Chap. 7> The Other Dimension Part 2

1 1 0
                                    

-Dante POV-

Mga ilang minuto lang din ay nandito na ang hinihintay namen ni madam.

"Thanks!" Pasasalamat ko sa delivery boy.

"Enjoy your meal sir!" Nakangiting pasasalamat ng delivery boy.

"Wow andito na!" Ang cute talaga ni maam, lalo na pag gutom! Hahaha! Pero, ang cute nya. Naalala ko tuloy kanina na bigla na lang nyang kinapitan ang braso ko. Nakakatuwa si maam Aime, obvious na obvious na may gusto saken! Sana lang pwede maging kami. Kung hindi nyo naitatanong, may gusto ako sa kanya. Oo, kaya nga namula ako kanina nung kumapit sya saken eh.

"Tara Dante, saluhan moko." Nahihiya akong lumapit sa kanya. Nagustuhan ko kay maam ang pagiging mabait at maaalalahanin.

"Huy! Bat ka nakatulala? Wag mong tungangaan yang pagkain. Magtatampo ako! " nakuha pang magbiro ni maam. Sana totoo na lang na may gusto sya saken.

"Ahhh... akyat lang ako sandali!" Sabi nya.

"Sige po!" Tugon ko sabay kagat sa kinakain ko.

-Aime POV-

Hay nako kapagod. Bwisit na cellphone to. Kung di ko naiwan to sa taas, edi sana kasama ko si Dante ngayon at hindi ako hinihingal paakyat baba.

BLAAGGGGG...!!

Isang sunod sunod na ingay ang narinig ko na nakapagpatayo ng balahibo ko. Lumabas ako tumungo sa kwartong kung saan dati nalaglag ang salamin. Nasa tapat na ako ngayon ng biglang...

"Ahhh....!" Nakasalubong ako ng taong nangangabayo at lumabas sa bintana ng 2nd floor..

"DANTEEEEEEEE!!" sigaw ko sa sobrang takot. At narinig ko namang paakyat na sya.

"Aime, ano nangyari?" Tanong ni Dante pagakyat.

"May...may..may..may!" di ko masabe dapat kong masabe kaya't tinuro ko na lang ang direksyon ng ngayon ay basag na na bintana.

"Ano nangyari?" Tanong ni Dante.

-Ken Zou POV-

"Kamahalan, magpahinga muna kayo. Malalim na sugat ang natamo ng iyong balikat!" Sabi ng manggagamot.

"Aalis na po ako!" Sabi ng mangagamot.

"Maraming salamat!" Sabi ng hari.

Hinawakan ko ang benda ng sugat ko, medyo mahapdi. Bumangon ako.

"Mahal na prinsepe, narinig mo naman siguro ang sabi ng manggagamot?" Tanong ng hari.

"Magpahinga ka na lang muna!" Sabi pa ng ama.

"Sa labas na lang muna ako magpapahinga!" Sabi ko at tumayo na ako.

"Mahal na prinsepe.." saway ng aking mahal na tagapaglingkod.

"Hayaan mo na sya Shin She..."

"Opo kamahalan!" Sagot ni Shin She.

At hindi na nila ako pinigilang lumabas. Paikaika akong naglakad, at bigla akong tumumba dahilan para madaganan ko ang sugat ko.

"Aray!" At muli akong tumayo. Napalinga ako sa gawing kanan ng makita ko ang silid na umiilaw, at ito ay umiilaw ulit ng mas maliwanag. Mas maliwanag pa ito sa sinag ng araw sa labas. Nagtungo ako, nung malapit lapit na ako. Nalaman ko na nakabukas pala ang pinto.

Tumingin ako sa paligid kung may ibang tao. Ng malaman kong walang ibang tao. Pinasok ko na ang silid. Naramdaman kong gumaan ang buong katawan ko at kinakain ako ng liwanag na nasa harapan ko ngayon.

My Closet PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon