XXIII - Andrew

253 10 3
                                        

While on our way home, Angela was unusually quiet.

"Bakit ang tahimik mo? Ngayon ka lang nakakita ng ganun kaganda kaya natitibo ka na?" Natawa ako pero binatukan naman ako ni Angela.

"Gago hindi!" Saka niya binalik ang tingin niya sa labas ng kotse.

I really don't get girls! Lalo na tong kambal ko! One second she's loud, then she's hella quiet.

"How did you meet her?" After a couple of minutes she asked, breaking the silence.

"She was the one who helped me when the boys beat me up.. teka, nasabi ko na to, bakit mo tinatanong pa sa akin?"

"Ah.. oo nga pala."

"Do you think.. she really likes you?"

I glanced at her and put my attention on the road again. My twin's aura was cold.. it's the unusual coldness she gives out once in a while, when she's really serious. It felt like she's interrogating me.

"Look, Angela, I still don't know yet. Pero sinabi niya naman sa akin na gusto niya rin ako. Trust is essential in relationships, right? If I won't trust her, what's gonna happen?"

I quickly glanced at her and she shrugged.

"Whatever suits you.. but always, always be careful, Andrew. I love you as my brother, and I'm only concerned." Bumaba na siya ng kotse at pumasok sa bahay.

Well, that was fucking weird.. hindi naman ganito si Angela.




"So, where did the two of you went?" Tanong ni mommy.

"Ah, we went shopping lang po. S-sa mall.." Angela answered.

The four of us are eating together.

"Shopping? Totoo ba yun, Andrew? Eh bakit wala naman kayong dalang pinamili? Are you a changed lady now, Gela?" Dad joked.

I wheezed. "Bago yun noh, daddy?"

Tumingin kaming lahat kay Angela at umirap.. she just looks unusual tonight. She's more serious.

"Come on, don't kid the princess! Angela, I just want to ask.. is Andrew seeing someone?" Napatigil ako sa pagnguya ng pagkain ko. Tumingin ako kay Angela na napatigil rin sa pagkain.

She rolled her eyes again. "Mukha bang may magkakagusto dyan? Puro lang basketball yan eh."

Tumayo na si Angela, hindi pa ubos ang pagkain niya sa plato. "I'm full, medyo pagod ako today, matutulog na ako mommy at daddy." Angela went upstairs straight to her room.

"Baka may monthly period? Hehe." Biro ni mommy.

I nodded. Baka nga..

"So, Andrew.. are you seeing someone? Your mom and I just want to know."

"Angela said it. Wala, mommy at daddy. Wala." I denied. They both nodded and we went back to eating.

I can't tell them about Eleanor yet.



Days went by, the Angela I've seen since we went to Eleanor's house is still the same. What's with my twin lately? Meron nga ba siyang dalaw tulad ng sabi ni mommy noon?
Ang seryoso talaga ni Angela! Hindi ako sanay!

"Hoy, birthday na ng crush mo. Pupunta ka diba?" Sinugod ko si Angela sa kwarto niya at nakita ko siyang busy sa pageencode sa laptop niya ng ewan ko ba kung ano yun, para sa thesis yata nila.

"Oo bakit?" Hindi niya ako nililingon.

"Ngayon na yun. May susuotin ka na ba para mamaya?"

Napatigil siya sa pag-type at biglang napatayo. "Ngayon na ba yon?! Mamaya na!?"

"Oo. May invitation ka ah. 6PM ang start." Nagkibit-balikat lang ako.

"Shit! Wala pa akong susuoting dress para mamaya!" Napatingin siya sa wall clock.

"May limang oras ka pa naman para maghan--"

"Halika, samahan mo ako bibili ako ng dress at sapatos." Hinatak niya ako palabas ng kwarto at nagmamadaling bumaba.

There, there, my twin sister's back.

Akala ko pa naman prepared na siya lalo na at si Keith ang may birthday.



Nakarating kami sa mall at dumiretso kami sa isang boutique na puro damit pambabae.

Sampung minuto lang ay nakapili na siya ng damit. Pulang dress na lagpas tuhod ang napili niya pero hapit.

"Angela! Bakit naman hapit sa katawan yang susuotin mo? Saka pwede bang humanap ka ng mas mahaba?"

Sinamaan ako ng tingin ni Angela. She mouthed wala akong pake.

Tumaas ang gilid ng labi ko at sinamaan siya ng tingin. Angela's really back. My hot-headed twin.

Pagtapos niyang bayaran sa counter ay hinatak niya naman ako papunta sa department store.
Kawawa talaga ang magiging boyfriend ng kambal ko.

Pumunta kami sa area na puro pambabaeng sapatos kaya umupo na ako sa couch kung saan siya namimili.

Naglalaro lang ako sa phone ko at naririnig ko ang mga Tsk ni Angela. 29 na, at nabilang ko yun.

Umupo siya sa tabi ko at nagbuntong-hininga. "Oh, ano yun?" Tanong ko.

"Ang hirap kasing humanap ng babagay sa dress ko." Humalukipkip siya kahit patingin-tingin sa paligid kung nasaan ang mga sapatos.

Nagpicture ako na kasama si Gela na nakasimangot at hindi nakatingin sa camera. Sinend ko iyon kay Eleanor.

Puro suntok ang aabutin ko kung nakita man ako ni Angela na kasama siya sa picture.

"Pumili ka ng kulay puting sapatos. Bagay yun." Ngumisi ako.

Tumaas ang kilay niya. "Talaga lang ha?"

Tumango lang ako at iniwan niya sa tabi ko ang paper bag na may laman ng damit na susuotin niya para mamaya.

Ilang minuto pa ang dumaan, sa wakas nakapili na siya. Nakangiti na eh. "Bayaran ko na to, tara na!"

Tumayo ako at nagcheck ng messenger pero hindi pa nagrereply si Eleanor. Pinaalam ko rin sa kanyang pupunta kami ng birthday ng teammate ko mamaya.



Pagdating namin ni Gela ng bahay, nakasalubong namin si mommy na tinutubigan ang mga tanim niyang bulaklak.

"Oh bakit nagmamadali si Angela?" Tumatakbo kasi si Angela at nagmamadali. Dalawang oras na lang kasi para mag-ayos siya.

"Ah, mommy punta nga po pala kami sa birthday ng teammate ko sa varsity mamaya." Paalam ko.

"Okay, Drew, ingat kayo doon. Ang daddy niyo pumasok ng office ngayon, pero pauwi na rin." Nakangiting sabi ni mommy at bumalik na sa pagtutubig ng mga halaman niyang siya mismo ang nagtanim sa garden.

Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat na. Kinatok ko ang pinto ni Gela. "Hoy bilisan mo ah. Iwan kita dito pag di ka pa tapos."

"Whatever! I'll shower na!" Sigaw niya.

Men will only take 30 minutes to get ready.

May time pa ako para manuod ng highlights ng game sa NBA.

Catch Me ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon