Chapter 13

568 30 19
                                    

Day 5: Arcade Part 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Day 5: Arcade Part 1

Kaeton's POV

Kakahatid lang sakin ni Yoongi dito sa bahay.

Nag toothbrush na ko at biglang nagvibrate yung phone ko.

Yoongi:
Hey, meet tayo bukas sa 7-11 ulit uhm mga 3:30pm siguro ganun, okay lang? Di ko alam na dalawang araw nalang aalis na ko haha. :) see you tomorrow, goodnight 사랑

Huh? Ano daw? Hindi ko gets. Bahala na

Matutulog na ko kaso naalala ko hindi ko pa siya nireplyan.

Kaeton:
Goodnight Yoongi. :)

Natulog na ko.

***

Pagkagising ko 9:30am na pala. Bumaba ako para mag almusal at nakita kong nakaluto na pala si Nanay.

Umupo ako sa tabi niya at nasa harap ko naman si Papa.

"Anak lalabas ka ba ngayon?" Tanong sakin ni Papa.

"Ah opo papa. Mga 3 po siguro." Sabi ko.

"Magdala ka ng payong ha? Uulan daw mamaya."

"Uulan? E may araw nga oh! Hindi yan uulan."

"Bahala ka." Sabi naman sakin ni Nanay.

Tumaas na ko pagkatapos kong kumain para makapagprepare na ko.

Tumaas ako at naligo na. Pagkatapos kong maligo nagpalit na ako at naglagay ako ng make up pero yung light lang. Hindi yung makapal jusko!

Pagkaupo ko kinuha ko yung phone ko.

11:30am na pala at meron din palang text si Yoongi sakin.

Yoongi:
7-11, 1:30pm :)

Akala ko ba 3:30pm? Excited ba siya? Joke!

Nagreply naman ako.

Kaeton:
Okay.

Habang naglalaro ako sa phone ko biglang may nagtext sakin na unknown number. Sino kaya to?

09********:
Hey, dinelete mo ba fb mo? Kasama mo ba si Yoongi? Ang dami kasing article na kumakalat na lagi kayong magkasama. Lalo na nung pumunta yata kayong amusement park?

Sino ba to? Binuksan ko yung google at sinearch ko 'Suga'. At tama nga siya may mga pics kami sa mga articles.

Kaeton:
Sino ka ba?

09*********:
Soon malalaman mo. Mag ingat ka Kaeton ha? I'll see you soon. :)

Sino ba siya? Bat parang nag-aalala siya sakin? Ano bang meron? Grabe nacucurious ako kung sino ba siya. Pero thankful ako kasi mag nag warn sakin para aware ako.

Kaeton:
Thank you. :)

09*********:
Always. ;)

Hindi ko na namalayan yung oras at 1:28pm na pala. Hala baka naghihintay na siya! Binilisan kong lumabas ng bahay. At tumakbo na ko.

At ayun na nga nakita kong andun siya at nagphophone siya.

"Yoongi!" Sigaw ko sakaniya. Napatingin naman siya sakin at ngumiti.

Pumasok na kami sa sasakyan at sabi niya pupunta daw kaming mall.

Bigla ko siyang tinanong.

"Nakita mo na ba yung mga articles tungkol sayo?"

"Yung kasama ba kita? Oo." Sagot naman niya.

"Ahh." Yun lang nasabi ko.

"2 days nalang ako dito. Argh! Wooh. Mamimiss ko dito."

Mamimiss din kita. Kung alam mo lang.

Pagkadating namin sa mall bigla nalang niya kong hinila.

"San ba tayo pupunta ha?!" Tanong ko sakaniya.

"Pupunta tayo sa... Secret!" Sabi naman niya.

"Sasabihin mo o sasabihin mo? Bahala ka hindi na ko sasama sayo bahala ka! Last na siguro to!"

"Hindi joke lang. To naman hindi mabiro. Sorry na, punta tayo arcade!" Sigaw niya.

"Dun lang pala eh! May secret secret ka pang nalalaman diyan!" Sigaw ko naman sakaniya.

Grabe mamimiss ko siya. Lalo na yung kakulitan niya.

Hindi ako makapaniwala na two days nalang siya dito.

A Week with Him | min yoongi ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon