Chapter Two
Napabalikwas si Luisse ng makitang alas sais na ng gabi. Hindi niya namalayang nakatulog siya. Kaagad siyang umahon ng kama at dali dali pumanaog sa ibaba. Naabutan niya si Plusko at Ayumi na naguusap.
"Shit! Plusko nasaan na ang mga reports! Bakit hindi mo ako ginising?" maktol niya sa mga ito. Naaninag niya sa sulok ng sofa ang maletang dala nito.
"Shit talaga, hindi pa ako nakapagligpit ng gamit!" naiinis niyang lingon kay Plusko. Paakyat na sana siya pabalik sa silid ng pigilan siya ni Ayumi.
"Bessy, ako na ang magliligpit ng gamit mo! Unahin mo na yang paperworks ninyo, mas mahalaga yun!" she insisted.
"Thanks Bess!" pagkatapos nun ay nagpakalunod na siya sa trabaho kasama si Plusko na gusto sanang sumunod sa kwarto nya, agad niyang hinila ang tenga nito upang magpatuloy na sila sa trabaho.
Nakahinga ng maluwag si Luisse nang matapos niya ang ginagawa, nakita niya sa orasan na alas nuwebe na ng gabi. May oras pa siya para matulog, nakita niya ang tatlong baso ng kape sa table niya, hindi niya namalayang naparami pala ang inom niya dito. Agad niyang ipinikit ang mata at nilabis ang dalawang oras na pahinga bago sila magpunta sa airport.
Eksaktong alas 4:30 nang lumipad ang eroplanong sinasakyan nila Luisse papuntang South Korea, ilalabas niya ang ipod niya sa shoulder bag upang makinig ng instrumental music na pamparelax niya sa sarili, agad niyang nakita ang Korean-English Dictionary sa bag, napangiti siya at naibulong sa sarili "Si Bessy talaga". Gusto niyang matawa sa sarili, Suot suot niya ang jogging pants at puting t-shirt na nakatulugan niya bago siya magpunta ng airport, hindi na siya nakapagpalit dahil na-late siya ng gising, mas mahalaga sa kanya ang hindi maiwan ng eroplano.
It's exactly 7am nang lumapag sa Seoul International Airport ang Euro Air na lulan si Cristiano Enrico Saavedra, he went to Paris, upang kumustahin si Maria Idelreina Saavedra, ang bunso niyang kapatid na nag-aaral ng Fashion Designing doon. At the age of 30, he was very successful in every aspect of life, siya ang panganay na anak nina Don Ludivico Saavedra, half Spanish half Filipino at Doña Anna Margarita Salviejos half French half Filipino. Binisita rin niya ang sumunod niyang kapatid na si Ricardo Antonio Saavedra na namamahala ng SalSaa Corporation na nakabase sa Europa. Lubos na mahalaga sa papa niya ang Korporasyon, isinugal ng papa niya ang manang naiwan ng yumaong mga magulang upang maipundar ang noo'y Saavedra Corporation na ngayon ay Salviejos-Saavedra (SalSaa) Corporation at sumisikat na sa buong mundo, dugo at pawis ang ipinuhunan niya upang mapalawak ang korporasyon, hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Napapikit siya ng maalala na naagawan sila ng deal ng Golden Foods Corporation, a newly established corporation. Hindi niya matanggap ang pagkatalo, he sends Mr. Rios, his best marketing analyst upang ligawan ang Frankfurt Hotel, though it's not a high-end Hotel pero halos lahat ng branches nito ay nasa Europa which is pabor para sa SalSaa. Hindi siya papayag na mawala sa kanya iyon. Pinabackground check niya kaagad ang Golden Foods kay Mr. Kim nang malaman niyang nasa Pilipinas ito, pinaasikaso niya rin kasi ang financial reports ng SalSaa Intercontinental Manila. He found out that a rookie in marketing analyst named Mr. Luisse Barramedes ang nakatalo sa kanila. He can't wait to meet the guy and might as well do business with him also.
Palabas na sana siya ng airport nang mabunggo siya ng babaeng naka white shirt and blue jogging pants. Hindi man lang ito nagatubili na humingi ng pasensya. Inalis niya sa isip ang hindi niya naaninag na mukha nito at agad napangiti ng makita si Pabio, his PA. Pinalitan nito ang amang halos twenty years na ang serbisyo sa mga Saavedra. Pagkagaling ng Europa ay nauna itong magpunta ng Korea dahil may inutos siya dito. Maliban sa SalSaa ay pinasok niya ng personal ang Hotel industry. He is the CEO of SalSaa Intercontinental Hotel. SalSaa withstand as a business after 10 fruitful years. Dito sa Seoul gaganapin ang convention ng iba't ibang korporasyon dahil ito ang kauna unahang branch ng hotel na binuksan niya sa madla. He was famished lalo nang makita niya ang naglalakihang billboards ng Bibimbap at Bulgogi. Inutusan niya si Pabio na dumaan muna sa paborito niyang kainan sa Seoul ang Chingu Restaurant.
BINABASA MO ANG
Meeting Mr. Brutiful
Romance"You have a lot of things to explain and I want you to stay!" basag ni Cristiano sa katahimikan ng kwarto habang pinipigilan si Luisse sa pagbibihis. "Why would I listen to someone who only sees me as a hooker?" sigaw niya dito. "Ang tanga ko ta...