Chap. 8> The Other Dimension Part 3

3 1 0
                                    

-Ken Zou POV-

Nilaglag ako ng liwanag sa isang madilim na silid agad akong bumangon. At lumabas ako sa isang pintuan. Namangha ako sa laki ng lugar na nakita ko ngayon sa harap ko. Naglakad lakad ako at ng makakita ako ng bukas na pinto. Pumasok ako. Sa loob, may malaking kama at kung ano ano pa. At may nakita din ako na isang litrato.

Aime POV-

Kasalukuyan akong nasa hospital para daw sa checkup. Naloloka ako. Kasama ko si Dante ngayon. Sabi ko sa kanya kanina ayokong pumunta ng hospital pero eto ako ngayon. Naisip ko lang, sa Mall bawal akong pumunta pero dito pwede... ayan ahh..!!

"Okay ka na daw, pero mukang hindi ka safe sa bahay nyo ngayon. Iniimbestigahan na din ngayon ang nangyari. "Sabi ni Dante. Ang cute nya kapag seryoso.

"Okay, pero, gusto ko ng umuwi!"

"Bawal ka pang umuwi!"

"Pero pagod na ako, inaantok na din ako!"

"Sa kotse ka na lang matulog!"

"Ayoko doon" baka pagsamantalahan mo pa ako! Ayokong sa kotse!

"Oh sige na, mukang di na kita mapipigilan!" Sabi ni Dante, sabi ko naman kase sayo Dante, sa kwarto ko na lang.

"Tara na!" Yaya ni Dante. Hay salamat, makakauwi na din ako.

-'Sa Bahay'-

"Lola, dalhan nyo nga po ng makakain si Aime!" Utos ni Dante kay Lola.

"Eh kumain na yan kanina eh!" Sagot ni Lola.

"Oo nga Dante! Mamaya na lang siguro paggising ko!" Sagot ko.

"Hindi pwedeng matulog ka ng wala kang kinain, sige na kahit konti lang!" Ang Sweet..!! *^▁^*

"Sige na nga, pero gusto ko subuan moko?!" Sabi ko.

"Ano?"tanong ni Dante, nagulat siguro sya sa sinabi ko.

"Ahh...ang sabi ko, ikaw maghatid ng pagkain sa taas, sige, mauna na ako!" Sabi ko. At umakyat na ako. Mejo nahihilo na nga ako. Kaya minadali ko na ang pagakyat. Pagdating ko sa kwarto ko,

"Nakalock?" At kumatok ako.

"Hayy nakoo... nasaan na ba yung susi nito?" Hindi ko pa nahahanap yung susi ay kusa ng bumukas ang pinto.

"AHHH....!!" napasigaw ako dahil may nakita akong isang lalaki sa loob ng kwarto ko. Hinatak ako nito papasok sa loob at kinandado ang pinto.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nung lalaki sa akin. Aba! Ako pa tong nanghimasok?

"Ikaw nga dapat tinatanong ko diba? Sino ka at anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Ako si...!" Sagot nito.

"Sino?" Mataray na tanong ko.

"Ako si Ken Zou, di ko alam kung bat ako nandito?" Sagot nito. Gusto kong matawa sa sinabi nya. Ken ano raw? Tsaka mas nakakatawa nung sabihin nyang di nya alam kung bakit sya nandito. Magnanakaw ata to eh.

"Umalis ka na kundi tatawag ako ng security!" Sabi ko.

"Ahh, yun na nga eh! Di ko alam ang daan pauwi." Ano raw? O_o

"Saang costume party ka ba galing?" Tanong ko. Kung di lang sya gwapo. Malamang, nasapak ko na sya unang beses nung nagkita kami.

"Anong costume party?" Aba, niloloko na ako nito.

"Umalis ka na! Sisigaw ako?" Wag nya akong subukan. Sisigaw talaga ako ng malakas.

"Parang awa mo na, tulungan mo lang akong makauwi!" Nakaluhod na nagmakaawa. Mas lalo syang naging gwapo!

"Seryoso ka ba talagang di mo alam ang daan pauwi sa inyo?"

"Oo..kaya parang awa mo na, tulungan mo lang ako... magiging utang na loob to para sakin, tulungan mo lang akong makabalik sa kaharian!"

Ano raw? Kaharian? Utang na loob? Pwedeng date na lang kapalit?

"Tumayo ka nga dyan. Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?" Gusto ko lang talagang makasigurado. Baka niloloko ako ng hinayupak na to. Magoyo pa ako.

"Sige tutulungan kita pero..."

"Aime..!!.Sino kausap mo jan, eto na pagkain mo?" Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses ni Dante sa labas ng pinto.

"Sino yun?" Tanong ni Ken ano..Ewan.!

"Magtago ka!" Sabi ko.

"Saan?"

"Pasok ka dito!" At pinapasok ko sya sa CR. Ng masiguro kong nakapasok ng si Ken Ewan. Pibagbuksan ko naman ng pinto si Dante my lalabs...

My Closet PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon