Chapter 1 ( Mr. Manyak )

1.5K 42 11
                                    

Chapter One


Audrey Kristina Leanna Perez...Ewan ko ba kung saang Planeta hinugot ng mga magulang ko ang pagkahaba-habang pangalang ito.

Tuloy noong Grade One ako eh hirap na hirap ako sa pag susulat at take note, back to back pa yun, ha?

Hayy... At syempre, katambal ng mahabang pangalan ay maraming palayaw, diba? May "Audrey", may "Kris,"  minsan, may "Tina"pa. Nalilito na talaga ako sa totoo lang.

Pero teka? Sino ba talaga ako?


Kagaya ng name kong wierdo, wierdo din daw ako---Yun ang sabi nila. Kung bakit? Ewan ko rin. Ang alam ko lang, gusto ko lang mapag isa. Loner lang ang peg at ayaw ng maingay na companion. Mas gusto ko pang magbasa ng books kesa makipag daldalan. Wala naman akong mahihita run, diba?

Pagdating naman sa physical aspects, maganda talaga ako pag WALANG katabi. May kayumangging balat ( pero ang sama nito..mapuputi ang mga kapatid ko), mahaba at itim na buhok, may maliit na ilong, maliit at makipot na labi-- Hayy!! pati height ko, maliit rin!! Buti nalang sabi nila, maganda raw ang mata ko at black beauty raw ako. Kung totoo man yun, parang ayaw kong maniwala. Wala naman kasing pumapansing boys sa akin, eh!

"Uy! Audrey.. sinong kinakausap mo dyan?" Si Ian, Bestfriend ko.

Kahit talaga, Epal to! Kitang nagkukuwento ako ng talambuhay ko eh. Umirap ako at kunwari ay nagbasa ng libro.

"Wala."

"Ha? Eh, sinong kausap  mo?"

Ang kulit naman ng tipaklong na to!

" Wala nga! Kulit!"

" Wag mo sabihing nababaliw ka na? May gamot ako baka gusto mo? " Kunwaý alok pa niya sa akin. 

" Wala nga. Nagme- memorize ako para sa play namin." palusot ko. Umubra naman.

" Ah, akala ko nabuang ka na, eh." Aniya sabay haltak ng librong binabasa ko. " Wow! Ano to? Da Vinci Code?"

" Bastusan?" iritableng reaksyon ko. Dyusko naman! Ibala ko kaya to sa kanyon?

" Hehe. Sorry. " Aniya sabay balik sa aking ng libro. " Nga pala. Kilala mo si Aldrin Nathan Cruz? "

O, Yeah!! sino nga bang hindi  makakakilala sa lalaking yun na sa sobra yatang yabang eh kaya ng tangayin ang buong Pinas sa lakas ng hangin?

Siya. Tama. Siya kasi ang sinasabi nilang pinakama appeal  at gwapong lalaki rito sa campus. Campus Heartthrob kung baga. Para sa akin, Isa iyong malaking " EWW!!".

Napaka sama kasi ng ugali ng damukong na iyon. Sa sobrang bilib sa sarili eh pinakyaw na lahat ng magagandang girls sa school namin. Sa lahat ng oras na makikita mo  siya, laging may mga babaeng nakadikit sa kanya. Ni minsan ay hindi ko pa siya naispatang nag-iisa.

Akala mo kung sinong artista, hmmp!!

At Eto pa, sobrang arogante rin! Palibhasa may sarili silang business at siya kuno ang tagapagmana. Ilang estudyante na ba ang binully niya?

" Hoy, Audrey! Di ka na nasagot dyan?"

Napasimangot ako. " Inaalala ko pa kasi kung saang nightmare ko siya nakita."

Nanlaki ang mga mata ng berde kong bff. " UY! Anong Nightmare?!"

" At bakit? Hindi ba?" maang na sagot ko. Sa dinami dami ng pinaiyak niya, hindi ba siya matatawag na bangungot?

My Enemy/BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon