Chapter 11

582 41 0
                                    

Kylie's POV

Ilang days ng hindi pumapasok ng school si vince at habang hindi sya pumapasok panay naman palosot ko sa advisers namin at panay din ang pagpunta ko ng office para lamang mag palusot kung bakit absent lagi si vince

at ngayon nandito nanaman ako sa office ng teacher namin at again yun nanaman hayzzz

"Ano na ba kasing nangyayari dyan kay vince bat lagi syang absent?kasi kung bukas aabsent pa sya wala na akong magagawa kundi e drop sya"-teacher

"ah ma'am kasi po ang totoo po nyan sinabi nya sakin na aabsent po sya ng isang bwan at ako na po daw bahala na magsabi sa inyo kaya panay po ang palusot ko sa inyo pasensya na po"-pagsasabi ko ng totoo.eh kasi naman eh wala na akong ibang masasabi kundi kung anong sinabi sakin ni vince.

"eh alam mo ba kung anong rason nya kung bakit sya absent ng absent?"-tanong ng adviser ko

"hindi po.tinawagan ko na nga sya pero hindi nya pa rin sinasabi sa akin kung bakit"-ako

"ok ganito,tawagan mo ulit sya ngayon at kakausapin ko"-teacher

wala na lang akong nagawa kundi kunin ang phone ko na nasa bag at tinawagan si vince

~ring ring ring~

pangatlong ulit ko na syang tinatawagan pero di pa rin nya sinasagot

"ma'am ayaw po nyang sagutin"-ako

"ok pahingi na lang ng no. nya at ako na ang tatawag"-teacher

at binigay ko naman ang no. ni vince sa kanya.nako vince pasensya na mukhang hindi yata sya makaka absent ng isang bwan

tintawagan na sya ngayon ni ma'am at mukhang sinagot naman nya to

"hello vince kapag bukas di ka pa papasok wala na akong magagawa kundi e drop ka at isa pa kung papasok ka na kailangan mong bumawi sa grades mo kasi napakababa at explain to me kung bat absent ka ng absent"-teacher.pagtapos nun ay in off na ni teacher yung phone nya

"sige makakaalis ka na Ms.Lesser thank you"-teacher

at tuluyan na nga akong umalis dun sa office at pumunta na ng room

pagpasok ko pa lang ay agad akong hinarangan ng tatlo kong kaklaseng lalaki

"hahaha siguro nahihiya na yung kaibigan mong si vince na pumasok e kasi nga alien!! hahaha"-panunukso ng lalaki kong kaklase

"oo nga!!"-sigaw naman ng dalawang lalaking kasama nya

bwesit to! kakapasok ko pa lang ito na madadatnan ko!e ano naman kung nahihiya si vince? di naman ibigsabihin nun e ayaw na nyang pumasok.di ba pwedeng baka may inaasikaso lang sya?!

"eh ano naman?! paki nyo ba?!"-sigaw ko

"syempre may pakialam kami baka kasi dalhin nya kami sa ibang planeta! kasi nga alien sya! hahaha"-sabat naman ni ashley na kaklase ko

aaaarrrrrggggh!! tawagin pa nilang alien si vince baka kung anong gawin ko na sa kanila

"hala nagalit nyo sya baka tawagin na nya yung kaibigan nyang alien! natatakot na ako"-sigaw pa nung isa ko pang kaklase sabay acting acting pang natatakot

at ito namang mga kaklase ko nagsitawanan!! kaya lumabas na lang ako ng classroom kasi nakaka alburoto ng isip eh

at dahil hindi pa naman uwian e tumambay muna ako sa garden.wala naman kasi masyadong tao kaya sa garden ako tumambay at umupo sa isa sa mga benches doon

hayzzz wala na ba talagang mangyayaring maganda ngayong araw na to?

at bakit pa kasi nangyari yung pagsabog na hindi naman pagsabog? ah basta ang gulo nun eh.atsaka di naman yun kapanipaniwala. isang puti na unti unting lumalaki at sumabog at nanggaling kay vince? imposible naman yun

ah basta.di ako naniniwala na alien sya.sa tinagal tagal na naming magkakilala e dapat noon pa alam ko na na may kakaiba sa kanya pero wala e tsk.

at dahil wala na rin naman akong magawa dito e tumayo na lang ako at nagpuntang canteen para sana bumili kaso nahagilap ng mata ko yung nagtitinda sa amin, yung babaeng laging hinahanap ang pangalang liam jr. at naglilinis pa siya.siguro janetress sya dito

nilapitan ko sya at kinausap

"ahm hi po,diba kayo yung nagtitinda malapit sa amin?"-tanong ko

"oo ako nga iha bakit?"-siya

"ah kasi nagtataka po kasi ako kung bat nyo hinahanap ang nagngangalang liam jr. pero di naman po sa nangingialam ah?pero sino po ba sya? baka kasi kilala ko o baka naman matulungan ko kayo sa paghahanap sa kanya"-sabi ko

"di mo na kailangan pang malaman, kilala mo na sya.sige iha, dyan ka na, marami pa akong lilinisin"-sabi nya sakin at umalis na sya sa harap ko

ano sabi nya? kilala ko yung hinahanap nyang liam jr.? tss imposible naman yun wala akong kilalang liam jr eh

hayzzzz baka nababaliw na yung babaeng yun

bumili na lang ako ng pagkain sa canteen pagkatapos ay pumwesto ako sa bakanteng lamesa sa dulo at kumain

habang kumakain ako ay bigla na lang nag ring ang phone ko.tiningnan ko kung sino ang tumawag at si vince lang pala

sinagot ko naman agad ito

"hellow vince? alam mo bang hinahanap ka na ng advi------"-sabi ko pero bigla na lang sumingit si vince

"kylie may kailangan kang malaman tungkol sakin puntahan mo ko dito sa bahay pagkatapos ng klase.importante lang"-vince

pagkatapos nyang sinabi yun ay binabaan nya agad ako ng telepono

ano naman kaya ang sasabihin nyang importante sakin? nakaka curios ka na vince ha?

Prince Of Other World [Published Under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon