Queen Almira's POV
Hinahanap na namin ngayon ang rosinda dito sa gubat
Habang naglalakad kami, bigla na lang may tumakip sa ilong ko ng kung anong mabaho
magpupumiglas na sana ako ng bigla akong hinigit ng isang maitim na lalaki na sya namang nagtakip sa akin ng mabahong amoy
hindi nagtagal ay unti unting lumalabo yung paningin ko
basta ang huli ko na lang nakita ay ang likod ng asawa ko pagkatapos ay nakatulog na ako...
Nagising na lang ako sa isang kwarto at nakagapos pa ang dalawa kong kamay paitaas
bwesit!! kung sino man ang may gawa sakin nito, gagantihan ko sya!!
pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa pagkakatali kaso ayaw talagang matanggal!!
ginawa ko na lahat ng magagawa ko para lang makaalis kaso ayaw talaga e
"aaaarggghhhh!!"-napasigaw na lang ako sa galit
ngayon...ano na ang gagawin ko?!
King Liam's POV
kailangan ko ng kumilos ngayon, sakin nakasalalay ang buhay ng asawa at anak ko
kung hindi ko maibibigay itong rosinda sa manggagamot baka hindi ko na maililigtas si vince at kung maibigay ko man, yung asawa ko naman ang mapapahamak
kainis naman!! sinong uunahin ko?!
bahala na to!
lumabas na ako ng gubat at sumakay na ng karwahe
Kylie's POV
si-si rosalyn, yami, prince, at si manong manggagamot, lahat sila nakahilata sa sahig
anong gagawin ko?!
inisa isa ko silang ginising kaso wala, hindi sila magising!!
pati si vince pinipilit ko ring gisingin pero ganun pa rin e
humahagolgol na ako ngayon ng iyak
e kasi naman wala na akong magawa at hindi ko rin alam kung anong gagawin!!
gabi na ganito pa rin sila!! si vince bukas na ang last chance nyang mabuhay!! Sana umabot sina queen Almira sa tamang oras!
umiyak na lang ako ng umiyak dito hanggang sa bigla na lang bumukas ang pinto
napatayo na lang ako bigla sa kung sino ang nakita ko
Alfonso's POV
"hahaha sigurado na ako ngayon na mas nahihirapan na ngayon ang hari ng amaranth"-sabi ko
"tama kayo dyan master, mas nahihirapan na ngayon ang hari ng amaranth lalo na at sya na lang ngayon mag isa ang kumikilos para mailigtas ang dalawa nyang pinakamamahal"-tuwang tuwang sabi ni shape shifter yung babaeng lagi kong kasama
"oo at ngayon yung reyna pahihirapan natin sya hanggang sya ay mamatay! at sisimulan mo na yun ngayon!"-ako
"masusunod master"-sabi nya at yumuko sa harap ko at umalis
"tingnan natin ngayon ang simula ng pagbagsak nyo liam hahaha"-sarkastiko kong sabi sa sarili ko sabay higop ng kape na nasa mesa
this is now my revenge!!
BINABASA MO ANG
Prince Of Other World [Published Under Dreame]
Fantasi[Published Under Dreame] May isang mundo na puno ng magic at ang mga nakatira dun ay mga tao ngunit sila ay may kapangyarihan at immortal din sila..... Ngunit may sumalakay sa mundong yun dahil lang sa isang kwentas na napakapangyarihan sa lahat at...