Chapter One
"Congratulations Luisse! You did a great deal with Frankfurt Hotel Hija!" yakap ang ibinalik niya kay Mr. Esteban. "Salamat po Tito Frank! Ginawa ko lang ang aking trabaho!" nangingislap ang matang tugon niya sa yakap nito.
Si Mr. Franklin Esteban ay ang may-ari ng Golden Foods Corporation kung saan siya ang General Manager at isa sa mga Marketing Analyst, maliban sa Golden Foods, ito rin ang may ari ng Golden Island Restaurant kung saan Chef ang Nanay Elsa niya at tumulong sa kanila upang makapagtapos siya sa kursong Business Management sa Ateneo De Manila. Natapos niya rin ang Masters in Marketing sa kaparehong unibersidad.
Mahalaga sa kanya na makuha ang deal na iyon sa Frankfurt Hotel, it would be her third successful deals with big time companies, bagaman areas sa bansa lang ang naclose niya, kung mahigit twenty branches naman ito sa buong Pilipinas ay okay na. Ang Golden Foods ay ang supplier ng mga organic goods sa mga supermarkets lamang, kaya laking pasalamat niya dahil pati ang chains ng Frankfurt Hotel ay napasok na nila.
Nang malaman niyang si Melanie Sonnenceine ang may-ari ng hotel, she immediately did a background check on her, isa itong Pilipina na nakapagasawa ng isang Businessman sa Germany, nalaman din niya na ang mag-asawa ay vegetarian, kaya sinamantala niya na ang pagkakataon upang masungkit ang malaking "oo" ng mga nito.
Napukaw ang malalim niyang pagiisip ng iabot ni Mr. Esteban ang cellphone nito mula sa kanya.
"Annalisse! Kumusta kana? Miss na kita!" si Annalisse, ang nagiisang anak ni Mr. Esteban, nag-aaral ito ng Interior Designing sa Paris. Mga bata pa lamang sila ng masaksihan niya ang yumaong si Mrs. Esteban, mula noon ginampanan na niya ang pagiging ate dito.
"Ate Luisse! Congrats ah! Nasabi na sa akin ni Father Nature, I'm so proud of you! Miss na rin kita! Anim na buwan pa bago magbakasyon! Pasyalan mo na ako dito, akong bahala kay father dear!" matagal na siyang inaaalok nito na pumasyal siya ulit sa Europa, sadyang nasanay lang ito dahil malimit siyang isama ni Mrs. Esteban sa tuwing dadalawin nila ito sa Paris noong ito'y nabubuhay pa.
"Naku! Kaw talaga! Nakapabalahura mo pa ring magsalita sa papa mo! I promise I'll visit soon if I have a time. I'll see you soonest, baby girl!"
Agad din itong nagpaalam sa kanya dahil may tatapusin pa itong project. Nilingon niya si Mr. Esteban na kausap si Plusko, ang weirdo niyang assistant. "Sir, ito na po ang cellphone niyo!"
"Call me Tito.. alam mo naman hindi kana iba sa amin ng anak ko Luisse!"
"Yes, I know Tito, pero nasa work po tayo!" She smirked.
"That's what I like about you Hija! Thank you for everything.." She smiled and opened the door. Kailangan pa nilang bumalik ni Plusko ng Makati upang tapusin ang paperworks.
"Ma'am Lu, kailangan daw po tayo ni Sir Franklin bukas ng 9am sa office! May meeting daw tayo with Mr. Joseph Kim!" detalyadong pukaw nito sa kanya habang iniinom ang kape sa gitna ng traffic.
"Mr. Joseph Kim? Siya ba yung sa..
"Managing Operations ng SalSaa Intercontinental Hotel sa SeoulKorea!" dugtong nito sa sasabihin niya. Tinutukoy nito ang isa sa mga pinag-uusapang chains of hotel sa buong mundo, meron itong higit na fifty branches worldwide, most of it's chains are found in Europe.
Nasamid siya sa sinabi nito. "Ano? Bakit naman daw?" agad naman siyang nagsorry at pinunasan ang kapeng natapon sa kamay nito. Napangiwi naman si Plusko.
BINABASA MO ANG
Meeting Mr. Brutiful
Romance"You have a lot of things to explain and I want you to stay!" basag ni Cristiano sa katahimikan ng kwarto habang pinipigilan si Luisse sa pagbibihis. "Why would I listen to someone who only sees me as a hooker?" sigaw niya dito. "Ang tanga ko ta...