Anti Histamine Please! Someone's back from the past!!!

1.9K 55 0
                                    


Chapter Five

Naikuyom ni Cristiano ang kamay ng makita ang pag-akbay ni Philip kay Luisse. "Mr. President, kakain sila sa Bellini, yun ang sabi ng guard ng maisakay niya sa taxi sina Sir Philip and friends!" salubong ni Pabio sa kanya ng makalabas siya ng board room. "Why are they both annoying?" His thoughts screamed. Niyaya niya si Pabio na sundan ang mga ito

Kaagad na hinanap ni Cristiano sina Philip ng marating nila ang Bellini, nadismaya siya ng hindi niya makita ang mga ito, palabas na sana siya ng restaurant ng mabangga ng isang nagmamadaling babae. Gayun nalang ang gulat ni Cristiano ng makilala ang babae, nanlaki rin ang mata ng isa ng mamukhaan siya.

"Nympha? Is that you?" hindi makapaniwalang sambit ni Cristiano. Hindi pa rin nagbago ang itsura nito pagkatapos ang sampung taon na hindi sila nagkita.

"Yes, it's me Cris! It's been so long!" sumilay ang mapuputing ngipin nito. Niyakap siya nito, hindi niya alam kung yayapusin din niya ito. Sa ganoong eksena sila naabutan nina Philip nang pumasok ang mga ito ng Bellini.

Hindi malaman ni Luisse ang mararamdaman nang makita si Cristiano na may kayakap na babae, napakaganda ng babaeng kayakap nito, halos humabol ito sa tangkad ni Cristiano at napakasopistikadang manamit, napuno rin ng kolorete ang maamo nitong mukha. Gusto niyang manliit sa sarili ng mga sandaling iyon. Yumuko siya upang itago ang disgusto sa nakikita.

"Look who's here!" nagulat pa si Luisse ng magsalita si Philip na nasa likod niya. Humiwalay si Cristiano sa yakap ni Nympha at nagtama ang mga mata nila ni Luisse.

"Ipakilala mo naman ako sa kaibigan mo Kuya!" wika ni Philip ng makalapit sa mga ito. Laking pasalamat ni Luisse ng tumunog ang cellphone niya at nakitang tumatawag si Mr. Esteban.

"I want you to meet Nympha, an old friend!" may halong diin ang huling salitang binanggit ni Cristiano, yun ang huling narinig ni Luisse bago siya lumabas upang sagutin ang Tito Franklin niya. "Old friend lang, may pag-asa ka pa!" sigaw ng konsensya niya sa utak. Pinilit niyang alisin ang mga boses na iyon sa isipan at kaagad na sinagot ang tawag.

"Tito Frank, good evening po! We are having a great time here, I heard good feedbacks and hoping for the best results tomorrow!" pinilit niyang gawing masaya ang boses upang hindi mahalata ng Tito Franklin niya ang totoong nangyayari, ikinumusta niya ang mama niya nang magpaalam na ito. "Ay Kabayo!" tili niya ng mabungaran si Cristiano na nasa harapan niya ngayon.

"First you call me Mr. Wild Pig and now kabayo? Ano pang sunod? A good feedback isn't it?" He smirked. Kaagad namang nainis si Luisse sa tinuran ni Cristiano.

"First, you deserve to be called such name, and maybe you don't know how bad you are, Eavesdropper!" pahasik niyang sagot dito. Tinalikuran niya ito ngunit kaagad siyang hinila nito pabalik, nanginig ang buong katawan niya ng maramdaman ang kamay nito sa braso niya.

"Why are you so stubborn? Aren't you afraid I might not choose your corporation to tie up with us? Hindi mo ba alam na ikaw ang rason why I'm using this cane?" He muttered.

"Mr. Saavedra this is how I react to people who insults me emotionally, I've said sorry already, pero hindi niyo iyon pinansin, wala po akong magagawa kung hindi niyo pipiliin ang Golden foods, I hope you don't get it wrong but if I will become a CEO someday, hindi ako titingin sa kahinaan ng kompanyang nasasakupan ko, I will focus on it's strong points instead and in that case matutulungan ko itong umangat at maging successful! I hope this explains everything and don't eavesdrop again!" mahaba niyang sambit dito, nilagyan pa niya ng diin ang huling sinabi at tumakbo siya pabalik sa restaurant.

Meeting Mr. BrutifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon