Chap. 3> Failure

13 2 2
                                    

-Aime POV-

"Iha...iha...ayos ka na ba?" tanong ni Lola Tonnette. Pagmulat ko ng mata. Nakapalibot silang lahat sa higaan ko. The next thing I new ay nasa ospital pala ako.

"Ok ka na daw sabi ng doktor. 'Di ka naman daw masyadong napuruhan, nagkaroon ka lang ng galos sa braso at binti. Pero wala ka namang internal hemorage." sabi ni Mikko.

"Bakit ba antanga tanga mo?" tanong ni Lola Tonnette.

"Ang hard mo naman." I said. Pero mukang tama si lola. Hindi ko maikakailang tanga ako. Pero yung word na 'TANGA TANGA' sobra naman ata 'yun.

"It's not her fault. No one wants it. Tsaka wala po tayong dapat sisihin a nangyari." nagawa pa akong ipagtanggol ni Mikko kay Lola.

"Hindi ko naman sya sinisisi sa nangyare. Tinatanong ko lang naman kung bakit sya tanga?" sabi ni lola. Ang.hard talaga nito kahit kelan.

"ANAK..!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni papa sa may pintuan.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Kamusta pakiramdam mo?" sunod sunod na tanong ni papa.

"I'm fine dad. Wag na kayong magalalala saken." I said. Siguradong kukulitin ako ni papa.

"Ano katangahan nanaman ang nangyare sayo?" tanong ni Mama. Isa pa 'to si mama. Hard din masyado saken.

"Honey..wag ka magsalita ng ganyan. Mahiya ka naman sa anak mo." pabulong na sabi ni papa na nakarating pa rin sa tenga ko. Habang nagtatalo sila ay pinapanood ko sila. INSTANT SHOW 'DI BA?

"Ahh..Ma'am, eto na po yung pinamili nyo." nagulat ako sa pagsulpot ng isang lalaki na may dalang di ko alam kung ano. Pero mas lalo akong nagulat kung sino. Dahan dahan ko syang tinignan mula tuhod hanggang paa. Ang kanyang malamig na boses, ang nakatindig nyang dibdib, at ang malaki nitong pangangatawan. At syempre, ang gwapo nitong muka. Walang dudang si...

"Sige Dante, Ipatong mo na yan jan sa mesa. Halika na Michael. May pupuntahan pa tayo." aya ni mommy kay daddy. While me...still starring him. I mean si Dante. Crush ko kase sya simula nung makilala ko sya sa office ni mama. Kung hindi ako nagkakamali. Secretary sya ni mama.

"Ms. Aime, Are you alright..?!" tanong ni Dante with matching smile. Grabe ang cute nya.

"A-ahh, eh..." I'm speechless. I can't talk to him while his starring at me. Nananatili lang akong nakanganga habang sya ay naghahantay sa kasagutan ko.

"Ok lang sya. Kaya pwede ba umalis ka na." Pantataboy ni Mikko.

"Ikaw, pakielamero ka ano. Umuwi ka na nga." Hindi ko tuloy nagawa yung plano ko dahil sa katangahan ko. Pagbaling ko kay Dante, nakita ko syang makangiti. His kissable lips... So cute.

"Alis na kami ng tatay mo. Iho, Dante. Ika Ika na muna magbabantay kay Aime. Bantayan mo yang babaeng yan. Baka magliwaliw yan." sabi ni mama. HOW LUCKY AM I? Akalain mo yun. I was guarded by my true love. Ambait talaga ni mama.

"Lola, Umuwi ka na muna sa bahay para makapagpahinga ka. Mikko, thanks sa pagbabantay mo kay Aime ha. Umuwi ka na muna." sabi ni papa. Narinig kong humikab si Mikko.

"Sige po. Sabay na po kami ni Lola." sabi ni Mikko.

Mga ilang segundo lang ay wala na silang lahat. Dante and I were left.

"What do you want?" he asked.

Gusto ko sanang sabihing 'IKAW' pero natatakot ako. Nakakahiya kaya.

"A-hhmmm...Aray ko, nahihilo ako." pagiinarte ko at nakahawak ako sa ulo ko. Biglang lapit si Dante saken. At ako naman tong si gaga, inaamoy yung pabango nya. Ang galing naman nyang pumorma.

"Are you alright?" tanong ulit nya.

"I want to rest. Pwede dito ka lang sa tabi ko?" I asked.

"A-ahh, oh sige." at naupo sya sa upuan sa tabi ng higaan ko. Sigurado akong hindi nya ako matatanggihan. SA GANDA KONG 'TO!

"Pahinga ka muna!" he command. Nagulat na lang ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. PANIGURADO AKONG HINDI AKO MAKAKAPAGPAHINGA NG MAAYOS NETO.

-Ken Zou POV-

Agad kong tinungo ang silid ng amang hari. Agad akong pumasok ng kwarto ng hari ngunit wala na doon ang hari.

"NASAAN ANG HARI?" tanong ko sa bantay ng kwarto ng hari.

"Nasa kabilang palsyo po. Mabuti na nga lang po at wala sya dito ngayon." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng kawal.

Umalis na kami ng kapatid ko patungo sa kanikaniyang silid. Gusto ko ng magpahinga. Marami na ring nangyari ngayong araw. Habang naglalakad. Sa di kalayuan ay may natanaw akong liwanag na nanggagaling mula sa isang kwarto. Agad ko tinungo ang kwarto upang alamin kung saan nanggagaling ang liwanag.

Habang papalapit ako ng papalapit sa may pinto ng kwarto. Lalong lumalakas ang pintig ng puso ko. Dahan dahan akong lumapit at dahan dahan kong hinawakan ang pinto ng kwarto ng biglang...

"Mahal na prinsepe, ipinatatawag po kayo ng inang reyna sa kanyang silid." sabi ng aking mahal na tagapaglingkod.

"Sige, susunod na ako." sagot ko at muli akong lumingon sa kwarto. Ngunit wala na ang liwanag. Kaya nagtungo na lang ako sa silid ng aking ina.

My Closet PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon