Chapter 5 ( The Favor )

272 25 2
                                    

*Audrey's POV*

" Ale, magkano po rito sa tilapia?"

Hayy...Linggo na naman~~!!! Nag absent ako sa work at wala kaming schedule sa school. Eto na ang rest day na pinakahihintay ko. Kahit ba sabihin nating isang araw lang atleast, nagkaroon ako ng pagkakataong iluto ang mga paborito kong pagkain. Kaya ngayon, andito ako sa palengke at namimili ng ipangpu-food trip ko mamaya. Sa ngayon, itong tilapia muna ang bibilhin ko.

"One hundred forty po." sagot nung tindera.

Eh? Ang mahal na ng tilapia ngayon ah? Napangiwi ako sa presyo.

"One hundred forty po?" Ulit ko kasi trip ko lang.

"Opo, Kalahati seventy."  aniya.

Tumango nalang ako sabay silip sa wallet ko. Hmmm...ayos lang naman. Pero tara. Tawaran natin baka pumayag.

"Pwede po bang bawasan,ate? One thirty nalang?" tanong ko. Pumayag ka...pumayag ka...

Nag isip saglit ang tindera saka umiling.

"Naku ate, hindi pwede eh. One forty lang talaga." sabi niya.

Ah...Sabi ko nga =_____=

" Ah sige. Isang kilo lang po." wika ko saka naglabas ng one forty sa wallet ko. Ok lang. Sariwa naman yung tilapia kesa naman sa bumili ako ng bilasa.

Maya-maya lang ay nakabili na ako ng mga iluluto para sa food trip ko ngayong araw. Haha. Magpapakabusog talaga ako ng sobra. Bumili narin ako ng junkfoods at kung anu-ano pang anik anik na aking kakainin habang nagmu movie marathon sa aking Sony television na tinawaran ko sa Quiapo.


Nang makauwi na sa bahay ay agad akong naghanda para sa aking food trip. Kasalukuyan akong gumagawa ng mango and grahams for my dessert nang may mag doorbell.

*DING DONG......DINGDONG*


Napakunot ang noo ko. Sino naman kayang dadalaw sa akin? O____O???

"Sandali! Andyan na!" sigaw ko sa tao sa labas kung sino man yun.Nagpunas muna ako ng kamay bago pumunta sa may pinto. 

Sunod-sunod pa rin ang tunog ng doorbell.

My Enemy/BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon