Flying Ipis

624 16 0
                                    

Aly's POV
Magkasama kami ngayon ni Den ko sa mall, nag shopping as usual ako tagabitbit.

It's a privilege for me na mabitbit ang pinamili ng prinsesa ko. And that is how you treat your girl right. Wag niyo sila papagurin unless... HAHAHA jk

"Babe, I'm tired na" reklamo niya

"Awww look at my cute little Dennise, nag yayaya mag mall tapos mapapagod din pala kagad." Sabi ko and I kissed her cheek.

"Ehhh babe malay ko ba na MOA mo ko dadalhin nung sabi ko mag mall tayo. Akala ko UPTC lang eh." Sabi niya ay nag cling sa braso ko

"Hahaha I want what's the best for you kaya kita dito dinala and besides mas maraming pag pipilian dito." Sabi ko habang hinihila siya

"Di ako prepared." Sabi niya at inirapan ako.

Ang bilis talaga mag mood swing. Hahaha well nakaupo na kami ngayon sa seaside and I'm still carrying her shopping bags.

"Ly, I love you." Sabi niya sakin

"I love you more than anything else Dennise, and I will protect you from everything that can harm you. " sabi ko

She smiled and hugged me.

"Tara na babe. I can't feel my legs na" sabi niya kaya napatawa ako.

****
We arrived at our condo. Ngayon inoopen ko na yung door.

Pag kapasok na pakapasok namin agad na nag on yung lights and suddenly...

*booooogsh*
I DIED.

Den's POV
Pagkabukas palang namin ng condo agad na kumalabog ang loob ng condo namin at pag kakita ko may ipis sa may vase malapit sa door.

"AHHHHHHHH!!!!!!LY PATAYIN MO YUNG IPIS!!!!!!! Ahhh!!!!" Sigaw ko takot ako sa ipis minsan pag nakakagulat sila.

Pag lingon ko sa katabi ko, wala na akong kasama at yung mga pinamili namin nakakalat sa sahig. KUMARIPAS PALA NG TAKBO ANG LOKO.

"ALYSSA VALDEEEEEEZ!!!!!" Sigaw ko sa sobrang inis.
Lumabas ako at nakita ko pa ang isang sapatos niya nasa may bandang elevator.

*ring**ring*

"H-hello b-babe. B-baba ka muna dito sa lobby padala yung sapatos ko. U-uwi muna tayo sa inyo. Dun muna tayo matulog" sabi niya habang hingal na hingal.

Agad kong binaba ang tawag at bumaba sa lobby pag katapos kobg i lock ang condo namin.

"WALANG HIYA KA TALAGA! MAY PROTECT PROTECT KA PANG NALALAMAN EH IPIS NGA DI MO MAHARAP KUNG SANG LUPALOP KA PA NAKARATING!" Sigaw ko sa kanya habang hinahampas yung sapatos na

"Babe wag ka gumawa ng scene dito oh." Sabi niya na parang nahihiya

"GAGO KA TALAGA VALDEZ!" Bulyaw ko

"Shhh tara na bayaan mo na yung ipis dun. Bibili nalang ako ng bagong condo sa ibang building yung mas malinis" sabi niya

Di ko alam kung matatawa ba ako o mas lalong maiinis sa sinasabi nito.

Inirapan ko siya at nagulat ako ng hinalikan niya ako sa labi.

"Kaya kitang protektahan sa mga masasamang tao...

Pero pag ipis ang usapan. Una muna kitang ipapakain" bulong niya

OKAY NA SANA EH KASO UMIRAL NANAMAN YUNG KADUWAGAN NG MOKONG NA TO.

"I love you babe bati na tayo" sabi niya at kiniss ako

Eto lang naman yung weakness ko eh pag nag llambing siya

"I love you too babe." Sabi ki at pumasok sa sasakyan.

Meant to be talaga kami. PAREHO KAMING TAKOT SA IPIS.

AD Shots Where stories live. Discover now