Chap. 6> The Lost Princess

2 1 0
                                    

-Ken Zou POV-

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"San nyo sya huling nakita?" Tanong ng mahal na Reyna sa isang kawal. Samantalang ako ay natataranta sa pagtakbo papunta sa direksyon ng isang bandidong nakakabayo. Sa aking pakiwari, sya ang dumukot sa princesa. "Mahal na prinsepe! Saan ang iyong tungo?" Narinig kong tanong ng Mahal na Reyna. "Ako na po ang hahanap sa kanya." At nagmadali akong umalis. Sumakay agad ako sa aking kabayo at nagmadaling hinabol ang bandidong patugo sa direksyon ng pauwing kaharian. Medyo malayo layo na sya saakin ng mapansin kong huminto sya at kinuha ang panang nasa gilid nya at tinutok sa direksyon ko. Agad akong tumalon at nakapagtago ngunit huli na dahil nahagip ako ng kanyang palaso. Hindi ko na lang inida ang sakit at agad tumayo ako at lumapit sa aking kabayo ngunit wala na aking kabayo kasabay ng pagkawal ng bandido.

"Kaasar!!" Napakamot na lang ako ng ulo. Tumakbo ako, ngunit di na kaya ng mga paa ko. Ngunit sa aking paglalakad, nakita ko ang mga kawal ng kamahalang Lin Bok. At ngayon ay hawak na nila ang isang bandido. Ngunit ang bandidong nakaenkwentro ko kanina ay hindi nila nahuli.

Agad akong lumapit at akmang susuntukin ang bandido, naramdaman ko na lang na pinipigilan ako ng mga kawal dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko.

-Aime POV-

Kasalukuyan akong nakaharap sa laptop ko. Nagfacebook lang, alam mo na! Boring eh! Sabi ko kase kay Dante, magshoshopping kame, sabe naman nya, bawal daw muna akong gumala. May sinabi ba akong gagala ako? Sabi ko, magshoshoping ako, gala ba yun? Pero, kung sabagay, maganda ako at gusto lang akong protektahan ng Dante ko. Ang secretary ni mama na BUDDYGUARD ko. Akin lang sya. Agad kong tiniklop ang laptop at bumaba at naabutan kong may kausap si Dante sa baba.

"Ahh, Oh? Sige, mayamaya tatawag ulit ako. Sige, bye hon..!" At binaba ang telepono.

"Dante?" Tawag ko. Di ko gusto malaman kung sino yung kausap nya, pero, parang kusang bumuka ang bibig ko na parang may sariling buhay. Ganon ba ako kadaldal?

"Po? Ma'am?"

"Wag ma'am, nakakairita. Aime na lang!" Saway ko. Para namang alipin ko sya. Sa bagay! ^_^

"Sino kausap mo? Si mama ba yan?" Napakapakeelamera ko talaga. Bwiset >_< nakakahiya to.

"Ahh... si ano lang po.."

"Ahh, kung ayaw mong sabihin, hindi kita pinipilit!" Please, sabihin mo na kung sino.

"Ahh...oh sige po..!" Sayang, dapat pala pinilit ko sya! Agad ko syang nilapitan at kumapit sa braso nya. Napansin kong namula sya.

"Payagan mo na kase akong magshopping, please..!!" Pangungumbinsi ko. Sana kumagat sya.

"Ahh... bawal po talaga eh.. mahigpit na utos ni madam!" Naman! Eto talaga si Nanay oh. Andaming kaechosan. Pati shopping bawal? Baka naman mamaya, pati maligo, bawal na din. NO!! I can't live like that, nakakahiya kay Dante na naamoy akong mabantot!

"Alam ko na! Padeliver ka na lang ng pizza! Please..." I begged.

Inalis nya ang pagkakakapit ko sa braso nya at kinuha ang telepono nya.

"Sige po!" At agad na nagdial ng pizza store.

My Closet PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon