Chapter 3

919 47 5
                                    

Article

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Article

Kaeton's POV

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"So ano palang pangalan mo?" Tanong niya sakin.

"Kaeton pero pwede mo naman akong tawaging Kae." Sabi ko sakaniya sabay ngiti.

Ngumiti naman siya sakin.

"So ikaw pala yung kinukwento ni V at Namjoon na laging pumupunta sa mga fan meetings namin."

Oo ako yun, ni hindi mo nga ko pinapansin eh!

"Ah oo" sabi ko, nahihiya na ko.

"Kae, kasama mo ba si V kanina? Suot mo kasi damit niya tapos kwento siya ng kwento kanina e." Tanong niya sakin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kae na tawag niya sakin, napangiti naman ako.

"Ah oo." Sagot ko sakaniya "Kwento mo nga sakin mga ginawa niyo ngayong araw." Sabi niya sakin.

Kwinento ko naman sakaniya lahat ng mga ginawa namin ni V ngayon.

Tinignan niya lang ako at sinabi niya na

"Tara sa falls bukas!" Sabay ngiti sakin.

"Ha? Diba may shooting pa kayo bukas?" Tanong ko sakaniya.

"Nope wala na. Umalis na sila kanina, mag stastay pa ko dito ng isa pang linggo and i hope sa isang linggo na pagstay ko dito ikaw kasama ko." Nabigla naman ako sa sinabi niya.

"Seryoso ka ba?" Tanong ko sakaniya.

"Oo, mukha ba kong nanloloko? Diba sabi ko din lang sayo na babawi ako sayo?"

Oo nga pala sabi niya babawi siya sakin. Ngumiti nalang ako sakaniya. Sa mga sinasabi niya ngayon mas lalo akong nahuhulog sakaniya.

"Tara hatid na kita sainyo." Sabi niya sakin.

"Ha? Hindi na kaya ko na sarili ko. Malapit lang naman bahay namin." Sabi ko sakaniya sabay ngiti.

"Sigurado ka? Sige see you tomorrow." Sabi niya sakin.

Nauna akong umalis at dumiretso na ko sa bahay.

Tataas na sana ako sa kwarto ko pero bigla akong tinawag ni Nanay.

"Anak! Nakipagtanan ka ba?!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Nanay at napatingin ako.

"Nay! Hindi! Bat mo naman nasabi yan?" Tanong ko kay Nanay.

"Pang lalaki yang suot mo. At nasan yung damit mo?"

"Nay, pumunta kasi kami sa falls kanina nung kaibigan ko at dahil wala akong extra na damit pinahiraman niya muna ako ng damit niya." Sagot ko kay Nanay.

"Ganon ba anak? Sige akyat ka na. Ay saglit kumain ka na ba?"

"Opo Nay, taas na po ko."

Tumaas na ko sa kwarto ko at humiga.

Magvibrate yung phone ko at tumatawag nanaman si Aerin.

"Hello Aerin?"

"KAETON!" Medyo nilayo ko kaunti yung phone ko sa tenga ko sa lakas ng boses ni Aerin.

"Bat ka sumisigaw? May problema ba?" Tanong ko sakaniya.

"Kwento ka hehe" yun lang naman pala eh.

Kwinento ko lahat ng mga nangyari ngayon. Yung pumunta kami sa falls ni V at nung nagkwentuhan kami ni Yoongi sa 7-11.

"Kae... binabalaan na kita, wag kang masyadong maattach kay Yoongi please. Masasaktan ka lang." Sabi ni Aerin sakin.

"Pano ba yan, naattached na ko sakaniya. Bakit ba?" Tanong ko sakaniya.

"Actually ayaw ko siya para sayo." Nagulat naman ako sa sinabi niya, parang dati lang ship na ship niya kaming dalawa tapos ngayon yan sasabihin niya sakin?

"Okay ka lang ba? Parang dati lang sinusuportahan mo ko pero ngayon parang hindi ka sang ayon sa lahat ng mga ginagawa ko ngayon."

"Gusto mo malaman kung bakit ha?" Mas lalo akong kinakabahan sa sinasabi niya.

"Hindi kayo bagay ni Yoongi" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ha? Akala ko ba..." Dapat pala hindi ko nalang kwinento lahat ng nangyari dito. Parang ayaw ko na bumalik doon.

"Artista siya at ikaw low class ka lang. Hindi kayo bagay sa isa't isa!." Nagulat ako, hindi naman siya ganiyan dati sakin.

Inend call ko nalang at umiyak ako.

Biglang nagvibrate phone ko, may nagtext sakin. Unknown number.

09*********:
Hey si Yoongi to. Nakuha ko number mo kay V.

Huh? Pano nakuha ni V number ko?

Kaeton:
Huh? Pano niya nakuha number ko? Tanong mo nga siya.

09*********:
Nung naliligo ka daw kinuha niya phone mo at sinave number mo sa phone niya.
Pwede ba tayong magmeet bukas? Kailangan ko ng kasama bukas.

Baka ano isipin nanaman ng ibang tao. Hindi nalang ako nagreply, inopen ko Facebook ko.

Bat madaming friend request? Ano meron? Pumunta ako sa news feed at puro articles about sa BTS at isang babae? Wait don't tell me ako yun?

Chineck ko yung article at nakita kong may picture kami ni V na nagjojogging at nakita ko rin na may picture kami ni Yoongi na nagkakape sa 7-11. Patay tayo diyan, di ko alam kung babalik pa ba ko dun sa amin.

A Week with Him | min yoongi ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon