Isang magarang kasalan nina Luisse at Cristiano ang idinaos sa Basilica Minore Del España Madrid. Nandoon lahat ang mga mahal nila sa buhay. Lalo na ang kanilang mga anak na nagsilbing flower girl at ring bearer. Wala ng mahihiling pa si Luisse dahil naging maayos na ang lahat. Bukas loob na tinanggap ng papa niya si Cristiano na matagal ng kaibigan nito. Masaya na rin siya para kina Philip at Reina dahil nagkausap at nagkaayos na ang mga ito. Nagpaubaya din ang mga ito na paunahin silang makasal ni Cristiano. Nakarating din sa kasal niya si Ayumi na nagsilbing Maid of Honor. Masaya din ang mga magulang ni Cristiano dahil sa wakas ay nakanap rin ito ng makakatuwang sa buhay. Nakilala niya ang pamilya ng Saavedra ng pumunta ang mga ito sa Geneva upang mamanhikan sa kanila. Naging magiliw ang pagtanggap nito sa kanya lalo na sa anak nila. They were the ones who convinced them to get married right away. Nandoon din sina Mr. Esteban at Annalisse na tuwang tuwa sa kinahinatnan ng buhay pagibig niya.
Umingay ang buong simbahan ng matapos ang kasal at kaagad siyang hinalikan ni Cristiano ng matagal. "I love you so much my wife!" bulong nito sa kanya. "I love you more, my everything!" ganti niyang sabi dito. Hinagkan niyang muli ang katipan. Tinugon naman nito ang halik niya.
Idinaos ang reception ng kanilang kasal sa Hacienda Saavedra. Halos mapagod si Luisse ng matapos ang kasiyahan ng gabing iyon. Nauna na siyang pumasok sa kwarto nila ng asawa. Nagtulog tulugan siya ng maramdamang pumasok ng kwarto si Cristiano. Narinig niya ang pagbukas ng shower. Maya maya pay narinig niyang lumabas na ito ng banyo.
Hindi niya malaman ang mararamdaman ng mga oras na iyon. Halos manginig si Luisse nang tumabi si Cristiano.
"Are you feeling cold?" wika ni Cristiano ng yakapin siya nito.
"No!" nahihiyang bulong niya. Sumiksik siya sa katawan nito. "Okay sweetheart sleep tight and let's save your energy for tomorrow!" nakangiting turan nito pagkatapos hagkan ang labi ng asawa. Patuloy niya itong niyakap hanggang sa dalawin sila ng antok.
Maaga pa lang ay nagising na si Luisse. Nakatakda silang umalis ngayon para sa kanilang honeymoon sa isla ng Maldives. Inilibot muna siya ni Cristiano sa buong mansion ng magising na rin ito. Namangha talaga siya ng sobra sa ganda at lawak ng nasasakupang lupain nito. Dinala siya ni Cristiano sa dati nitong silid noong ito'y naguuwian pa sa poder ng mga magulang. Bagaman antigo ang mga gamit doon ay napanatili naman ang kalinisan ng mga iyon. Kaagad niyang tiningnan ang mga lumang litrato nito. Nahagip ng mata niya ang isang larawan na kuha mula sa Eiffel Tower sa bansa ng Paris.
"Hey, baby!" kaagad niyang hinalikan ang asawa dahil sa sobrang saya. Nagulat pa si Cristiano sa tinuran ng katipan. Kinuha niya dito ang larawang hawak at namangha siya sa nakita. The picture was taken when he was 25 years old. Nakaupo si Cristiano sa dulong bahagi ng bench. Nakaupo rin si Luisse na nasa katabing bench. Kasama nito si Annalisse at isang matandang babae na kinukuhaan ng photographer.
"Destiny might have brought us together my love! You are so beautiful way back then!" binigyan niya ito ng halik at yakap.
"Love is our true destiny Cristiano; I do not find my life with myself alone, I find it with you! I love you darling!" ganting yakap niya dito.
"I love you more, my love!" he sealed her lips with a kiss.
BINABASA MO ANG
Meeting Mr. Brutiful
Romance"You have a lot of things to explain and I want you to stay!" basag ni Cristiano sa katahimikan ng kwarto habang pinipigilan si Luisse sa pagbibihis. "Why would I listen to someone who only sees me as a hooker?" sigaw niya dito. "Ang tanga ko ta...