Chapter 17

530 23 10
                                    

Day 6: Video Games

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Day 6: Video Games

Kaeton's POV

I love you....

S-seryoso ba siya?

Binilisan kong maligo, gusto kong malaman kung yun ba talaga ibig sabihin nun.

Nagpalit na ko at lumabas sa kwarto ni Yoongi at pinuntahan ko siya.

"Yoongi yung sinab-"

"Tara laro na tayo." Sinabi niya sakin.

Tumango naman ako, siguro mali yung nasearch ko kanina. Baka hindi i love you yung ibig sabihin nung saranghae. Pero nung sinearch ko naman yun puro i love you naman yung lumabas. Hays ewan!

Umupo ako sa sofa at kinuha yung isang controller.

"Laro tayo, nba tayo." Hindi ako marunong.

"Hindi ako marunong." Sabi ko sakaniya.

"Seryoso?!" Bigla siyang napasigaw at nagulat naman ako.

"O-oo hehe."

"Turuan na nga lang kita!" Sabi niya at tumabi naman siya sakin.

"Ganto kasi yan." Hinawakan niya kamay ko at namula ako.

May sinasabi siya sakin pero nakafocus lang ako sakaniya. Nakatingin lang ako sakaniya.

"Tapos..." tumingin siya sakin at bigla niya kong pinalo.

"ARAY!" Sigaw ko sakaniya.

"Magfocus ka sa controller, wag sa mukha ko. Masyado kang pahalata." Sabi niya sakin.

"Oo na oo na! Sakit ng palo mo!"

"Mas masakit yung gagawin ko sayo bukas... Sorry."

Huh? May sinabi ba siya?

"Huh? Pinagsasabi mo?" Tanong ko sakaniya.

"Wala wala."

"Tara laro na tayo?" Tanong niya sakin at tumango naman ako.

Unang nilaro namin, NBA.

At syempre kilala niyo naman na siguro kung sino panalo diba?

Siya! Hmmpf lagi naman. Pati sa arcade siya nanaman basta basketball magaling siya.

"Tama na!" Sabi ko.

Tumingin siya sakin.

"Kaeton." Ayan nanaman siya!

"Ano?"

"May tanong ako."

"Ano?"

"Bat simpleng korean words lang hindi mo alam? Pinapakinggan mo lang ba yung kanta namin at wala ka ng pake sa lyrics kumbaga kung anong ibig sabihin nun?" Tanong niya sakin.

"May alam naman ako pero yung saranghae alam ko pero baka kasi iba maisip ko nun. Ayaw kong mag assume kasi masasaktan lang ako. Pero yung text mo na korean? Hindi ko talaga alam yun." Sabi ko naman sakaniya.

"Alam mo ba talaga or sinearch mo?"

"Oo na oo na. Sinearch ko yun..." at tumingin ako sa floor.

"Tama! Wag kang mag assume. Sakit kaya ng ganun diba?" Tumawa naman siya.

Ewan ko pero naiiyak ako.

"Mag aral ka nga or pag aralan mo yung mga korean words or basta. Para at least soon maiintindihan mo na yung mga susunod na mga kanta namin."

Tumingin naman ako sakaniya at ngumiti.

"O! Bat parang naiiyak ka?" Tanong niya sakin.

At dun na ko nagsimulang umiyak.

Bat ba umiiyak ako? Masaya naman kami pero bat parang may mabigat sa puso ko na parang feeling ko may mangyayari e.

Bigla niya akong niyakap at mas lalo akong napaiyak. Niyakap ko din siya pero mas mahigpit yung yakap ko sakaniya.

"Ayos ka lang? Bat ka umiiyak?" Tanong niya sakin.

"H-hindi ko alam." Niyakap ko siya ng mas mahigpit pa.

"Shh... tahan na."

Mahal na mahal kita Yoongi. Wag mo kong iwan please.

Hindi ko kayang mawala ka sakin.

Hindi ko alam gagawin ko pag kinalimutan mo na ko.

***

Shameless plug. My friend also write fanfictions. I swear maganda. Please check it out : Eclipse | taekook by DanaDeii

A Week with Him | min yoongi ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon