Vince' POV
Nagising ako ng maaga dahil siguro napakasaya ko dahil pinapansin na ulit ako ni kylie. At nga pala nasabi ko na sa kanilang lahat kung ano yung laman ng sulat na para sa akin
Nawala yung ngiti ko ngayon dahil sa narinig kong pinag uusapan nina yami, prince at rosalyn habang sila ay kumakain
"alam nyo di talaga pwedeng magkatuluyan sina kylie at vince eh"-sabi pa ni yami sa dalawa
"huh? bakit naman? eh ang sweet nga nung dalawa eh"-sabi ni rosalyn
"Alam mo yami, tama ka"-prince tas napatango pa
"eh bakit nga kasi di sila pwedeng magkatuluyan?!"-rosalyn
"ganito kasi yun.. diba nga ang ama ni vince atsaka si alfonso ay magkapatid? tapos nalaman natin na si kylie ay anak ni alfonso. So ano? di mo pa rin ba gets?"-yami
Parang nadurog ang puso ko sa narinig ko mula kay yami
Tama sya.. Bat ba di ko agad naisip yun?!
Paano na kami ni kylie?? magbebreak na lang ba kami dahil nga sa.....
Haysss Di ko namalayan tumulo na ang mga luha ko sa pisngi ko
Gusto ko ngayong mapag isa. Grabe sobrang sakit nitong nararamdaman ko sobra talagang sakiiiit!!!!!
Yami's POV
"ganito kasi yun.. diba nga ang ama ni vince atsaka si alfonso ay magkapatid? tapos nalaman natin na si kylie ay anak ni alfonso. So ano? di mo pa rin ba gets?"-Pag eexplain ko kay rosalyn
"oo nga noh? di sila pwedeng magkatuluyan dahil magpinsan si----"-naputol ang pagsasalita ni rosalyn ng biglang lumabas si vince mula sa kusina at dumiretsyo palabas din ng bahay
Halatang kakatapos lang ni vince maghilamos dahil basa pa yung mukha nya at halata din na sobrang lungkot nya ngayon
"luh? anyare dun?"-prince
"hala. Narinig ata tayo"-ako
"narinig nga tayo. Kasi kung di tayo narinig nun malamang binati na tayo ng magandang umaga nun"-prince
"well yeah. Hayaan na lang natin sya. Atleast ngayon alam na nya na di sila pwede sa isa't isa ni kylie"-ako
Wala ng umimik sa amin at nagpatuloy na lang kami sa pag kain
Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa dalawa para pumunta na ng school
Saktong pag upo ko sa upuan ko ay kakarating lang din ng prof. ko at nagsimula na nga syang magturo
Whole day classes ko wala akong naintindihan. Ewan ko ba, siguro talagang wala lang talaga akong ganang mag aral ngayon
Papalabas na sana ako ng gate dahil nga tapos na yung klase ko ng may lalaking nakamaskara ang humarang sa harap ko
"hoy! kung ano man yang trip mo ngayon, pwes wag ako ang pagtripan mo! atsaka pwede ba wag kang humarang dyan sa daan!"-sabi ko sa lalaking nasa harap ko at aakma ko sana syang itulak ng mahawakan nya ang kamay ko ng napakahigpit
BINABASA MO ANG
Prince Of Other World [Published Under Dreame]
Fantasy[Published Under Dreame] May isang mundo na puno ng magic at ang mga nakatira dun ay mga tao ngunit sila ay may kapangyarihan at immortal din sila..... Ngunit may sumalakay sa mundong yun dahil lang sa isang kwentas na napakapangyarihan sa lahat at...
![Prince Of Other World [Published Under Dreame]](https://img.wattpad.com/cover/109662775-64-k606740.jpg)