*Roy's POV*
"Roy, sa tingin mo..magugustuhan ni lolo si Audrey?"
Napatingin ako sa bestfriend ko na mukhang pasan na ang daigdig sa pagkakaseryoso ng mukha.
"Siguro." sagot ko nalang. Kahit di ko naman talaga alam ang maaring mangyari sa nalalapit na pagdarating ng lolo niya.
Sabagay, boto rin naman ako kay Audrey para sa bestfriend ko kahit na sabihin pang may world war III kapag magsasama silang dalawa. Kay Audrey lang kasi siya tumitino.
"Ang hirap maging single ano?"
Maya-maya ay biglang sabi niya sa akin. Ano naman kayang nahithit nito?
"Ha?" maang na sagot ko sa kanya.
"Ang sabi ko-----"
*Ring~ * Ring~ Ring~*
Nag ring bigla ang phone ko. Napatigil siya sa pagsasalita. Ako naman, syempre, sinagot ko na ang tumatawag.
"Hello?"
[ "Royce, it's Cain!"] anang kabilang awditibo.
"O, bakit napatawag ka?"
[ "Are you free tonight?" ]
"Bakit? Yayayain mo kong magdate?" pabirong sagot ko.
[ "Sira ka talaga. Di tayo talo, pre. What I mean is , may jamming tayo ngayon! Sama ka?"]
"Tss.. tinatamad ako ngayon, pre. Kayo nalang nina Mike."
["Walang kakanta, dude. Sinong gusto mong pakantahin? si Mike? Alam mo namang tulog mantika ang lalaking yun nung nagpaulan ng boses si Lord."]
"Edi ikaw."
[ "Ako?! Gusto mo bang lumindol? Sumabog ang mga bulkan at umulan ng lahar ha? Roy?" ]
Napaisip ako dun. Syempre hindi. Mahal ko pa si Mother Nature.
![](https://img.wattpad.com/cover/4371383-288-k653983.jpg)
BINABASA MO ANG
My Enemy/Boyfriend
HumorKinaiinisan mo s'ya.........Pangarap mo s'yang isalvage........Wish mo syang imurder ......TAPOS NAGING BOYFRIEND MO S'YA KAHIT DI MO GUSTO???? Or Should I say, hindi NYO gusto??? Ano kayang kahahantungan nang lovestory nyo kung trip mo s'yang patay...