P R O L O G U E

49.7K 956 65
                                    

"Gago ka ba?Eh bakit naman kasi nasa ganitong lugar ka?!"

Inis na sambit ko mula sa kabilang linya.

It's my friend Matteo, bat ba napunta rito ang damuhong iyon? Nangunot ang noo ko habang binabaybay ang daan na puno ng dikit dikit na mga maliliit na bahay na gawa sa yero at kahoy.

Hindi ko alam kung bakit naririto sa ganitong klase ng lugar ang kaibigan ko, gayong hilig nito ay magkulong lamang sakaniyang opisina buong araw.

["Sisihin mo si Vin at Zayne! Pinagtripan ako kagabi nang malasing ako sa inuman namin. Tapos eto paggising ko nandito na ako! Dalian mo at gusto ko ng umuwi! Damn I'll kill both of them kapag nakaalis ako dito"]

Mariing saad nya na nagpailing nalang saakin. Ginawa pa akong utusan!

'Eh bat mo rin kasi sinunod?'

Napailing nalang akong lumabas ng tricycle na sinakyan ko. pinarada ko kasi ang kotse ko sa parking lot ng isang mall, mabuti ng nag iingat. I sighed, binayaran ko ang tricycle ng limang daan saka luminga linga sa paligid.

I was about to leave the place and find that fucker, Matteo when I heard a voice. It belongs to a woman who has weird tagalog accent.

"Oh sige Taya! Taya! Taya!Dali taasan niyo naman! Tangina ayoko ng bente! tataya kayo tapos bente?!"

Malakas ang boses na iyon na nanggagaling mula sa kumpulan ng mga kalalakihang naghihiyawan.

I find the voice funny, saying those words, yet fascinating. Dapat ay umalis na ako at hanapin si Matteo pero parang may nagtutulak saaking puntahan ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Mula iyon sa nagkukumpulang mga lalaking nag iingay at naghihiyawan.

Oh baka naman nahawa lang talaga ako kay Vin at Zayne sa pagkatsismoso nila?

"Mga putangama nyo! yung mga walang pantaya magsilayas na! babangasan ko mga sira sirang muka nyo eh!"

Narinig kong muling hiyaw ng boses. Sinubukang kong silipin kung anong meron pero nakaharang parin talaga ang mga tao. Napasimangot nalang akong tinabig sila at sumiksik hanggang sa makarating ako sa harapan.

"Oh ano wala ka pala eh!Doblehin mo na taya mo!Mga hung hang di kayo mananalo!"

Saglit akong natulala nang tuluyan ko itong makita. It was a woman, a woman with a fascinating beautiful face that my eyes ever laid on. Marami na akong magagandang babaeng nakasalamuha, some of them were models and actresses. But damn, hindi ko maintindihang kung bakit ang lala ng epekto nito saakin. I don't even know her!

She has an angelic face and clear green eyes that resembles an emerald gem.

Ngunit napangiwi ako nang masaksihan ang kaniyang ginagawa. Nakangisi lang itong naglilista sa isang notebook at inilalagay ang mga pera sakaniyang lumang fanny pack. Habang naglalaban ang dalawang tandang sa gitna ng daan.

'Isn't this illegal?'

I thought.

Gusto kong umalis sa mabahong lugar, ngunit hindi ko maalis ang titig sa babaeng ito sa hindi malamang dahilan.

"Tangina niyo, ayusin niyo ang taya! eh kung ganito kaliit ang taya ninyo ay maliit din ang babalik!"

Gusto kong matawa sakaniyang accent habang sinasabi ang mga salitang iyon. It seems like she came from a foreign country, but she speaks well in tagalog.

"Sige ba basta may kasamang kiss kapag nanalo kami!"

Sambit ng isa sa mga lalaking nakapalibot na nagpakunot ng noo ko.

Bachelor Series #4:His Lost Wife(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon