Chapter 27

542 26 15
                                    

Island

Kaeton's POV

Nagkatinginan kami ni Yoongi.

"Yie!" Sabi ni Hoseok pero bigla siyang pinalo ni Jungkook.

"Jungkook!" Sigaw ni Hoseok kay Jungkook.

Tumingin naman ako kay Tae, ang lungkot ng mukha niya.

Hinawakan ko naman yung mukha niya para tumingin siya sakin.

"Selos ka?" Tanong ko sakaniya at tumango naman siya.

"Wag kang magselos ok?" Tumango naman siya.

"Kae! Ako rin." Sabi naman ni Jungkook, at bigla niya kong niyakap.

"Jungkook, gusto ko pang mabuhay, wag mo muna akong yakapin, wag nating patayin sarili natin. Ang init kaya." Sabi ko sakaniya.

Ngumiti naman siya sakin at pinatong niyo ulo niya sa balikat ko.

"Hoy Jungkook! Kailan pa kayo naging close ni Kaeton?" Tanong ni Hoseok sakaniya.

"Kahapon lang!" Sabi naman ni Jungkook.

At eto na nakarating na kami sa island kung san madaming sports activities at masasarap na kainan.

"Kaeton! Banana boat tayo!" Sabi ni Hoseok sakin.

"Tara!" Sabi ko naman.

"Sama ako!" Sabi ni Aerin.

"Sorry kaso pitong tao lang ang pwede sa banana boat e. Tsaka para may time naman kayo ni Yoongi hyung." Sabi naman ni Jungkook at ngumiti.

Tumakbo naman na kami at sumakay na kami sa banana boat.

"Promise ko hindi na tayo mahuhulog." Sabi ni Hoseok.

"Siguraduhin mo." Sabi naman ni Namjoon.

At ayun na nga. Wooh! Umandar naaaaa. At biglang-

"HOSEOK HYUNG! KASALANAN MO TO E!" Sigaw ni Taehyung.

"Lagi naman!" Sigaw naman ni Jimin.

Tawa naman ako ng tawa. Ang saya talaga nilang kasama.

Umahon naman na kami at sumakay na sa bangka at pumunta na kami sa isla ulit.

Naiihi na ako. Hindi ko alam kung saan yung cr.

"Tae, cr lang ako ha? Mauna na kayo. Hanapin ko nalang kayo mamaya." Sabi ko kay V at tumango naman siya.

San ba kasi dito yung cr?

Lakad dito, lakad doon.

Hala nasan na ko? San to?

Kinuha ko yung phone ko at walang signal. Hala pano na to. Habang naglalakad ako at naghahanap ng signal may nabangga ako.

"Hala so- Yoongi?" Napatingin naman ako sakaniya.

"Kaeton? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

"E naiihi na ko, hindi ko alam kung san yung cr." Sabi ko sakaniya.

"Kakagaling ko lang sa cr, halika samahan kita." Sabi naman ni Yoongi sakin, ngumiti naman ako sakaniya.

"Ganda talaga ng ngiti mo."

Tumingin ako sakaniya.

"May sinabi ka?" Tanong ko sakaniya, ngumiti naman siya at sinabi niya.

"Wala."

At eto na sa wakas! CR!

At eto na nga nakaihi na ko sa wakas jusko lord!

Lumabas na ako at nakita ko si Yoongi na nakatayo naghihintay.

"So tara na Yoongi?" Tanong ko sakaniya.

"Tara pero Kae." That Kae.

"Yes?"

"Actually... hindi ko alam kung saan yung daan pabalik dun." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hay nako Yoongi! Bahala na tara na." Sabi mo sakaniya.

Habang naglalakad kami bigla niya kong tinanong.

"Nanliligaw ba sayo si Taehyung?"

"Ah oo." Sabi ko naman sakaniya.

"Ah okay."

Katahimikan.

"So kayo ba talaga ni Aerin?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi. Fake lang relationship namin." Sagot naman niya sakin.

"Fake? Panong fake?" Tanong ko sakaniya.

"Gusto niya ko, pero ikaw ang gusto ko. Pag hindi naging kami, baka kung ano pang gawin niya sayo kaya pumayag ako sakaniya na maging kami. Sinabi niya lahat ng plano niya sakin kapag hindi naging kami. Syempre dahil mahal kita, gusto kong protektahan ka kaya pumayag ako sakaniya." Napatingin naman ako sakaniya.

"Gusto mo ko? Bat hindi mo sinabi sakin noong bago ka umalis?"

"Kae hindi mo maintin-"

"Hindi talaga. Nung wala pa si Aerin, edi sana sinabi mo na diba? Hindi yung sinabi mo sakin na hindi mo ko mahal! Na pampalipas oras lang ako. Edi sana hindi ako umiiyak gabi gabi kasi ang sakit Yoongi e, ang sakit sakit na lagi ko nalang iniisip na hindi pala ako mahal ni Yoongi pero bat ganon? Mahal pa rin kita Yoongi."

"Kae..."

Bigla niya kong niyakap at niyakap ko rin siya.

"Mahal na mahal kita Yoongi."

Tumingin naman siya sakin at...

"Kaeton..."

"Ano?"

"Mahal kita."

"Mahal din kita Yoongi pero tama na. Siguro mas ok na pasayahin mo nalang si Aerin at siguro panahon na rin para pasayahin ko si Tae. Yoongi... matututunan mo din lang mahalin si Aerin." Sabi ko naman sakaniya.

"No. Hindi Kaeton, ikaw lang gusto ko. Hindi ko kaya na makita ka na kasama mo so Tae."

"Masasanay ka din lang Yoongi."

Ngumiti ako sakaniya at hinalikan ko siya sa labi.

"I love you so much Yoongi."

A Week with Him | min yoongi ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon