Chapter 2

7 2 0
                                    

Chapter II


" Hon 'yong bag ko dalhin mo nga dahil mabigat! "

" Ang gaan lang nito hon! Bakit hindi mo kayang bitbitin,"  angal niya pero kinuha naman.

" Ikaw ang lalaki kaya dapat dalhin mo 'yan! Atsaka girlfriend mo naman ako eh!  Hindi mo naba ako mahal?"

" Syempre mahal kita hon! Kung gusto mo ako na magdala ng bag mo araw araw! " sabi nito sa'kin at hinalikan ako sa noo.

***

Iminulat ko ang aking mata at ang pamilyar na silid ang pumukaw sa'kin. I'm here again in my room. Ang nagsilbing kulungan ko sa loob ng dalawang linggo. At heto na naman ako, nanghihina at walang lakas.

" Mabuti naman at nagising ka na anak! Halos tatlong araw kang natulog anak! Anong gusto mo? Pagkain ipagluluto kita? " aligagang sabi ni mama na kakapasok lang sa aking kwarto.

" T-tubig... " tanging sambit ko dahil sobrang tuyo na ng aking lalamunan.

" Okay kukuha ako! " anito at dali daling lumabas ng kwarto.

Pinilit kong bumangon kahit hindi ko kaya. Muntik na nga akong matumba ng bigla akong nahilo, mabuti nalang at natimbang ko ulit ang sarili.

Gusto kong pumunta ng banyo dahil nasusuka ako. Feeling ko lalabas na lahat ng nasa tiyan ko kahit wala akong kain.

" Anak bakit naman bumangon ka! Baka mabinat ka bigla n'yan. Heto inumin mo muna ang tubig at kumain ka ng marami para mabawi mo ulit ang lakas mo. "

Inalalayan ako ni mama para umupo ulit sa kama at hinanda ang dala niyang tray na puno ng pagkain. Walang gatol-gatol kong binanatan ang mga pagkain pagkatapos kong inumin ang tubig. Para akong patay gutom sa sobrang takaw sa mga pagkain. I almost puke sa sobrang puno ng aking bibig pero nagawa ko paring ubusin. Pagkatapos kong kumain ay parang bumalik ulit ang aking lakas. I feel energized.

" Ma, s-sino nga pala ang nakakita sa'kin pagkatapos kong mawalan ng malay? " tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi maalala ang nangyari.

" A-hh si manang Betty! N-nakita ka raw niya na walang m-malay sa garden!" Sinabi niya. " Bakit mo naman natanong? M-may naaalala ka ba?"

Bigla naman akong nag-isip," Parang may sumalo yata sa'kin... I don't remember the last part... " I sighed.

" Wag mo ng isipin 'yon. Ang mahalaga ay magpagaling ka at ng makabalik ka ulit sa pag-aaral. Sabi ni Cari ( ka-re) marami daw kayong projects."

Cari is my friend. My best friend for a year. My best buddy and my partner in crime. I treat her as a sister.

" Nag-text siya sayo ma? " tanong ko.

" Actually nabasa ko sa cellphone mo. She texted you three days ago but don't worry, I already tell her your condition. Your excuse in your class but you must double time para makahabol ka. "

Love the Way You Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon