*ALDRIN'S POV*
*Isip...*
*Isip...*
Nakakaasar talaga!! Biruin nyo yun? First Girlfriend ko ang amasonang yun?! Bakit ko pa kasi sinabi yun kay lolo!! Sana pala hinayaan ko nalang siyang ma kick out at nang mawala na sya sa landas ko!
*Lakad..lakad..*
*Ikot..ikot...*
Naku naman..napasubo pa ako!! May girlfriend na ako...ni hindi ko nga alam kung pano maging boyfriend eh! AT SYA PA!! Oo, inaamin ko..naagaw niya ang atensyon ko at nakakahiya mang sabihin pero...ATTRACTED ATA AKO SA KANYA????
Hayyyssstt.....EWAN!!!
"Hoy, dre!! Ako ang nahihilo sa kaka ikot -ikot mo dyan, pramis!" si Roy, nakaupo sa sofa at nakatingin sa akin.
Eh, bakit ba kasi niya ako tinitingnan eh no?
Naaasar na bumaling ako sa kanya.
"Nakakaasar lang kasi. Sa lahat ng babae na pwede kong maging girlfriend, SYA PA! Isa pa, wala pa akong experience sa pakikipagrelasyon! How will I---"
"Easy...Easy...Take it slow tol..." aniya sabay tayo at tapik sa braso ko. "Hindi lahat ng bagay dinadaan sa paghihimutok."
"Eh, anong gusto mong gawin ko?" Iritableng tanong ko.
"I have a plan!!" sabi niya bigla, kumikinang-kinang pa ang mga mata.
Plan? Leche plan? O____________O
"Ano?" tanong ko.
"Tatawagin natin itong "Perfect Boyfriend Operation"!" sagot niya. ^______________^
Ilang katol kaya ang naubos nito sa pag singhot? =__________________=
"Ano naman yun?"
"Ito ay isang paraan upang ang isang first timer na kagaya mo ay maging isang perpektong boyfriend na pinapangarap ng bawat kababaihan na magkaroon! May mga misyon kang dapat tuparin para ma achieve ang perfect boyfriend image!!" bigla ay may inabot siyang papel sa akin na nakatupi.
BINABASA MO ANG
My Enemy/Boyfriend
HumorKinaiinisan mo s'ya.........Pangarap mo s'yang isalvage........Wish mo syang imurder ......TAPOS NAGING BOYFRIEND MO S'YA KAHIT DI MO GUSTO???? Or Should I say, hindi NYO gusto??? Ano kayang kahahantungan nang lovestory nyo kung trip mo s'yang patay...