Kylie's POV
Pumunta na sina Vince at King Liam sa Ivaris Kingdom upang simulan ng pabagsakin si Alfonso
At syempre, gaya ng plano, binabantayan namin ngayon itong amaranth kingdom baka nga kasi may sasalakay dito ng di namin nalalaman
Si Yami at Rosalyn ang nagbabantay sa bawat sulok ng palasyo, habang sina manong manggagamot at Prince eh naglilibot dito sa buong amaranth kingdom
At ako naman nandito lang sa labas ng palasyo at tumitingin tingin sa mga dumadaan baka kasi may makita akong kahina hinala, mahirap na baka salakayin na lang bigla tong palasyo
So far wala namang nangyayaring masama, kaso kasi hindi ako pwedeng umalis dito sa pwesto ko, pero talagang gusto ko ng kumuha ng upuan huhu nangangalay na kasi ako sa kakatayo dito atsaka di ko rin naman matatawag sina rosalyn kasi sa laki ba naman ng palasyo syempre di ako maririnig ng mga yun
kaya no choice tiis tiis na lang.....
Hindi ko na talaga kayaaaaa!! Gusto ko ng umupo!! Bahala na papasok na talaga ako ng palasyo at kukuha ng upuan total kukuha lang namin eh di naman ako maglilibot sa loob
pumasok na nga ako ng palasyo at naghanap ng upuan yung upuang kaya kong dalhin palabas
hanap doon hanap dito, wala talaga huhuhu pulos mga malalaki at mabibigat lang ang mga upuan dito huhu sakit na ng paa ko!!
Dahil sa wala akong makita na upuan na kaya kong dalhin palabas eh lumabas na lang ako at umupo sa sahig kahit maalikabok as long as pwede kong maupuan!!
"lalalala🎶 lalala🎶 lala🎶 la🎶"-kumakanta na lang ako dito habang walang ibang magawa kundi tingnan ang mga dumadaan
napahinto na lang ako bigla sa pagkanta ng makita ko yung babaeng kasama ni alfonso yung nag iiba ang anyo kaso isang kurap ko lang sa mata ko eh bigla na lang syang nawala
kaya naman tumayo ako at tiningnan kung saan sya patungo kaso wala sya dun kaya naman bumalik na lang ako sa pwesto ko
baka naman guni guni ko lang yun? tama guni guni ko lang yun
Alfonso's POV
"Oh ano nang balita sa Amaranth shape shift??"-tanong ko
"Sa ngayon yung mga kaibigan nung vince ay ang nagbabantay ng buong amaranth kingdom"-sagot nya
"kung ganun, maaari natin silang hulihin at pahirapan katulad ng ginagawa natin ngayon kay almira ng sa ganun mas mapapadali ang pagpunta ni king liam dito sa ivaris at mas mapapadali ko syang mapapabagsak!"-ngiting sabi ko
at pag nangyari yun ako na ang maghahari ng amaranth kingdom at mapapasakamay ko na rin ang pinakamakapangyarihang kwentas at wala ng kahit sino man ang makakatalo sa akin!!
"ngayon, gusto ko na hulihin mo na ngayon ang lahat ng nagbabantay sa amaranth kingdom!"-sigaw ko
"masusunod master kung yan ang gusto nyo"-sabi nya at nagbow at umalis na din
hahaha ito na talaga! malapit ko ng makamit ang mga pinapangarap ko!! hahaha
tawa lang ako ng tawa dito sa aking trono ng may biglang pumasok na lalaki at sumigaw bigla
"hoy alfonso!!"-galit nyang sigaw sa akin
sa wakas nagharap na rin kaming muli
"oh nandito ka pala king liam, anong maipaglilingkod ko sayo aking kapatid?"-sabi ko sa kanya at nilapitan sya
"nasaan ang asawa ko!!"-galit na sigaw nya sa akin
"oh yung asawa mo? naku! nahihirapan na ata yung huminga----"-hindi natuloy yung sasabihin ko ng bigla nyang hinawakan ng mahigpit ang kwelyo ko at tiningnan nya ako na galit na galit
hala sige magalit ka lang dahil yan ang magiging dahilan ng pagbagsak mo!
"hayop ka!!!"-sigaw na naman nya
"bakit? Sino bang may sabi sayo na hindi?"-sarkastiko kong sabi
"argh!"-galit na binitawan nya ako
sinaayus ko muna ang nagusutan nyang suot ko at pagkatapos ay tinitigan ko sya
"hindi mo ako mapapabagsak alfonso"-mahinahon ngunit may galit pa ring sabi nya
"ahh talaga ba? e sa nakikita ko ngayon eh ikaw na lang mag isa ang lumalaban"-ako
"ahh talaga din ba? huh alfonso?"-siya
pagkasabi nyang yun eh napakunot na lang ang noo ko, ibig bang sabihin hindi sya nag iisang pumunta dito?
Bigla na lang may narinig akong sumabog sa itaas. Nak ng!! Di nga sya nag iisa!!
pupunta na sana ako dun sa itaas ng bigla akong harangan ni liam
"ah ah, hindi pa tayo tapos alfonso!"-liam
kainis na tong tao na to! kaya naman naglabas ako ng kapangyarihan at ibinato iyun sa kanya
Akala ko tinamaan ko sya yun pala may shield sya! paano nya nagawang makabuo ng shield ng ilang saglit lang?! ako nga aabutin pa ng ilang oras bago makabuo ng shield
"oh ano alfonso? baka nakakalimutan mo na tunay na HARI ang katapat mo ngayon samantalang ikaw ay tinalaga ka lang na maging hari nitong ivaris!"-sabi nya na ngiting ngiti pa na ikinagalit ko
oo tinalaga lang akong maging hari nitong ivaris ng dating hari dito, ibig sabihin hindi ako makapangyarihan kaya nga gustong gusto kong makuha ang kwentas para ako na ang pinakamakapangyarihan sa lahat!! Kaso nga lang naunahan ako ng king liam na ito na makuha ang kwentas!! kaya ako naghihirap ng ganito!!
"hindi ko nakalimutan liam na hari ka pero wag kang pakasisiguro dahil pababagsakin talaga kita ngayon!!"-ako
Naglabas na naman ako ng kapangyarihan ngunit mas matindi ito kumpara sa nauna
ititira ko na sana iyon sa kanya ng tinamaan ako ng kanyang kapangyarihan na nagdulot upang matumba ako sa sahig!
"Yan lang ba ang kaya mo alfonso? tayo! Tumayo ka!"-siya
hindi ko na napigilan at pinagtitira ko na siya ng kapangyarihan ko. Hmm!! tingnan natin ngayon king liam kung sino sa atin ngayon ang matatalo!!
habang tinitira ko si king liam gamit ang kapangyarihan ko eh bigla na lang may tumira sa likod ko na nagdulot upang makadapa ako sa sahig
lumapit sila sa akin, titingnan ko sana yung mukha ng tumira sa likod ko ngunit di ko maiangat ang ulo ko
naramdaman ko na lang na kinaladkad na nila ako palabas ng palasyo! mga bwesit sila!! kapag ako nakagalaw na, gagantihan ko tong mga to!!
sinakay nila ako sa isang karwahe at doon everything went black.....
BINABASA MO ANG
Prince Of Other World [Published Under Dreame]
Fantasía[Published Under Dreame] May isang mundo na puno ng magic at ang mga nakatira dun ay mga tao ngunit sila ay may kapangyarihan at immortal din sila..... Ngunit may sumalakay sa mundong yun dahil lang sa isang kwentas na napakapangyarihan sa lahat at...