni Dante saken.

"Ahh..teka nakita mo din bang lumiwanag yung closet?" tanong ko.

"Hindi." sagot nito.

"Eh bakit mo nasabi yan?" tanong ko.

"Mukha kaseng nababagabag ka na eh." sabi nito.

"Kung ako sayo. Dapat sinabi mo na." dagdag pa nya. Sa tingin ko mukang tama sya.

-Ken Zou POV-

Kasalukuyan akong palabas na ng aking silid. Sinubukan kong dumaan sa silid na nakita kong umilaw. Nais kong alamin ang kwento ng silid na ito. Pagbukas ko ng pinto ng silid...

"Isang damitan?" tanong ko. Sa sobrang laki ng silid na 'to, tanging ang damitan lang ang laman. Pinagmasdan ko ang damitan.

"MAHAL NA PRINSEPE!" sigaw ng aking mahal na tagapaglingkod. Lumabas ako ng silid at pinuntahan ko sya.

"Ano ang iyong kailangan?" tanong ko.

"Bakit po kayo nandoon sa silid na ipinagbabawal?" tanong nya. Hinatak ko sya at binulungan...

"Hangga't maari. Wala kang pagsasabihan na pumasok ako sa silid na ipinagbabawal. Kundi, alam mo na mangyayari sayo." utos ko.

"O-opo...ma-masusunod po k-kamahalan." nanginginig na sagot nya. Panigurado akong natakot sya sa banta ko.

"Nga po pala kamahalan. Nakahanda na po ang kabayo nyo." sabi nya.

"Sige. Salamat." at umalis na ako.

Paglabas ko. Naabutan ko na ang kabayo ko at sumakay ako. Magtutungo na ako ngayon sa kabilang nayon upang ihatid sa hari at reyna ang scroll na ipinapabigay ng mahal na reyna.

Pagdating ko sa kabilang nayon, maraming babae ang may nais na huminto ako.

"Kamahalan, uminom ka muna."

"Oo nga kamahalan. Huminto ka muna sandali."

"Oo nga kamahalan. Samahan mo muna kami."

"A-ahh..pasensya na ngunit hindi ako maaaring magtagal dahil may kaylangan pa akong gawin. Mauna na ako." sabi ko. Ayokong makipaginuman dahil mahina ako kapag nakakainom.

Mga ilang saglit lang ay narating ko na ang kaharian ng Haring Lin Bok at Reyna Jin Ha.

"MAHAL NA HARING LIN BOK..NARITO NA PO ANG KAMAHALANG KEN ZOU." sigaw ng tagapaglingkod nito.

"PAPASUKING SYA." utos ng Hari.

"Kamahalan..."

"Bakit ka naparito?" Tanong nya.

"Naparito lang po ako upang iabot sa inyo ito." at iniabot ko ang scroll na may kulay berdeng yaso.

"Aalis na po ako."

"Ahh..sandali.." at natigilan ako sa pagtayo.

"Pakiabot ito sa iyong ina." sabi nito habang iniaabot ang isang tela.

"Masusunod po kamahalan."Sabi ko at tuluyan na akong lumiban.

Naglakad ako patungo ako silid ng Reyna.

"MAHAL NA REYNA, NARITO NA PO ANG PRINSEPE KEN ZOU."

"Papasukin mo sya."

at agad na ring akong pumasok.

"Mahal na Reyna, naparito lang po ako uoang iabot sa inyo ang-"

"Ang scroll?" tanong nya.

"A-ahh..opo..!" at iniabot ko ang scroll na may dilaw na yaso. Nagulat ako sa inasal nya.

"A-ahh..aalis na po ako." sabi ko.

"Sige."

"MAHAL NA REYNA. NADUKOT PO NG MGA BANDIDO ANG MAHAL NA PRINSESA...!" sigaw mg bantay sa labas.

"Ano?" sabay kaming napatayo ng mahal na reyna sa masamang balitang narinig namin.

My Closet PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon