Chapter 16

24.7K 573 12
                                    

Emerald

"Seriously pati sya?"

Kunot noong tanong ko kay Ruby na kausap ko ngayon sa phone nang marinig ko ang ibinalita nya sakin.

["Yeah, nakidnap din yang si Saphire. Mabuti nga ikaw ay nakatawag pa kahit alam kong tinangay ka nyang asawa mo kasi nakita ko sa cctv. About Saphire ako na ang bahala, ingat ka nalang dyan sa honeymoon niyo."]

Saad nito habay halakhak na bahagyang nagpasimangot sakin.

"Ewan ko sayo!"

Inis na turan ko, kalaunan ay tumigil ito sa pagtawa.

["Mukang wala ka ng kawala dyan ah."]

Seryosong saad nito na nagpabuntong hininga nalamang saakin.

"I'm confused, Ruby. I badly wanna get away from him as far as I could. Pero ang mga anak ko, I know they've longed for a father at napakawalang puso ko naman kung ilalayo ko sila sakanya. Napaisip nga ako, paano kung iwan ko nalang kay Zenon? I'm sure Zenon will give everything to them, Magiging mabuti syang ama sak---"

Ruby decided cut my words before I finish my sentence.

["They've longed for a father Emerald, pati ba naman sa nanay? Alam kong hindi mo kakayaning mawalay sa dalawang yan so that that will not be a good choice. I know our lives has been deadly as hell for a decade now and it's been really hard for us. Saka pwede ba? kaya naman sigurong ipagtanggol ni Zenon ang sarili nya. He has the rights to know, Emerald, he needs to clear his minds from questions too. This doesn't sound so me, but I think, you need to open up, asawa mo sya. Pinasok mo yang gulong yan, kaya harapin mo."]

["Give him a chance, huwag kang duwag dyan. Saka hindi ko na hahayaang sumuway sa deal ang mga taong iyon. Once we married a powerful man, we will be freed, at yun ang kasunduan. Trust me, hindi ko na hahayaang suwayin nila iyon. Kasal ka sakanya kaya wala kang dapat ikatakot, you are freed from that stupid deal Emerald, ikaw lang ang nagkukulong dyan sa sarili mo. Kung nag aalala kang maulit ang nangyari 7 years ago, then don't, andito lang ako. And he is your husband, he deserves to know"]

["Malaya ka na, malaya ka na sa kasunduang yun. So what if his life will be at risk just by being your husband? Edi ipaliwanag mo sakaniya, kung handa siyang sumukol sakabila ng mga nalaman niya edi bigyan mo ng chance, ginusto niya yan eh.  I want you to tell him everything, Emerald, tapos siya na ang magdedecide kung handa padin siyang mahging asawa mo sakabila ng mga nalaman niya. Kilala moko at hindi ko sasabihin sayong pagkatiwalaan sya kung satingin ko ay hindi tama."]

Mahabang sintemyento nito, tears started to fall from my eyes. This is what I always hate about Ruby, yet this is why were still together kahit napakaraming challenges na dumating saamin.

["Trust him Emerald, he loves you, yes he do loves you. Pero paano ka nya pagkakatiwalaan kung di mo kayang ibigay yun sakanya? Nagkaanak na kayo't lahat lahat wag mo ng pahirapan pa sarili mo."]

Marahas itong napabuntong hininga.

["Ewan ko sainyong dalawa ni Saphire, kung hindi lang talaga tayo magkakamuka iisipin kong ampon ako. mga siraulo kasi kayo ehh, siguro nung pinanganak tayo umutot si mommy tapos kayo yung nasapol nalanghap nyong dalawa tapos napunta sa utak nyo. Anyways bye na nga, may susugurin pa ako."]

Saad nito sabay patay ng tawag bigla.

Ewan ko, pero napangiti nalang ako bigla, hindi na ako pinagsalita ng bruha. Dahil mukang ayaw na magdrama pa ako sakanya, napailing nalang tuloy ako rito.

"Mommy! Join kayo samin!"

Narinig kong sigaw ng mga anak ko habang nakikipaglaro kay Zenon sa mababaw na parte ng falls. Napailing nalang akong ngumiti saka tinanggal ang robe na suot ko, I saw how Zenon's gaze roamed on my body, hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng pisngi.

Bachelor Series #4:His Lost Wife(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon