The most awaited ending!

2.3K 61 1
                                    

Parang nagising naman si Cristiano ng marinig ang paghagulhol ni Luisse. Lalo tuloy siyang naguluhan sa nangyari. Hahabulin niya sana ang dalaga upang magkausap sila ng mabuti ngunit wala na ito ng makalabas siya. Nasuntok niya ang mesa ng makita ang pulang dugo sa kama. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa ItalianPalace. Bukas ng hapon ang balik nila sa Milan. Nais niyang makausap ang dalaga bago sana siya umalis.

Nagulat pa si Philip ng makitang namumula at namamaga ang mata ni Luisse ng dumating ng bahay. May maliit din itong sugat sa ibabang bahagi ng labi at gusot gusot ang damit. Kaagad niya itong sinalubong.

"What happened to you Ate?" tanong niya. Imbes na sumagot ay yumakap kaagad ito sa kanya at humagulhol. "Ate Luisse sumagot ka!" usig niya dito. Humagulhol pa rin ito. "Nandito si Mr. President, siguro nagkita sila ni Maam Lu!"si Plusko ang sumagot na kakarating lang galing sa ItalianPalace. Kaagad din itong lumapit kay Luisse at hinaplos ang likuran nito. "Nagtago ako maam Lu nung makita ko siyang papunta ng counter natin na parang may hinahanap kaya umuwi ako ng maaga! Wag kang magalala hindi niya tayo masusundan dito!" dagdag pa nito.

"What? Is that true?" baling ni Philip kay Luisse. Tango lang ang isinagot ng isa. "Shit! Anong ginawa sayo ng gagong yun!" pahasik na turan nito.

"Philip I'm okay! Nothing happened! Nagkaroon lang kami ng pagtatalo! Yun lang!"

"Okay? Look at you Ate and knowing him for sure may ginawang hindi maganda yun sayo!" galit na turan pa rin nito.

"Philip please let's stop this! Ayaw kong umabot sa point na malaman niya ang tungkol sa mga anak ko! He'll get them for sure! I'm begging you!" pagmamakaawa niya dito. "I'll talk to mom and dad tomorrow! Sasabihin ko na sa kanila ang totoo so I could also have a peace of mind!" dagdag niya upang kumbinsihin ito na wag ng komprontahin si Cristiano.

"Maam Lu, palabas na sina tita ganda at tito pogi!" baling sa kanila ni Plusko. Kaagad naman niyang inayos ang sarili at pinunasan ang mga luha.

"Luisse anak andyan kana pala! Paubos na ang gatas ng kambal! Tara na pumasok at kakain na tayo!" yaya ng mama Elsa niya. Buti nalang at medyo madilim sa gawi niya.

"Opo mama, magpump nalang po ako mamaya pagkatapos kumain!" siniglahan niya ang pagsagot at sumunod sa pagpasok.

Nakailang balikwas na si Cristiano ngunit hindi pa rin siya makatulog. "Why would I listen to someone who only sees me as a hooker? Ang tanga ko talaga kasi nagpaloko ako sa isang lalaki not just once but twice, yes you heard it right! I only had sex with you my entire life! Are you happy now? Well, thank you for making me miserable!" ang mga salitang iyon kasama na ang malungkot na mukha ng dalaga ang hindi nagpapatulog sa kanya. Kaagad siyang napamura sa sarili at nasuntok ang pader. Lalo tuloy siyang nagalit sa sarili dahil nagpadala siya sa selos kaya nasabi ang maanghang na salita sa dalaga. Ang hindi niya maintindihan ay ang pagtulo ng gatas sa dibdib nito. "May anak naba ito?" tanong niya sa sarili. Minabuti niya nalang na inumin ang whisky na nasa mesa niya at pinilit na matulog.

Napangiwi si Luisse ng makitang puro pasa ang katawan niya. Lalo na ang kanyang mga braso at legs maging ang likod ng magising siya kinaumagahan. Kaagad siyang naligo at nagbihis ng damit. Minabuti niyang isuot ang maong na pantalon at tinernuhan niya ng polo shirt. Nilagyan niya ng concealer ang mga pasa upang itago ito sa mga magulang. Kinakabahan man ngunit kailangan na niyang sabihin sa mga ito ang tungkol kay Cristiano.

Pagbaba niya ay kaagad na inagaw ni Philip ang susi ng kotse niya. "What is that for?" maang niyang tanong. "Ate I won't let you go back to the convention at makita mo ulit ang gagong yun! Ako ang pupunta sa Italian and you will stay here to talk to mom and dad as you promise last night!" paalala nito. Kasama nito si Plusko na naghihintay sa sala. Hinayaan niya nalang na umalis si Philip at wala rin siyang lakas ng loob na harapin si Cristiano. Naisipan niyang maglakad lakad upang mawaglit sa isip niya ang binata. Naabutan niya ang mama niya at mga anak sa hardin. Kaagad siyang lumapit sa mga ito.

Meeting Mr. BrutifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon