"Andrew, pasa mo dito kay Yap, ikaw naman Yap, lusutan mo tong #5 na to saka mo shoot pag ayos, pero pag hindi, Andrew ikaw ang tumakbo rito para shoot na. Okay? Last 1 minute, pag lumamang tayo dito at least 4 points ibig sabihin kayang-kaya pa rin natin silang matalo. Okay team, let's fight."
"Teamwork, dreamwork, fight!" Sumigaw ako at sumigaw rin ang team. Yun na ang huling sabi sa amin ni coach sa game na to, kaya dapat ayusin na namin.
"Kunin mo na yan, Pendleton!" Sigaw ng coach namin.
And, I got the ball. Tumakbo ako para ipasa kay Yap, at buti na lang walang nagbabantay sa kanya kaya shoot agad.
"Wag kalimutan ang depensa!" Sigaw ni coach.
Binantayan ko yung #9, alam kong naghahanap siya ng bakante pero medyo malayo ang mga teammates niya at kami ang malapit sa ring, pagdribble niya ay binangga ako kaya bumagsak ako ng patagilid.
Pumito ang referee. "Charging! Lima na ang foul niyo. Pendleton, 2 free throws."
Nag-cheer ng malakas and mga estudyante ng Harell. Sandali akong lumingon sa kung saan sila mga nakaupo. Napadalawang beses na lingon ako nang makita ko si.. Eleanor?!Shit, hindi ako pwedeng mawala sa focus!
Pumosisyon na ako para sa free throw.
Medyo nanginginig pa ako pero huminga ako ng malalim. Eleanor, if you're really there, this shot is for you.
"Add 1 point to Harell University! Courtesy of Harell's very own Andrew Pendleton, the Captain!"
Thank God!Lumingon ako ulit at naroon nga siyang nakangiti at pumapalakpak rin. Sumasabay sa cheer ng mga estudyante. Huminga ako ng malalim.
"No opportunity wasted for the free throws! Harell University's score is 4 points ahead of University of Saint Sebastian!"Down to the last 30 seconds.
"Ipasa mo na kay Keith yan!" Sigaw ko kay Migs. Pagpasa niya ay nakuha naman ng #2 ng kabilang team at 3 points pa yun! Shit, kritikal!Napailing ako at agad kong nakuha ang bola, pinasa ko kay Keith na malapit sa akin saka niya pinasa kay Yap at shoot! 3 points rin! Buzzer beater pa!
Hiyawan at palakpakan ang mga estudyante ng Harell University matapos ang oras ng game namin. Tumingin ako sa mga upuan pero wala na si Eleanor? Di kaya guniguni ko lang yun dahil isang linggo ko na siyang hindi nakikita dahil sa pagttraining ko?
"Good job, Ryan!" Sabi ko kay Yap.
"Sinunod ko lang rin naman sabi mo kahapon, Cap."
"Second year ka pa lang, pero alam kong ikaw ang magiging Captain pagtapos ni Keith." Tinapik ko ang likod niya at ngumiti.
"Sana nga po. Salamat, Cap!"
"Oh, you made it again! Di na kita pupurihin kasi baka lumaki lang ulo mo!" Sabi ni Angela sabay kinotongan ako sa ulo!
"Nye nye nye edi wow salamat!"
"Pupunta ako kila Amber ngayon ha! Di ako sasabay sayo pauwi." Sabi niya sa akin habang nagaayos ng gamit.
"Bakit? Anong meron?" Tanong ko pero napataas ang kilay ko.
"May thesis!"
"Ah, uwi ka kaagad." Sabi ko habang nagpapalit ng pantaas.
"Di pa nga ako umaalis, pinapauwi ako agad!?" Pasigaw niyang sabi at hinarap ako.
Nagkibit-balikat lang ako. "Ingat kayo." Umalis na ako sa kinaroroonan ni Angela at pinuntahan ang teammates ko.
"Team, meryenda tayo ngayon." Sabi ni coach.
Lumapit ako kay coach. "Coach, sorry po, hindi ako makakasama sa meryenda ngayon. Kelangan ko po ayusin yung sa thesis namin."
"Alright, next training will be in three days. Try destressing, nakita kong nanginig ka kanina. Job well done, Andrew." Sabi ni coach at tinapik ako sa braso ng dalawang beses.
"Thanks coach. See you po." Dali-dali akong lumabas ng gym at hinanap ng mga mata ko si Eleanor.
Baka naman nandito talaga siya?Nabigo ako sa paghahanap kaya lumabas na ako ng gate ng university.
To my surprise, she's really there! Tangina, ang saya ko lang?
Kakausapin ko sana siya kaso naglakad siya palayo. Sinundan ko siya sa gilid ng university na kung saan walang tao. "Eleanor?" Saka siya tumigil sa paglalakad.
Hinarap niya ako, at ang sunod niyang ginawa ang kinagulat ko.
Niyakap niya ako.
Shit, niyakap ako ni Eleanor?!
"You're unfair," Sabi niya na may mahinang boses.
"You didn't call me after a week! After you kissed my forehead? What a weakling.. but when you play Basketball, you're like a monster!"
I was caught off guard. I hugged her back. "Sorry. Sobrang busy ko kasi puro na kami training noong nakaraan. I'll never do that again. I'm sorry, Elle."
Hinigpitan niya ang yakap sa akin. "Why don't you come with me in the manor? I made you some brownies." Kumalas siya sa yakap at tumingin direkta sa mga mata ko.
"Wait," Nakatalikod na siya para maglakad pero hinawakan ko ang kamay niya.
"You're okay with me.. calling you Elle? H-hindi ka ba galit?"
She looked so cold while staring at me, but her lips begin to form a smile. "I'm not mad, I actually like it."
I licked my lower lip and nodded. "Okay. Sabi mo yan ha?"
BINABASA MO ANG
Catch Me ✔
Mystery / ThrillerEleanor Jensen is the most beautiful woman people have ever seen, like she's a descendant of goddess Aphrodite. Men line up just to see her and they'll be left in awe of her undeniable and extraordinary charm. Little do they know, Eleanor has a hide...