Chapter 20

275 20 0
                                    

Alfonso's POV

Nakakainis na itong nangyayari !! Lagi na lang pumapalpak! Nung una nakuha ko nga yung anak ni liam pero nakatakas naman!

Oo tama, ako ang nagdala kay vince dito sa ivaris kingdom at ikinulong sya at ako rin ang nagkulong sa kanyang ama.

pangalawa, magiging akin na sana ang amaranth kingdom kung hindi lang nakatakas yung mag ama na yun sa kulungan! at pangatlo, ngayon na malapit ng maayos itong ivaris tsaka naman nabuo ang pamilya nila! at sigurado ako na maghihiganti yung mga yun sa nagawa ko sa anak nila

buti nga at tinamaan ko yung anak nila at sana hindi na yun magising para pati sila magdusa!!

kaya liam, almira at vince humanda kayo dahil mas matindi pa ang gagawin ko sa inyo at pag napagtagumpayan ko, kukunin ko ang kwentas na napakapangyarihan na nasa inyo at ako na rin ang mamumuno ng amaranth at ivaris kingdom!!

kaya pasensyahan na lang dahil mas matindi na ngayon ang gagawin ko! ha ha ha ha :/



Kylie's POV

Tatlong araw na ang nakalipas pero ganun pa rin, hindi pa rin nagigising si vince pero salamat sa diyos at si rosalyn nagising na sya kahapon, yun nga lang hindi sya gaanong umiimik at yun ang hindi namin alam

Sa ngayon nagbabasa ng libro si rosalyn ng tahimik kaya naman nilapitan ko sya at kinausap samantalang sina prince at yami ayun naglilinis sa labas at oo nandito pa rin kami kina manong manggagamot

"hi rosalyn ^_^ anong binabasa mo?"-ngiting tanong ko

"libro"-sagot lang nya habang nasa libro pa rin nakatingin

-_- haysss hindi nga umiimik pilosopa naman! batukan ko kaya?! tsk

"hehe alam ko yun, ang ibig kong sabihin eh anong title?"-ako

"prince of other world"-sagot nya

ahh yun naman pala eh... wait what?!

"meron pa lang prince of other world book dito?!"-gulat na sabi ko

"oo"-rosalyn

-_- nakakainis naman tong kausap ko makaalis na nga

tatayo na sana ako ng makita ko yung isang libro na nasa kabilang gilid ni rosalyn na nakapatong sa lamesa kaya naman kinuha ko

ang title din pala ay prince of other world kaya binasa ko din

yung first chapter ay boring pa pero nung sa pangalawa na eh ginanahan na akong magbasa eh kasi yung sina king liam at reyna almira ay pinadala nila yung anak nila sa pla---- wait wait wait

binasa ko itong libro hanggang sa huling pahina at bakit ganun? Bakit parang tugma itong lahat sa naranasan ni vince nung una? diba nga si vince pinadala din sa planetang earth tapos yung tunay na mga magulang ni vince ay sina queen almira at king liam tas si vince ay si liam the 2nd tapos yung alfonso naman dito sa libro ay ginawang pansamantalang hari at ganun din yung nagawa ni king liam diba? ginawa rin nyang pansamantalang hari si alfonso? so ibigsabihin ba nito eh ang gumawa nitong libro sina queen almira?

kung ganun, pano napunta tong libro sa earth? at pano napunta tong libro sa mga national bookstores?!

Hmmm tanungin ko na lang sina queen almira pagnakabalik na sila

Matapos kung mag isip ng lahat ng yun ay tiningnan ko si rosalyn kaso wala na pala sya sa tabi ko -_-

galing ako lang pala ang nakatunganga rito tsk tsk -_-

tumayo na ako at lalabas na sana para puntahan sina yami kaso nasa pinto na pala ang dalawa at nagtatawanan pa kaya kinalabit ko sila sa balikat

"hoy, anong pinagtatawanan nyo?"-tanong ko

"hahaha wala hahaha basta hahaha"-si prince yan habang tumatawa at hawak ang tyan

tsk nabaliw na

"tama ka dyan prince!! nakakatawa talaga !! Hahaha yung mukha nya talaga hahaha"-mangiyak ngiyak na tawa pa rin ni yami

tsk ano kayang pinagtatatawa nitong mga to? baliw na ata eh atsaka nasan na si rosalyn?!

"oii guys nakita nyo si rosalyn?"-tanong ko pero tawa parin sila ng tawa

"nakakatawa talaga ang mukha ni kylie nakanganga ang bibig!! Ang sarap picturan!! sayang hindi ko dala ang cp ko! hahaha"-prince

"oo nga!! Hahaha"-yami

Ahh..so ako pala ang pinagtatawanan nila kanina pa?!! batukan ko nga!

at binatukan ko talaga!!

"aray kylie!!"-sigaw nilang dalawa

"oh ano? Pagtatawanan nyo pa ako?!"-sigaw ko sa kanila

"sorry na hindi na hahaha"-sila

hindi daw? eh pinagtatawanan pa rin ako tsk bahala sila

umalis na lang ako at hinanap sa kung saan si rosalyn

Ilang oras na akong naghahanap sa kanya pero hindi ko talaga sya nakita kaya bumalik na lang ako

Pag balik ko eh nandun na pala si rosalyn at silang lahat ay kumakain na! kainis hindi man lang nila ako hinanap o hinintay man lang tsk

"oh nandito ka na pala iha, 'lika umupo ka na at kumain"-sabi ni manong manggagamot na sinunod ko naman

"oii bat ganyan ang mukha mo?"-tanong sakin ni prince

"tsk! wala ka na dun!!"-pagtataray ko sabay salampak ng kanin sa bibig ko

"taray naman neto"-yami

paki nyo ba?! eh sa di nyo ko hinintay eh?! kumakain na pala kayo tsk! at to namang rosalyn na to umaalis nang hindi nagpapaalam!! yan tuloy nahirapan akong maghanap!! sa susunod kapag aalis sila,vhindi ko na sila hahanapin! bahala sila tsk!!

ilang saglit pa ay natapos na kaming kumain at ako na yung naghugas ng pinagkainan namin

habang naghuhugas ako ay narinig ko silang nagsisigawan

ano kayang nangyayari sa kanila?!!

Dali dali kong tinapos ang pinanghugasan ko at pagkatapos ay tiningnan ko sila kung ano na nangyari sa kanila

Laking gulat ko ng makita sila

Hala anong nangyari?! Bat ganito?! Napatakip na lang ako ng bibig at napaupo sa nakita ko

Hindi to totoo!!

"Hindiiiiii!!!!!!"-sigaw ko na nangingiyak at may halong takot at nginig ang nadarama

Prince Of Other World [Published Under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon