Chapter 18

346 22 0
                                    

Queen Almira's POV

Nag-iisip ako kung pano makatakas dito sa madilim at masikip na lugar na to. Kung gamitin ko kaya ang kapangyarihan ko?

Oo tama baka pag ginamit ko ang kapangyarihan ko baka makaalis na ako dito at mahanap yung iba pang kinuha ni alfonso

At pagnangyari na yun, humanda ka alfonso maghihiganti ako sayo

Tinaas ko ang dalawang kamay ko at iniharap sa pintoan. Naglabas ako ng kapangyarihang kayang magpabukas ng kahit anong nakasarado

"Aloha mora!"-pagsigaw ko ng spell na yun ay bumukas ang pinto at lumabas na ako

Hinanap ko agad ang iba pang binihag ni alfonso, base sa paglilibot ko sa lugar na to ay mukha itong abandonadong lugar at nakakasiguro ako na itong lugar na to ay wala sa amaranth kingdom so ibigsabihin nasa ibang lugar ako at yun ang kailangan kong alamin

maya maya lang may narinig akong boses na sumisigaw

"tulong! tulong! palabasin nyo ko dito!"

mukhang boses yun ni veronica. Agad ko namang pinuntahan kung saan nagmumula yung boses kaya lang pagpunta ko ang daming mga pintong nakasarado

inisa isa kong binuksan ang mga pinto hanggang sa nabuksan ko na rin yung pinto kung saan nakakulong si veronica at ang iba pang tauhan ng amaranth kingdom

"dali na, lumabas na kayo dyan"-utos ko sa kanila at sinunod naman nila

"Queen Almira, paano na tayo makakabalik nito?"-pag aalalang tanong ng isang maid ng amaranth

"wag kayong mag alala, nandito ako at ibabalik ko kayo ng amaranth kingdom maliban sayo veronica"-sabi ko

"bakit?"-takang tanong ni veronica

"hindi kita dadalhin sa amaranth kingdom, sa halip ibabalik kita kung saan ka nakatira para ng sa ganun ligtas ka"-sagot ko

"pero sila, di rin naman sila ligtas atsaka gusto ko pang makita si vince baka nandun lang sya sa amaranth kingdom"-veronica

ngumiti muna ako sa kanya at nagsalita "oo di rin sila ligtas pero kaya nilang protektahan ang sarili nila dahil may kapangyarihan sila at ikaw wala at kung nag aalala ka kay vince, pangako poprotektahan ko sya pagnagkita na kami at pagnatapos na namin yung mga kalaban dadalaw ako sayo kasama si vince"-sabi ko sa kanya

"sige, pangako mo yan ha? at aasahan ko yan"-veronica

"ngayon ibabalik ko na kayo"-sabi ko at naglabas ako ng kapangyarihan para ibalik sila.

Una kong binalik si veronica sa planetang earth pagkatapos ay kami naman ng tauhan ang bumalik ng amaranth kingdom

pag apak na pag apak ko palang ng amaranth kingdom ay nakita ko sina kylie sa labas at nakatingin lang sa palasyo

Nilapitan ko sila

"kylie, bat kayo nandito?"-tanong ko ngunit wala ni isa sa kanila ang sumagot

tumingin ako sa palasyo at nakita ko na may umiilaw at may malakas na pagsabog ang narinig ko

kumunot ang noo ko at nagtaka kung anong nangyayari sa loob. Papasok na sana ako ng palasyo para malaman kung anong nangyayari ng biglang sumigaw si yami

Prince Of Other World [Published Under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon